"Pinoy Samurai" opens sixth season of DBAPF


Ang Pinoy Samuraiay isang dulayaw, pinagsanib na dula at sayaw na umiikot sasimpleng kuwento ng pag-ibig. Ito ay itatanghal ng DBAPF sa U.P. MainTheater sa September 15 at 16, 2007.


Dulaang Bedista Alumni Production Foundation, Inc. (DBAPF) presents itsfirst offering for its sixth season. This is the colorful, action-packed andunique dance play (dulayaw) titled Pinoy Samurai.

The play stars DBAPF homegrown talents including senior actors Chris Lim asAtiwwan, the Pinoy Samurai. Emperor Hajimari is portrayed by Reggie Caranyagan,the Geisha Saishin is performed by Adelle Ibarrientos, and Queen Rakumei isportrayed by Jen Cosculla. This dulayaw is supported by Chin Ortega,Patrick Libao, Art Gabrentina, Kierwin Larena, Patricia Lopez, and a cast of 30new actors of the Foundation.

The play will be staged on September 15 and 16, 2007 at the U.P MainTheater, at 10 a.m., 12:30 p.m. and 3 p.m.

THE PLOT. Si Atiwwan, isang Filipinong Igorot ay inimbita sa BansangHapon ng Samurai na si Sentaku upang maging mersenaryong papatay sa Hapones naEmperador na si Tetsugaku. Hindi malinaw ang pinag-ugatan ng hidwaan ninaSentaku at Emperador Tetsugaku, ngunit malapit silang magkaibigan sasimula.

Noong nasiguro na ni Sentaku namagagawa ni Atiwwan ang misyon, nag-harakiri o nagpakamatay na ang una. Naganap ang inaasahan, napatay nga ni Atiwwan ang Emperador kaya't pumalit angkanyang batang anak na si Hajimari sa trono. At sapagkat batang paslit palamang si Hajimari, napagdesisyonan ni Rakumei, ang reynang asawa ng napaslangna Emperador, na lagyan ng tabing ang kanyang trono at itago sa madla angbatang Emperador.

Si Atiwwan naman ay umibig sa kapatid ni Sentaku, angHaponesang si Agemasu—isang Geisha, alagad ng sining at kultura. Kinasalsila at nagkaanak na pinangalanan nilang Saishin. Ngunit nang pinasugod niHeneral Okayama at kuta ng mga Samurai, napaslang si Agemasu at ang pumalit sakanya bilang isang magaling at tradisyunal na Geisha ay walang iba kundi anganak na si Saishin.

Sapagkat hindi nakikilala ngmadla si Hajimari, nakakalabas siya ng palasyo at dumadalo sa iba't ibangpiging. Sa pagpapasinaya ng isang kainan, kung saan naghandog ng sayaw siSaishin ay nagkakilala ang huli at si Hajimari. Hindi naman inamin niHajimari na siya ang Emperador at nagpanggap na simpleng binatalamang. Nagkaibigan sina Saishin at Hajimari at umabot na sapagpapakasal. Ngunit sa gabi ng pamamanhikan, ay pinahuli ni HeneralOkayama si Atiwwan at sinabing binilog lamang ni Saishin ang ulo ng Emperadorupang patraydor itong patayin ng mga Samurai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maniwala kaya ang EmperadorHajimari sa kasinungalingang tinahi-tahi lamang ni Heneral Okayama?

Ang Pinoy Samurai ay isang dulayaw, pinagsanib nadula at sayaw na umiikot sa simpleng kuwento ng pag-ibig. Ngunit sasimpleng kuwentong ito magmumula ang mahahalagang aral ng pagpapakumbaba, paggalang,onor at karangalan.

For ticket inquiries, please email dbap_sbc@hotmail.comor call 7852927, 09205205723.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN