Former PBB housemate Brent Jackson paired with Auriette Divina in West Side Story


Ang Star Magic contract star na si Auriette Divina ang bidang babae sa stage musical na West Side Story na ipapalabas sa piling SM Malls at mga schools starting this July.

First time ni Auriette to do a stage musical at dito niya nalaman na may talent pala siya sa singing.

The 21-year-old performer finished a course in Culinary Arts sa American Hospitality Academy. Ngayon naman ay nag-aaral siya ng Psychology sa Manila Doctor’s College.

“Ang sarap pala kumanta sa stage,” sabi ni Auriette who is paired with Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 housemate Brent Jackson.

Ang West Side Story ay sa ilalim ng direksyon ni Mel Magno. Ang gala presentation nito ay gaganapin sa SM Sta. Mesa Cinema 5 sa July 7. Majority ng audience nila ay mga students.

Maraming firsts para kay Auriette dito sa West Side Story: first stage play, first singing role at first time din niya magkakaroon ng kissing scene. Kaya ang tanong niya ay kung pwede bang dayain ang kissing scene?

Wala pa siyang experience sa stage acting pero excited si Auriette sa challenge na hatid ng pagsabak niya sa stage for the first time. Unang pagkakataon din kasi na she will do classical singing.

“I wasn’t expecting anything nang pumunta ako sa audition. I-try ko lang daw, sabi ng handler ko sa Star Magic. I didn’t imagine na ako pala ang mapipili nila,” wika ng dalaga.

“I am really challenged sa role kasi hindi ko alam kung paano magre-react. Di ko ma-explain how I feel. Iba naman kasi ang acting sa TV at ang acting sa stage. Mahirap kasi dapat memorized ko ang mga lines, pati ang mga songs.”

Ano ang reaction niya when she learned may kissing scene? “Ayoko sana gawin ang kissing scene kaya lang nalamam ko ang tungkol sa kissing scene after napirmahan ko na ang kontrata. Sana kung pwede dayain na lang ang kiss,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa kissing scene, may bed scene din sila ni Brent. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin and what to expect pag andun na kami sa eksena na ‘yun,” dagdag pa ng performer.

Auriette joined Star Magic three years ago. Nakalabas na siya sa mga ABS-CBN shows like Katorse (where she played the girlfriend of Enchong Dee), Precious Hearts Presents Bud Brothers at Imortal (where she played a vampire).

Lumabas din siya sa PHR Presents Kristine as the girlfriend of Rayver Cruz. Her most recent TV proiect was E-Boy, where she played a detective.

Kung sakaling mabigyan ng break na magbida sa isangTV show at may chance na pumili ng magiging leading man, Auriette says si Gerald Anderson ang wish niya na makapareha.

“Cute siya at maalaga,” sabi niya.

Gusto rin niyang makatrabaho si Enrique Gil, na ka-batch niya sa Star Magic. “Magkakilala na kami. Mabait siya,” sabi ni Auriette.

Ang West Side Story ay project ng Seventh Stage Production House.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN