Morissette Amon will make her theatrical debut through Camp Rock: The Musical; the TV5 actress hopes to audition for Miss Saigon


Isa si Morissette Amon sa mga masuwerteng nabigyan ng break ng TV5 matapos sumali sa talent search na Star Factor noong 2010. Napansin siya dahil sa kanyang magaling na pagkanta.

At kahit runner-up lamang siya kay Eula Caballero ay marami-rami na rin siyang nagawang show para sa Kapatid Network tulad ng Kapitan Awesome at Enchanted Garden.

Ngayon naman ay susubukan ni Morissette ang pag-arte sa teatro. Siya ay gaganap bilang Mitchie Torres sa local production ng Camp Rock: The Musical, ng Repertory Philippines. Sa made-for-TV movie na Camp Rock sa Disney channel, si Demi Lovato ang unang gumanap sa role na ito.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Morissette sa press launch ng Camp Rock kamakailan sa Onstage Greenbelt, Makati City.

Bungad ni Morissette, “Well, I am very blessed, and this is a great opportunity for me because I can showcase what I am really all about, which is performing. And this is only my first play, so I feel a lot of pressure, pero I hope to give justice to my role kasi napakagaling talaga ni Demi.”

Aniya, na-o-overwhelm daw siya dahil ilan sa mga co-actors niya ay beterano na sa teatro.

“Actually, I am [overwhelmed], kasi napakagaling po nilang lahat. Pero I will do my best, to give justice talaga, and to portray my role,” saad niya.

Si Markki Stroem ang makakapareha ni Morissette dito, at si Audie Gemora ang magdidirek.

Pag-uusisa ng press, nagkaroon kaya ng “magic” sa auditions para sa role dahil sa si Audie ang direktor? Si Audie kasi ang naging mentor ni Morissette nang nagsisimula pa lamang siya sa TV5.

Paliwanag ng young actress, “Actually, well hindi naman po namin maiwasan ni Tito Audie na hindi magpansinan, dahil magkakilala naman po kami. Pero the auditions were fair, walang bias. I had to go through the auditions fair and square. Inaral ko yung songs, I read through the script over and over, and I watched the movie again and again.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, baka raw nakita na ni Audie at ng ibang hurado ang kanyang potensyal.

“My edge, maybe it's because nakita na po ni Tito Audie yung potensyal ko sa singing and dancing na sabay, lalo na sa performances namin dito sa Camp Rock, dahil dance kung dance. Big challenge pero kakayanin po namin lahat,” saad niya.

MISS SAIGON. Kamakailan ay napabalita na pupunta raw sa Pilipinas ang West End Production ng Miss Saigon para magpa-audition ng bagong magiging Kim. Matatandaang sa role na ito sumikat si Lea Salonga.

Marami-rami na ring local actresses ang nagpahayag ng pagnanais na mag-audition para rito, kasama na sina Karylle at Julie Anne San Jose.

Hindi maiwasang itanong kay Morissette kung may balak din siyang mag-audition.

“Yes, I have plans, actually,” sagot niya.

Sa katunayan pa nga raw ay nag-aaral na siya para rito.

“In between this, in between Kapitan Awesome and Enchanted Garden, I am also studying for the role of Kim in Miss Saigon. Na-borrow ko po yung book, and inaaral ko po yung mga songs. Sana makuha din po natin yun,” saad niya.

Dagdag pa niya, lahat daw ng kilala niya ay kinumbinsi siyang mag-audition. Fit daw sa kanya ang role na Kim.

“Kasi siguro 17 yung role ni Kim dun, tapos 16 ako. Pero yun, I'm studying the role, sana makuha natin yan,” pahayag ng TV5 actress.

Ibig sabihin ba nito ay iiwan na niya ang kanyang career sa TV, at magpo-focus na sa teatro?

“Gustong-gusto ko rin po sa TV. Kasi, sa Star Factor, di ba, we have to be versatile. I like them both equally. Different techniques kasi,” paliwanag ni Morissette.


Mapapanood ang Camp Rock: The Musical simula November 16, 2012 sa Onstage Greenbelt 1, Makati City.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN