"Quiapo: The Musical" runs until September 21 at UE Recto


Ken Suarez (left) and Orlando Sol (right) ofM-Gage are the lead stars of Quiapo: The Musical. It is directed byDennis Marasigan and Frederick Castro, with Jesse Lucas as the musicaldirector.


Isang original na istorya ang Quiapo: The Musical na itinatanghal ngayon University of the East Theater sa Recto, Manila. Free admission ito at tatakbo siya hanggang September 21.



Mula sa direksyon ni Dennis Marasigan at Frederick Castro, at musical direction ni Jesse Lucas, kuwento ng isang probinsyano na napadpad sa Maynila ang Quiapo: The Musical. Mararanasan niya ang maganda at hindi magagandang bagay na alok ng isa sa pinakakilalang lugar sa Maynila, ang Quiapo.



May sampung original songs ang naturang musical at tampok sa original Pinoy musical na ito ang dalawa sa mga talents ni Direk Maryo J. delos Reyes na sila Orlando Sol at Ken Suarez.

Si Orlando Sol (20 years old) ay isa sa miyembro ng all-boy band ni Direk Maryo na M-Gage. Tubong Tagbilaran, Bohol, si Orlando at hilig talaga nito ang kumanta at umawit. Sa debut album nga ng M-Gage under Viva Records, siya ang pinaka-lead vocalist ng grupo.


Si Ken Suarez (19 years old) naman ay taga-Cebu City pero sa Bohol din siya na-discover ni Direk Maryo. Isa nga si Ken sa host ng isang Sunday show sa GMA-7 Cebu. Nakitaan ni Direk Maryo ng malaking potensyal si Ken kaya pinalipad niya ito papuntang Maynila para sa isang promising career. Dahil mahusay itong kumanta at sumayaw, nakapasa ito sa auditions ng Quiapo: The Musical.



Proyekto ito ni Manila Mayor Alfredo Lim at balak nilang i-tour ito sa iba't ibang schools at probinsya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN