Shamaine Centenera-Buencamino and Nonie Buencamino pay tribute to the late Mario O'Hara through Stageshow


Binibigyang-halaga ang yumaong Mario O'Hara sa pamamagitan ng Stageshow, isang musical play ng Tanghalang Pilipino. Ito ay mapapanood sa Little Theater (Tanghalahang Aurelio Tolentino) ng Cultural Center of the Philippines sa October 19 (3pm/8pm); October 20 (3pm/8pm) at October 21 (3pm).


Bukod sa pagiging isang aktor at direktor sa telebisyon at pelikula, kilala rin si Direk Mario dahil sa kanyang kontribusyon sa larangan ng teatro.

Tampok sa bida sa dula ang mag-asawang Shamaine Centenera-Buencamino at Nonie Buencamino, bilang Ester at Tirso, respectively. Ka-alternate nila, sa nasabing lead roles, sina Liesl Batucan at Roeder Camañag.

Binibigyang-buhay nila ang mga totoong karakter na nabuhay noong 1950s, sa panahon ng kasikatan ng stageshow na pumalit sa mga naunang theater art forms, tulad ng sarsuwela, opera, at bodabil (vaudeville).

Of the late Mario O'Hara, Shamaine has fond memories. "Nakasama ko siya kasi dinirek niya ako sa Maalaala Mo Kaya [ABS-CBN's drama anthology show], noon pa, pero hindi ko siya nakasama, o naka-eksena sa pelikula at TV. Sa stage lang," pagbabalik-tanaw ni Shamaine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang pagtatanghal noong Sabado ng gabi, October 13, 2012.

"'Yung pinakahuli naming ginawa, Orpheus Descending (Pilipino translation of Tennessee Williams' Orpeo Sa Impiyerno), siya yung asawa ko... mga five years ago."

Kaya raw sa pagganap niya bilang bidang babaeng karakter sa Stageshow, "Alam mo, maraming beses, ang dami kong linya na... parang siya [Mario] ang nasa stage [at kausap ko]," sambit pa ni Shamaine.

Ang drama-comedy musical na Stageshow ay isinulat ni Direk Mario at idinerehe ni Chris Millado. Ito ang official entry ng Tanghalang Pilipino sa National Theater Festival na gaganapin ngayong November.


Ang Stageshow ay tungkol sa "aging veterans of Filipino stage shows/bodabil caught between love for their art and economic survival. This grand musical play gives us a glimpse of a lost era in Philippine cultural history."

O'HARA, ABAYA INFLUENCES. Meanwhile, hindi rin nalimutan ni Shamaine Buencamino na banggitin ang alaala ng yumao na ring direktor na si Marilou Diaz-Abaya, na inihatid na sa huling hantungan nito noong umaga ring iyon ng Oktubre 13 sa Loyola Memorial Park, Paranaque City.

Nang sinundang araw ay nagtungo raw sa burol ni Direk Marilou si Shamaine.

Back in the early 1990, tampok si Shamaine sa isang hindi natapos na pelikula ni Marilou Diaz-Abaya, ang Victory Boy na prinodyus ng Viva Films.

Bidang aktres ng unfinished Abaya film ang Superstar na si Nora Aunor at ang noo'y child actor na si Chuckie Dreyfus. The film would have starred Ate Guy and former President Joseph Estrada. Ito ay tungkol sa pag-iral ng U.S. military bases, sa Clark at Olongapo cities.

"Yes, bagung-bago pa lang ako noon. At si Nonie, galing din siya sa teatro," balik-tanaw pa ni Shamaine, na ngayo'y mayroon nang dalagang anak, si Delphine Buencamino, na isa na ring aktibong aktres sa entablado.

Unang pelikulang ginawa ni Shamaine ang Hari Sa Hari, Lahi Sa Lahi (1986) ng National Artist for Film na si Eddie Romero. Nanood din sa pagtatanghal ng Stageshow noong gabing yon si Direk Eddie, kasama ang kanyang maybahay.

At sa huling pelikula ni Direk Marilou, ang Ikaw Ang Pag-Ibig (2011), isa na si Shamaine sa mga bidang aktres, as Ina Feleo's mom, and with her real-life actor-husband, Nonie Buencamino.

Bilang award-winning actress, naging markado ang pagganap ni Shamaine Buencamino sa mga obrang Niño (2011) at Requieme (2012), dalawang Cinemalaya entries na sinulat ni Rody Vera (ang gumanap na Bobby Gonzales sa Stageshow) at dinirek ni Loy Arcenas.

REFLECTIONS. Sa pangyayaring dalawang haligi na naman ng industriya ang pumanaw, nag-reflect ni Shaimaine ukol sa kalikasan ng buhay at ang di-mapipigil na pagdatal ng kamatayan.

"We all do [pass away], pero tuloy pa rin ang buhay. Katulad nga ng sinabi ni Mario O'Hara, 'Hindi maaaring matigil ang pagkukuwento [ng lumipas]; at ang pagpapalabas.

"Parang stage show ang buhay; magkasabay talaga ang malungkot at masaya," sabi pa ni Shamaine, bilang pagtukoy sa simbolo ng tanghalan na may nakangiti at lumuluhang mukha.

For his part, nagbigay ng mensahe ng pasasalamat ang premyadong aktor na si Nonie Buencamino.

"Direk Mario and Marilou... they're two excellent artists [that] I'm proud to have worked with," sabi ni Nonie.

Naging tampok si Nonie sa dulang Tatlong Mariya (2010) ng Tanghalang Pilipino kunsaan co-star niya si Mario O'Hara; at ng pelikulang Jose Rizal (1998) na immortal classic film na dinirek ni Marilou Diaz-Abaya.

Bilang artista sa telebisyon, parehong napapanood ang mag-asawang Shamaine at Nonie sa top-rating teleseryeng Walang Hanggan ng ABS-CBN.

Si Shamaine ay tampok din sa isang indie film ni Raya Martin, titled How To Disappear Completely, na kasalukuyang ipinapalabas sa iba't ibang international film festivals.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN