Paraiso Ko'y Ikaw premieres Monday on GMA telebabad

Jan 25, 2014

Sa Lunes, January 27, mapapanuod sa GMA telebabad ang Paraiso Ko'y Ikaw. Ito ang kauna-unahang drama offering ng Kapuso Network ngayong 2014.

Eere ito bago ang news program na 24 Oras.

Pagbibidahan ng dalawa sa pinakasikat na young stars sa ngayon na sina Kim Rodriguez at Kristoffer Martin ang naturang serye.

Iikot ang istorya sa dalawang teenagers na lumaki sa Isla de Amor kung saan madidiskubre nila ang kahalagahan ng buhay at pag-ibig sa murang edad.

Ang direktor ng show ay si B. Joyce Bernal, na inaasahang maitawid sa mga manonood ang kuwento ng buhay na may luha at ngiti at kung saan sa bandang huli, ang totoong pag-ibig ang siyang mamayani.

Read Next
Read More Stories About
GMA telebabad
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results