Nora Aunor and Phillip Salvador to be honored during last night of Bona

Nora Aunor (left) says she is proud of her "anak-anakan," Edgar Allan Guzman (right).The young actor played one of her sons in the now defunct TV5 soap opera Sa Ngalan ng Ina.


Patuloy pa ring umaani ng papuri ang first-time theater actor na si Edgar Allan Guzman sa kanyang pagganap bilang Gino Sanchez sa dulang Bona ng Philippine Educational Theater Association (PETA). Katambal niya rito si Eugene Domingo na gumanap na title role of Bona.

Nagpaka-daring si Edgar Allan bilang reality search contestant and wannabe actor para sa naturang dula na nakatakdang magtapos ngayong Linggo, September 23.


Dahil dito ay umani siya ng papuri mula sa Superstar at “nanay-nanayan" ni Edgar na si Nora Aunor. Nagkatrabaho ang dalawa sa dating TV5 soap opera na Sa Ngalan ng Ina kunsaan ginampanan ni Edgar Allan ang karakter bilang isa sa mga anak ni Nora.

Narito ang ilang comments tungkol sa performance ni Edgar Allan na kinalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal):

"Magaling! Mahusay talaga ang anak ko! Proud ako sa pagganap ni Edgar. Congratulations!" - Nora Aunor

"Edgar was a revelation. Very good performance. Edgar is the new discovery that theater can be proud of. Congrats!" - Joel Lamangan, filmmaker

"Edgar Allan has a powerful stage presence that made for a memorable performance. The stage is now his oyster." - Gil Portes, filmmaker

"Stage newcomer Edgar Allan’s remarkably true performance is intelligent and nuanced. Edgar Allan as Gino Sanchez is sexy with a stirring voice and stage presence. He is a genuine theater find." - Mel Chionglo, filmmaker and production designer

Sa huling pagtatanghal ng dulang Bona sa September 23, sa ganap na ika-8 ng gabi, magkakaroon ng isang espesyal na recognition at thanksgiving program.


Inaasahang dadalo ang ilan sa original cast ng Lino Brocka film na Bona (1980) sa pangunguna ni Superstar Nora Aunor at award-winning dramatic actor na si Phillip Salvador.

EDGAR'S ALBUM LAUNCH. Samantala, nagpahatid din si Noel Ferrer, ang manager ni Edgar Allan, ng iba pang impormasyon tungkol sa career ng actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkakaroon din ng album launch [with autograph signing] si Edgar ng kanyang bagong CD album, ang Edgar Allan P.O. (Puro Orig), na available na sa lahat ng Astrovision branches nationwide. Para naman sa tickets para sa special last night ng Bona, kindly text or call 0917-8390768 or 0920-5340102."

Ayon pa sa talent manager, nasa Top 10 na ng 103.5 WOW-FM ang kantang "Hanggang Dito Na Lang" ni Edgar Allan.

Natupad na rin daw ang pangarap ni Edgar Allan na magbida ulit dahil gaganap siya bilang seaman na bading sa September 22 episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK). Ang ABS-CBN drama anthology episode na ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nick Olanka.

Kasama niya sa episode sina Lito Pimentel, Jobelle Salvador, Eda Nolan, Alcris Galura at Quintin Alianza.


(CLICK HERE to read related article)

REPLACING RYAN AGONCILLO AND SID LUCERO. Mapapanood naman sa pelikula si Edgar Allan para sa Metro Manila Film Fest entry ng Unitel at Studio 5: ang “Pedrong Walang Takot” episode ng Mga Kuwento ni Lola Basyang. Makakasama niya rito sina Empress Schuck, Ian Veneracion, Gelli de Belen, Mylene Dizon, Pen Medina, at Jaime Fabregas. Ito'y sa direksiyon ni Jerrold Tarog.

Pinalitan ni Edgar Allan sa “Pedrong Walang Takot” ang mga "first choices" na sina Ryan Agoncillo at Sid Lucero.

"Dahil sa mahahalagang assignments na ito kasama na ang pagiging mainstay sa Enchanted Garden at Game N Go ng TV5, isa si Edgar Allan sa paparangalan ng Youth Achievement Award ng FAMAS," pagbabalita pa rin ni Noel Ferrer.


Gaganapin ang 60th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards sa Manila Hotel ngayong Martes, September 25, 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN