American playwright-activist Eve Ensler will visit the Philippines to promote One Billion Rising

Monique Wilson (left) and American playwright Eve Ensler (right) are working together for the culminating activity of the One Billion Rising that will take place on February 14, 2013.


Ngayong Sunday, December 16, ay darating sa Pilipinas ang Tony Award-winning playwright na si Eve Ensler na kilala bilang author ng internationally acclaimed play na The Vagina Monologues.


Ang Vagina Monologues ay isang episodic play with varying monologues read by women and deals with the aspect of feminine experience using the reproductive organ, the vagina, as a tool of female empowerment and individuality.


Naging hit ang play na ito when it opened in New York in October 1996 at sinalihan na ito ng maraming sikat na female celebrities tulad nila Whoopi Goldberg, Jane Fonda, Melissa Etheridge, Salma Hayek, Jennifer Beals, Jennifer Hudson, Doris Roberts, Ali Larter, and Oprah Winfrey.


Dinala ni Monique Wilson sa Pilipinas ang The Vagina Monologues via her The New Voice Company in 2000. Sa ika-12th year nito sa bansa, sinalihan na ito ng marami nating celebrities tulad nila Kuh Ledesma, Aiza Seguerra, Angelu de Leon, Pinky Amador, Ces Drilon, Giselle Toengi, Bibeth Orteza at marami pang iba.


One week mananatili sa Pilipinas si Eve bilang bahagi ng promotions niya ng kanyang One Billion Rising Tour na sinimulan last November at magtatapos sa February 2013.


Ang One Billion Rising ay bahagi ng V-Day movement na isang global campaign upang mahinto ang karahasan sa mga kababaihan.


Ito ay parehong sinimulan ni Eve Ensler at patuloy niyang pinalalaganap sa iba’t ibang parte ng mundo. Kabilang nga sa mga celebrities na nage-endorso nito ay sila Jane Fonda, Rosario Dawson at Robert Redford.


Habang nasa Manila, naka-schedule na makipag-usap si Eve sa mga women’s groups and women leaders mula sa grassroots communities, women workers, migrants at kanilang mga anak, Comfort Women, estudyante, lawmakers, writers, media at ilan sa mga actress na naging bahagi ng V-Day sa Pilipinas mula pa noong taong 2000.


Katulong ni Eve upang ikalat ang impormasyon tungkol sa One Billion Rising ay si Monique Wilson at ilan sa mga grupo tulad ng Gabriela, Kilusang Mayo Uno, Migrante, Center for Women’s Research, CONTEND/ACT, Gabriela Youth at ARCSEA.


Layunin nila na hikayatin ang publiko na sumali sa One Billion Rising street party event na gaganapin sa February 14, 2013 sa Tomas Morato, Quezon City.


Inaasahang dadaluhan ito ng ilang artista, sikat na banda, at mga taong kasali sa tinatawag na flash mob na sasayawin ang local theme song ng One Billion Rising movement sa Pilipinas.


Para sa iba pang detalye tungkol sa One Billion Rising, maaaring bisitahin ang kanilang website:www.onebillionrising.org
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN