John Lapus directs Teatro Tomasino's 35th anniversary presentation, D' Emperor


Nagbabalik si John “Sweet” Lapus sa kanyang first love—ang teatro.

Ito ay sa pamamagitan ng Teatro Tomasino, ang university-wide theater guild ng University of Sto. Tomas na nagdiriwang na ng kanilang 35th anniversary.

Hindi papayag si Sweet na hindi makasama sa anibersaryo ng Teatro Tomasino dahil dito siya nagsimula bago niya pinasok ang mundo ng showbiz.

Kabilang sa mga active members noon ng Teatro Tomasino ay ang news anchor na si Arnold Clavio, box-office film and TV director Wenn Deramas, award-winning actor Piolo Pascual, comedian-TV host Eagle Riggs, at TV and film comedienne Dang Cruz.

Sabi ni Sweet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Basta may special activity ang Teatro Tomasino, hindi puwedeng hindi ako maimbitahan.

“Alam naman nilang hindi ako hihindi sa kanila.

“Malaki ang utang na loob ko sa Teatro Tomasino dahil diyan nahubog ang pagiging showgirl ko ngayon.

“Kaya kahit libre—as in no pay, I render them my services.

“Ganyan ko kamahal ang Teatro Tomasino.”

Nakausap ng PEP si Sweet sa taping ng Sarap Diva sa GMA Annex Building.



D’ EMPEROR. Si Sweet ang magdidirek ng D’Emperor, isang adaptation ng The Emperor’s New Clothes ni Hans Christian Anderson.

Ayon sa TV-movie personality, “Dapat Ibong Adarna ang ididirek ko for our 35th year kasi uso yung mga Pinoy classic plays na ginagawang modern.

“Pero the officers of TT suggested the adaptation of Hans Christian Anderson’s The Emperor’s New Clothes na ginawang D' Emperor na isinulat ni George de Jesus.

“Familiar sa akin ang play kasi ginagawa ko na ang Tagalog version [Damit Ng Emperador] sa UP noon.

“Na curious ako kung paano maise-set-up sa fashion world.

“Nagulat ako when I read it na nagawa ni George. Ang bongga! Tawang-tawa ako sa script!” sabi ni Sweet.

Set daw sa modern world of fashion ang D’Emperor kunsaan involved ang dalawang fashion designers sa paggawa ng damit naisusuot ng Emperor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isang malaking fashion show ang play namin since sa isang fashion house ang eksena.

“So happy ako na may mga professional fashion designers na magpo-provide ng mga outfits nila for our cast.

“Nandiyan sina JC Buendia, Jeff Rogador, Bing Cristobal, Adelina Leung, Audilon Simpao, Bang Pineda, Cocoy Lizaso, Dada Suarez, and Tina Daniac. Lahat sila nagbigay ng suporta sa amin.

“Parang Fashion Week lang, di ba? Fabulous na, bongga pa!

“Kaya ang catch phrase ng play namin ay FONGGA!”

Makakasama rin ni Sweet sa play ang ilang honorary members ng Teatro Tomasino.

“Maliban sa akin, may mga honorary members din akong cast na ka-alternate ng mga student cast.

“May cast akong mga doctor na, professors at teachers. Kaya sobrang Fongga ang play naming ito,” diin pa ni Sweet.

Itatanghal ang D’Emperor mula November 27 hanggang 29 sa Albertus Magnus Auditorium ng Albertus Magnus Building sa UST.

Tickets are priced at P120. For more information, ticket reservations or further inquiries, you may contact Lea Licerio at 09161030818 or Claudine Dator at 09321476700.



THREE MOVIES. Kahit wala pang regular show si Sweet, naging abala ito sa pagtapos ng tatlong pelikula.

Una ay an gang 24/7 In Love under Star Cinema kunsaan kasama siya sa episode nina Sam Milby at Pokwang.

Sa Cinema One Original entry na Mariposa... Sa Hawla Ng Gabi ni Richard Somes ay kasama naman niya sina Erich Gonzales at Mark Gil.

At sa Metro Manila Film Festival entry na Si Agimat, Si Enteng at si Ako ay kasama niya sina Vic Sotto, Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., at Judy Ann Santos.

Sa January 2013 naman ay magsisimula nang mag-shooting si Sweet para sa bagong comedy film ng Viva Films titled Girl-Boy-Bakla-Tomboy na ididirek ni Wenn Deramas.

“Busy rin naman ako sa Talentadong Pinoy Worldwide ng TV5.

“Kami ang regular talent scouts ni Direk Jose Javier Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa ang mga sumasali dahil kakaiba ang mga talents nila.

“Kahit nasa ibang bansa sila, hindi mo maaawat ang husay ng mga Pinoy sa kahit na anong talent. Kaya bow ako sa mga nagiging contestants namin sa show,” sabi pa niya.

May gagawin ding TV series si Sweet next year pero sorpresa raw kunsaan TV station ito.

“Magsimula na kaming mag-taping. Abangan na lang nila kung saang TV station ito.

“Na-miss ko ang magkaroon ng regular show at nagpapasalamat ako na nabigyan ako ng bagong blessing bago matapos ang taon,” pagtatapos ni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN