Eugene Domingo mentions PEPsters in updated version of Bona

Eugene Domingo acts opposite Edgar Allan Guzman (right) in the theatrical version of Bona. This play depicts how a fan named Bona (played by Eugene) sacrificed a lot for her idol, a newbie actor named Gino Sanchez (portrayed by Edgar Allan).


Malaki ang pagkakaiba ng film version ng Bona (1980) sa theatrical version na inihahandog ngayon ng PETA (Philippine Educational Theater Association).


Imbis na melodrama ang atake sa naturang proyekto, may halong comedy ang naturang play na pinagbibidahan nina Eugene Domingo at Edgar Allan Guzman.


Ang 2012 version ay tungkol sa isang call center agent na nagngangalang Bona (played by Eugene) na nag-sakripisyo ng malaki para sa kanyang idolo na newbie actor na si Gino Sanchez (played by Edgar Allan).


Ayon sa lead actress na si Eugene, binago ang theatrical version ng Bona upang i-reflect ang sitwasyon ngayon ng mga artista at ang ugnayan nila sa kanilang mga fans o mga tagahanga.


“Updated ang script na ito ng Bona kasi yung original na pinakita sa pelikula ay nababagay noon.


“Ngayon, mas gusto natin na mas maraming maka-relate at hindi naman talaga nawawala ang mga fans, kahit anong panahon.”


Isa sa mga pagbabago ay ang pagbanggit sa mga social networking sites tulad ng Twitter at Facebook na wala sa original movie.


Sa naturang play, nabanggit rin sang mga PEPsters o mga registered users na nagbibigay ng komento sa mga artikulo na na-publish na sa www.pep.ph


Sa katunayan, sa dialogue ni Bona sa naturang play, sinabi nito: “Nakikipag-away talaga ako sa fellow PEPsters kapag may sinabi silang negative!


Dagdag pa ng character niya na si Bona: “Lagi akong nagko-comment para laging hot ang article niya.”


Minsan kasi ay naglalagay ng icon na “Hot” sa titulo ng isang PEP article upang ipahiwatig na controversial topic ang pinag-uusapan sa artikulo.


(CLICK HERE to watch related video)


Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lead actress kung nag-adlib siya nang sabihin niya ang tungkol sa mga PEPsters, sinabi ng aktres:


“Ay hindi! Kasama talaga ang PEPsters sa script. Kasi, di ba, ang mga fans active sa mga social networking sites,” paliwanag ni Uge (palayaw ni Eugene) sa isang interview sa kanya noong August 23 sa PETA Theater Center, Quezon City.


Ano ang lesson na natutunan ni Uge tungkol sa pagtrato ng mga artista sa kanilang fans?


“Malinaw naman nating naipakita sa dulang ito na lahat tayo wala kaibahan kay Bona. Lahat tayo, may nararamdaman na kakulangan. Meron tayong mga hangarin sa buhay kahit gaano ka pa ka-talino. Walang hindi nakakaramdam ng paghanga at walang hindi napapaso [ng pag-ibig].


“After doing Bona, now I really, really value people who support me as an actor, as a celebrity.”


Naniniwala si Uge na sa maliit na paraan ay nagbibigay saya siya sa kanyang mga fans.


“Ano nga ba ang mabibigay mo sa mga humahanga sa iyo? Simpleng ngiti, autograph, pasasalamat.”


Isa sa mga pinaka-pinagusapang eksena ng Bona ay ang bathtub scene ni Uge, 41, kasama ang 22-year-old actor na si Edgar Allan.


Natawa si Uge bago sinabi: “Kailangan, eh. Kailangan nating ipakita na lumusong si Bona para maintindihan natin kung ano ang nangyari sa kanya. Bakit ba siya nagka-ganun.”


Pinagkumpara rin ni Uge ang pagkakaiba ng pag-arte para sa teatro at pag-arte para sa telebisyon at mga pelikula.


“Ang bilis ng pacing! Yun ang kaibahan pag nagsu-shooting tayo. Pwede mag-cut then pahinga.


“Dito, dalawang oras, dire-diretso. Nangayayat na nga ako kasi dire-diretso.


“Pero ang sarap sa puso, ang sarap sa espiritu,” naka-ngiti niyang sabi.


ON NORA AUNOR. Kinakabahan si Uge dahil alam niya na manonood ang Superstar na si Nora Aunor sa PETA Theater Center kunsaan palabas ang Bona.


Si Nora ang gumanap na Bona noon sa 1980 movie na idinerehe ng batikang director na si Lino Brocka. Si Phillip Salvador naman ang gumanap na role na ni-reprise ni Edgar Allan sa theatrical version.


“Talagang nagsabi siya [Nora] na susugod ako diyan. Kung kailan man yun, nagsabi ako sa mga taga PETA, huwag niyo nang sabihin sa akin.”


Ayon sa reporter na si Laila Chikadora, noong nakausap niya si Ms. Nora, inamin nito na isa siyang fan ni Uge. Ano ang masasabi ni Uge dito?


“Wow! Totoo ba yun? Sana mas lalo niya akong mahalin pag nanood siya nito.


“Gusto ko talaga ma-entertain siya. Gusto ko maging masaya siya,” sabi ni Uge.


Dagdag pa ng komedyana: “Nag-uumapaw ang aking kaligayahan. And to Ms. Nora Aunor, thank you for the inspiration.”


Performances are scheduled every Friday at 8 p.m. as well as Saturdays and Sundays at 3 p.m. and 8 p.m.


Bona is being staged until September 23, 2012.


Venue: PETA Theater Center, No. 5 Eymard Drive, New Manila, Quezon City


(CLICK HERE to purchase tickets online)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN