Nora Aunor, Phillip Salvador, Eugene Domingo, and Edgar Allan Guzman receive citations from PETA

(From left) Edgar Allan Guzman, Phillip Salvador, Nora Aunor, and Eugene Domingo were all honored after the September 23 special performance of Bona. This PETA play has been extended until September 30, 2012. (CLICK HERE for show tickets)


Napuno ng manonood ang PETA Theater Center noong Linggo, September 23, dahil isa itong natatanging pagtatanghal ng dulang Bona ng Philippine Educational Theater Association (PETA).

Ang dula ay pinangungunahan ng kapwa premyadong actress-comedienne, Eugene Domingo, sa papel na Bona, at aktor na si Edgar Allan Guzman, sa papel na Gino Sanchez. Ito ay modern-day adaptation ng klasikong pelikulang Bona (1980) ni Lino Brocka, National Artist for Theater and Film.



Sa naturang film version, ang mga nagsiganap ay ang Superstar na si Nora Aunor bilang Bona; at Phillip Salvador bilang Gardo Villa.

Tungkol sa obsesyon ng isang fan sa iniidolong aktor ang kuwento ng Bona, na unang isinulat para sa pelikula ni Cenen Ramones, at in-adapt sa stage ni Layeta Bucoy.

Sa theater adaptation ay ang actor-comedian at direktor na si Soxy Topacio ang namahala.


Dapat noong Linggo ay huling pagtatanghal na ng Bona sa PETA Theater, Quezon City. Pero dahil sa naging magandang audience turnout at feedback sa nakaraang apat na linggong pagtatanghal, may naging sorpresa hinggil sa pagpapalabas nito.


Si Direk Soxy ang nag-announce na extended ang Bona hanggang September 30, 2012. (CLICK HERE for show tickets)

"Due to insistent public demand, meron kaming extension next week!" masayang bungad niya nang magsalita sa entablado during curtain call.

Ibig sabihin, limang performances pa ang nakatakdang gawin nina Uge (Eugene's monicker), Edgar Allan, at ng mga PETA actors and guest artists.

Kabilang sa Bona sina Phil Noble at Joey Paras alternating sa papel na Baldy, Bona's best friend; Raffy Tejada at Jef-Henson Dee alternating as Ronald, gay talent manager; She Maala at Olive Nieto alternating as Binky, Bona's sister; Dudz Terana as Chiqui; Jason Barcial at Junevir Tabor as Nini; Julien Mendoza as Bert/Lalaki 1; BJ Forbes as Bingo, Bona's nephew; Gabs Santos as Raf/Waiter; and Anna Luna as Katrina and GRO 2.

Sina Eugene at Edgar Allan (main cast, na walang alternates) ay mapapanood sa mga sumusunod na performances: Friday, September 28, at 8 pm; Saturday, September 29, 3 pm at 8 pm; at Sunday, September 30, 3 pm at 8 pm.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabibili ang mga tiket sa Ticketworld, ayon pa kay Soxy Topacio.

NATIONAL ARTISTS. Natatangi ang pagtatanghal ng Bona noong September 23 dahil dumalo ang dalawang main cast at isang major support player ng Lino Brocka film.

Noong gabing iyon ay binigyan ng parangal ang original lead stars ng Bona: ang Superstar na si Nora Aunor (na kamakailan lang ang kinilala ng critics sa Venice Film Fest for Thy Womb) at si Phillip Salvador.


Dumalo rin si 'Tata Nanding' Josef na gumanap sa papel ni Nilo, ang manliligaw ni Bona sa original film. Sa stage version, ginampanan ito ni Julien Mendoza at binago ang pangalan ng karakter na naging si Bert.

During curtain call, tinawag sina Nora, Phillip, at Tata Nanding para umakyat sa entablado.

Masigabong palakpakan ang isinalubong sa kanila ng manonood. Ito ang bahaging pinagkalooban sina Nora at Phillip ng mga Natatanging Gawad Pagkilala, bilang katuwang ng mga bagong tagaganap (sa entablado) na sina Eugene Domingo at Edgar Allan Guzman.

Pag-akyat sa entablado ay mahigpit ang naging pagkakayakap sa isa't isa nina Nora at Phillip na malaon na ring hindi nagkasama sa anumang proyekto: sa TV man, pelikula, o teatro.

Minsan pang naging matamis ang pagkikita nina Nora at Eugene na hindi na naging emosyunal; Nora at Edgar Allan, matapos ang sorpresang panonood din ng play ni Ate Guy (Nora's monicker) noong September 1.

Bukod sa tatlong special guest artists, nasa special night din ng Bona ang dalawang National Artists for Literature: sina Dr. Bienvenido Lumbera at Dr. Virgilio Almario.

Sila ang lumagda sa Natatanging Gawad Pagkilala na ipinagkaloob sa PETA at sa mga orihinal na gumanap na Bona (Nora) at Gardo Villa (Phillip); at pan-teatrong Bona (Eugene) at Gino Sanchez (Edgar Allan).

"Nasiyahan ako. Maraming salamat sa inyo," sabi ni Dr. Virgilio Almario bilang pagbati.

Sina Dr. Lumbera at Tata Nanding ay kapwa bumati sa nagdirek (Soxy Topacio) at nag-akda ng dula (Layeta Bucoy), na isang "updated version" ng pelikulang Brocka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Partikular na natuwa si Tata Nanding sa pagkakasulat ng tauhang si Nilo, na ginampanan niya noon; na na-update ngayon, bilang si Bert, ang masugid na manliligaw ni Bona.

"Buong-buo ang karakter, naiakma sa kasalukuyang panahon; at ang kuwento ay talagang nasundan at nagawan ng magandang pagkakahalaw sa teatro.

"Mahusay ang pagkaka-direk ni Soxy at pagkakasulat ni Layeta, gusto ko silang i-congratulate!" masayang pagtukoy ni Tata Nanding nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

SIGNIFICANCE. Ang special performance night ng Bona ay naging pambihirang pagkakataon upang pagsamahin sina Eugene, Edgar Allan at mga kasamang nagsiganap para sa Final Vow kunsaan kasama rin ang mga institusyon sa larangan tulad nina Nora, Phillip, Nanding Josef, at ang dalawang Pambansang Alagad ng Sining (Lumbera and Almario).

Makabuluhan din para sa mga naturang artists ang pagtanggap ng kaloob na Gawad Natatanging Pagkilala, o Plaque of Appreciation, na nilagdaan mismo ng dalawang National Artists.

Unang binasa ni Noel Ferrer, manunulat, kritiko at talent manager, ang pagkilala kay Phillip Salvador.

Para sa kanyang natatanging kontribusyon sa sining ng pagtatanghal, at sa kanyang kahusayan sa pagganap sa pelikulang Bona, na naging inspirasyon sa pagsasalin nito sa dula ng Philippine Educational Theater Association, ipinagkakaloob ang Natatanging Gawad Pagkilala kay Phillip Salvador, ngayong ika-23 ng Setyembre, 2012, sa PETA Theater, Quezon City.



Nilagdaan nina Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan; at Dr. Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan.

Masayang tinanggap ni Kuya Ipe (palayaw ni Phillip) ang kaloob na parangal ng PETA.

"May nunal pa ho ako," bungad ni Phillip, na may maitim na hugis nunal sa kaliwang pisngi tulad ng napagkilanlang nunal ni Ate Guy.

"Actually, hindi ho nunal ito. Kasama ho ito sa binanlian ng tubig ni Bona," pagbibiro pa ng aktor.

"Alam n'yo po, napakagandang nire-revive ang magagandang classic [films] na nagawa noong panahon ni Lino Brocka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Edgar Allan, maraming salamat at binubuhay mo ang ating karakter. Napakagaling mo. I am so blessed na ikaw ang gumanap.

"Sana po, palaging ganito. Manumbalik, magawa uli yung mga classic na pinaggagagawa ni Lino Brocka noon, na napakarami!

"Maraming maraming salamat po sa buhay ng bawat isa sa inyo, lalo na po sa PETA. Mabuhay po kayo!

"At sana po, makabalik ako at maka-arte uli with PETA. Salamat po."

Nakagawa ng dalawang major plays noon si Phillip Salvador, sa PETA. Parehong dinirek ni Lino Brocka ang mga iyon: Flores Para Los Muertos (stage adaptation ng Streetcar Named Desire ni Tennessee Williams) noong 1978. Ginanap ni Phillip ang karakter na Stanley Kowalski at nakasama niya sina Laurice Guillen at Mario O'Hara (RIP) sa naturang dula. Naging bahagi rin si Phillip sa Larawan (Pilipino translation ng dulang A Portrait of The Artist As Filipino ni Nick Joaquin) noong 1979. Ang karakter ni Phillip ay si Tony Javier at nakasama niya sina Lolita Rodriguez at Charito Solis.

SECOND HONOREE. Edgar Allan Guzman's award citation reads:

Para sa kanyang mahusay na pagganap sa dulang Bona, na isinadula ng Philippine Educational Theater Association (PETA), ipinagkakaloob ang Gawad Natatanging Pagkilala kay Edgar Allan Guzman, ngayong ika-23 ng Setyembre, sa PETA Theater, Quezon City. Nilagdaan nina: Dr. Bienvenido Lumbera and Dr. Virgilio Almario, National Artists for Literature.


"Salamat po, dahil nakarating kayong lahat dito," bungad ni Edgar Allan.

"Ang sarap ng feeling, kapag isang napakagaling na aktor ang pumuri sa iyo. 'Sir' Phillip, sana nabigyan ko po ng justice yung pagganap ko; ang role ko bilang Gardo-Gino Sanchez sa Bona.

"Sa lahat po ng mga malalaking personalidad na nandito ngayon, maraming salamat po sa pagpunta ninyo at panonood ninyo sa aming lahat.

"Hindi n'yo po alam ang pakiramdam namin habang nasa backstage.

"Ako po, unang pasok ko pa lang ho, first time ko po, nanginginig ang tuhod ko dahil, alam ko, maraming manonood na malalaking personalidad sa amin ngayon. Thank you!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa 'nanay' ko, kay Ate Guy [Nora]," banggit ni Edgar Allan, as term of endearment, "kay Kuya Ipe [Phillip], Ate Uge [Eugene]... sa aking 'Bona', salamat sa pag-alalay...

"Wika nga, ikaw ang 'anghel dela guardia' ko," biro pa ng aktor sa kanyang leading lady. "Maraming salamat!

"Inaalay ko rin itong parangal na ito sa aking magulang, na nandito ngayon. Mommy, maraming maraming salamat! I love you!"

Ang kanyang ina, si Mrs. Rosario Guzman, ang tinutukoy ni Edgar Allan.

"Maraming salamat po. Good night. Thank you!" pagtatapos ng aktor.

Ang ilan sa mga malalaking personalidad na nanood sa special performance night ng Bona ayang mga sumusunod:


Music composers Ryan Cayabyab and Vincent de Jesus, actors JC de Vera, Zanjoe Marudo, Rowell Santiago, Iza Calzado, Arnold Reyes, Repertory Philippines associate artistic director, Menchu Lauchengco-Yulo, talent manager Boy Abunda (na kasali rin sa Bona film footage), assistant director Armand Reyes, Viva Entertainment executive Ms. Tess Cruz, TV5 executive Mr. Perci Intalan and three of the Artista Academy Top 4 finalists Vin Abrenica, Sophie Albert, and Chanel Morales, among many others.

Matapos ang curtain call at awarding rites, nakausap ng PEP.ph at iba pang taga-media si Edgar Allan.

Overwhelmed ang aktor sa magagandang sinabi ni Phillip, patungkol sa kanya.

"Siyempre, napakasaya ko!" bulalas ni Edgar. "I didn't expect na pupurihin ako nang gano'n, ng isang napakagaling na aktor!

"Na-shock ako! Lalo nu'ng kumpleto sila... ang dami namin (sa stage), may National Artists pa!

"Ang sarap ng pakiramdam. Ang sarap-sarap!

"May five shows pa kaming gagawin. Mas pagbubutihin pa namin.

"At sana, yung mga hindi pa nakapanood, nanawagan po ako, magpunta po kayo sa PETA Theater, panoorin po ninyo!"

''AUNORED". Biro noon ni Eugene Domingo, hinggil sa pagganap bilang Bona, "I feel 'Aunored' [honored]!"

Pero kagabi, si Ate Guy man ay pinarangalan and she was greatly "Aunored" - or honored!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito naman ang "Gawad Pagkilala Para sa Nag-iisang Superstar, Nora Aunor":

Para sa kanyang natatanging kontribusyon sa Sining ng Pagtatanghal, at sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Bona, na naging inspirasyon sa pagsasalin nito sa dula ng Philippine Educational Theater Association (PETA), ang Gawad Natatanging Pagkilalang ito ay ipinagkakaloob kay Bb. Nora Aunor.



Iginagawad ngayong ika-23 ng Setyember, 2012, sa PETA Theater, Quezon City. Nilagdaan nina: Dr. Bienvenido Lumbera and Dr. Virgilio Almario, National Artists for Literature.

Pinakamaikli ang acceptance speech ni Ate Guy matapos maipagkaloob sa kanya ang parangal.

"Maraming salamat po, at congratulations po sa lahat, lalo na kay Uge, at saka sa 'anak' ko [Edgar Allan]!"

Nakapanayam din siya ng PEP.ph at iba pang taga-media, kabilang ang sa TV5 news team, bago magsimula at pagkatapos ng pagtatanghal.

Tulad ng una niyang panonood noong September 1, aliw na aliw si Ate Guy kagabi sa dula.

"Mas maganda ngayon, mas masaya! Pero noong una, tawa ako nang tawa, naririnig pala ako ni Uge," she recalled.

Pero naiyak din nga ba si Ate Guy sa panonood niya noong una?

"May portion kasi doon na makabagbag-damdamin," pag-amin niya.

Nagbiro din si Ate Guy, na aniya, magre-"retire" na siya, matapos mapanood ang performance ni Eugene.

"Oo, dahil napakagaling ni Eugene, eh," natawa uli si Nora. "Pero magagaling talaga silang lahat."

Para kay Ate Guy, may magkaibang katangian ang pelikulang Bona nila ni Phillip at ang dulang Bona nina Uge at Edgar Allan.

"Straight drama naman yung sa amin, ito may halong comedy naman; stage ito, yun [sa amin] pelikula talaga."

Nabanggit din ni Ate Guy ang hangaring magkasama sila ni Eugene sa pelikula.

"Nagkasama na kami sa mini-serye," aniya. Ang tinutukoy niya ay ang TV5 mini-series na Sa Ngalan Ng Ina ng TV5 na idinerehe ng yumaong Mario O'Hara at ni Jon Red.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko, sa pelikula naman kami magkasama ni Uge."

Nabanggit din ang balak ni Ate Guy na bumili ng isang gabing pagtatanghal ng Bona, mula sa natitirang playdates.

"Walang biro. Para po sa mga fans," masayang sambit ni Ate Guy.

45TH ANNIVERSARY. Sa kanyang 45th anniversary this October, may kulang pa ba kay Ate Guy, lalo't kinikilala na rin siya bilang world-class artist?

Nabanggit sa interview ang internationally-acclaimed, restored classic film-starrer niyang Himala na idinerehe ni Ishmael Bernal at ang pagkilala kay Ate Guy ng international critics sa Venice, Italy para sa Sinapupunan (Thy Womb) ni Direk Brillante Mendoza.

"Alam mo, ang tao naman, kahit saan, kahit sabihin natin na nagawa mo na ang lahat, mayroon pa rin na hahanapin.

"Lalo na siguro sa pagiging artista, meron pa din," saad pa ni Nora.

Sa teatro, nakaganap na si Nora Aunor sa tatlong markadong dula: Minsa'y Isang Gamu-Gamo ng PETA (1991), sa panulat ni Ricky Lee at direksiyon ni Soxy Topacio; stage adaptation ng 1976 film ni Lupita Kashiwahara; DH (Domestic Helper, 1992), orihinal na akda ni Ricky Lee na dinirek din ni Soxy Topacio para sa PETA; at Trojan Women (1994), isang independent production na itinanghal sa QC Parks and Wildlife Theater, sa pamamahala ng isang Greek director.

EXPERIENCE THEATER. Para sa maraming taga-teatro sa Pilipinas, hinahangaan nila si Eugene Domingo dahil nagsimula siya sa theater hanggang sa maging popular mainstream actress.

Pruweba nito ang pagbibida ni Eugene sa maraming pelikula na naging box-office hits at pagkakaroon ng kabi-kabilang proyekto sa telebisyon, habang patuloy na lumalabas sa mga dulang pang-entablado.

Ang parangal ni Uge kagabi ay isa nga lamang sa marami na niyang natamong parangal bilang aktres.

The award citation reads:

Para sa kanyang mahusay na pagganap sa dulang Bona, na isinadula ng Philippine Educational Theater Association (PETA), ipinagkakaloob ang Gawad Natatanging Pagkilala kay Bb. Eugene Domingo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ipinagkakaloob ngayong ika-23 ng Setyembre, sa PETA Theater, Quezon City. Nilagdaan nina: Dr. Bienvenido Lumbera at Dr. Virgilio Almario, National Artists for Literature.



Tulad ng mga naunang honorees, enthusiastic si Ms. Eugene nang magbigay ng acceptance speech:

"This is our 25th performance! This is my 25th show! It is not very easy!" simula niya.

"I would like to share with you my experience, very briefly.

"It's total time and commitment, and passion, and pure love for the theater which, may I say, is my first love.

"Thank you to Noel Ferrer for [thinking of producing...] any of your films, Ate Guy.

"This is a big surprise from the Lord that... sa lahat ng magagandang pelikulang nagawa mo, ito pang Bona ang itinakda Niya na gawin ko...



"Para sa nangungunang... ito po ang aking opinyon, sa nirerespetong theater company sa Pilipinas, ang PETA!



"At naniniwala ako sa kanilang vision, sa pagpupunyagi na magtanghal ng mga dula sa entabladong Pilipino, para sa mga Pilipino--[tulad ng] orihinal na manuscript [ng dulang Bona] na ginawa nina Soxy Topacio [direktor] at Layeta Bucoy [playwright]... para mahandugan kayo ng stage adaptation ngBona.



"And as you've witnessed, this play talks about the fans. I think, nothing else changed.

"The fans of decades ago and the fans of today are the same. And it's not because I am a celebrity. But I am also a fan!

"The good thing that I derived from this play is that they are very, very important! The fans are very, very important!

"Sa ating industriya, hindi tayo nabubuhay kung wala ang ating mga supporters at mga fans.

"'Yan ang hinahangaan ko kay Ate Guy. Kung paano niya mahalin ang kanyang mga tagahanga.

"Ate Guy, para sabihin ko sa inyo, lahat kami dito ay mananatiling tagahanga mo!

"At magpupunyagi kami sa iyong pagkakapanalo sa Venice! You will be our inspiration!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And with my very sole effort to do this thing; and my friends from the industry, I hope that one of these days, you will come to do theater.

"Let us encourage everybody, not only to watch TV and movies, let us encourage everybody to experience theater! Thank you!" pagtatapos ni Eugene.

PETA HONORED. May kaukulang Gawad Natatanging Pagkilala rin para sa Philippine Educational Theater Association (PETA):

Para sa kanilang napapanahong adaptasyon ng klasikong pelikulang Bona, sa paglinang ng Pilipinong materyal para sa dulaang Pilipino, at sa pagsisikap na ilapit ang Sining ng Dula, para sa mga Pilipinong manonood.



Ang Natatanging Gawad Pagkilala ay ipinagkakaloob sa PETA at kina Direktor Soxy Topacio at sa Pangulo ng PETA, Bb. Cecilia B. Garrucho.



Iginagawad ngayong ika-23 ng Setyembre, 2012, sa PETA Theater, Quezon City. Nilagdaan nina Dr. Bienvenido Lumbera at Dr. Virgilio Almario, mga Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan.



Si CB, o Cecilia Bulaong-Garrucho, aktres at kasalukuyang Pangulo ng PETA, ang nagbahagi ng acceptance speech, sa ngalan ng pinamumunuang theater company. Nagpasalamat din siya sa mga tulong na ipinagkaloob ni Noel Ferrer.



"Isang malaking karangalan po ito para sa PETA. Isang malaking karangalan din po na kasama po natin ngayong gabi ang dalawang National Artists na sina Bien Lumbera at Virgilio Almario.

"Isang malaking karangalan din po na nakasama natin ang orihinal na main cast ng Lino Brocka version ng Bona.



"Maraming salamat po sa inyong pagdalo," sabi ni CB, na ang tinutukoy ay sina Phillip at ang superstar Nora Aunor.



"At lalong malaking karangalan na um-'oo' po sa amin, lalung lalo na si Ms. Eugene Domingo; at sina Edgar Allan Guzman at ang mga guest artists, at PETA artists.

"Nakita naman po ninyo, kung gaano nagbigay po sila ng two hundred, three hundred percent... to make the show what it is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At gusto ko rin pong sabihin, na sa aming mga taga-teatro, nakakataba po ng pusong makita ang teatro'ng ganito - almost SRO, every seat taken!" bulalas ni Ms. CB Garrucho.

"And its because of projects and plays like this that audiences come for the very first time; some to watch theater for the very first time;

"And some to come back again and again--to watch theater and to discover what a powerful and delightful experience theater can be!

"Maraming salamat po sa lahat. Sana po, 'wag kayong magsasawa. Muli n'yo po kaming samahan... Thank you very much!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN