Matapos ang matagumpay na teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Pangako Sa ’Yo, muli na namang silang makikita sa big screen para sa Star Cinema na isu-shoot sa Barcelona, Spain.
Si Direk Olivia Lamasan ang kanilang director sa movie na nakatakdang i-shoot this June 2016.
Naganap ang story conference ng dalawa noong nakaraang Miyerkules, May 11, sa ABS-CBN compound. Ibinahagi ng Kathniel ang kanilang excitement sa pagpunta sa Barcelona, Spain.