Nikki Gil can relate to her “weird” lyricist character in the musical play They’re Playing Our Song

Nikki Gil (left) will star in her fourth musical play titled They’re Playing Our Song with her leading man Lorenz Martinez (right). They will be depicting the real-life story of songwriter Carole Bayer Sager and composer Marvin Hamlisch. This play will be staged from February 8 to March 3 at the Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City.


Kakaibang Nikki Gil ang nakita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa rehearsal ng kanyang upcoming musical play na They’re Playing Our Song.

Nagkaroon ng isang rehearsal with costume change ang cast ng musical nang pumunta ang PEP noong February 1 sa Philippine Opera House sa Bautista St., Makati City.

“I love theater in general!” masiglang tugon ni Nikki nang mabanggit na tila enjoy na enjoy siya nang mapanood ng PEP ang kanilang rehearsal.

Marami daw paboritong eksena si Nikki sa musical play na ito.

Pero pahaging niya, “siguro ‘yong… madami silang dapat abangan, [and] my favorite scene [is] towards the end, the Act Two.

“Act One is fun, Act Two is ando’n ang puso ko.

“Although what I love about… ang pinakagusto kong scene dito is the first scene where Sonia’s character is being established, where her wardrobe choice is being established, her weirdness is being established.

“So I had so much fun doing the first scene.”

HER ROLE. Hindi na bago sa paggawa ng musical plays si Nikki. Ito na ang pang-apat niyang musical.

Ang mga nauna niyang kinabilangang musical plays ay ang Seussical the Musical (2007), Legally Blonde (2010), at Sweet Charity (2011).

Gayunman, malapit daw sa puso ni Nikki ang kuwento ng They’re Playing Our Song, na hango sa real-life story nina Carole Bayer Sager na isang songwriter, at Marvin Hamlisch na isang composer.

“Sonia Walsk is a lyricist,” paglalarawan ni Nikki sa kanyang karakter.

“So nagsusulat siya ng… I think that is how it was before na mayro’ng separate na sumusulat ng music, tapos mayro’ng lyricist.

“So, Sonia is a lyricist and medyo weird siya.

“So it is a love story…”

Mayroong pagkakapareho sina Nikki at ang karakter niyang si Sonia, ayon sa mga malalapit na kaibigan ng TV host.

Natatawa niyang naikuwento sa amin na, “I wouldn’t admit to it pero marami ang nagsasabi— well at least ‘yong mga nakakakilala sa akin— ‘yong pagka-weird niya, gano’n naman daw talaga ako in real life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Yong hindi siya maka-decide on anything, gano’n talaga ako, may pagkasabog. So may mga gano’n moments ako.”

Idagdag na rin daw ang kanyang minsan na pagkahilig sa “songwriting,” na siyang hanapbuhay ng karakter na ginagampanan niya.

“I have dabbled with ano, with songwriting at some point in my life.

“But it is something… alam ko kasi ‘yong feeling of recording, I know the feeling of working with musicians, I know the feeling of listening to music and liking it, I know the feeling of music become work and not leisure anymore.

“So in that sense, nakaka-relate ako.”

Ngunit kung mayroon silang pagkakaiba ng kanyang karakter, “mas may fashion sense naman ako kaysa kay Sonia!” natatawang sinabi ni Nikki.

“But I think that’s one of my favorite characteristics of Sonia, natatawa ako sa wardrobe preference niya.

“But in real life hindi naman ako gano’n!”

THE DILEMMA. Ang kuwento ay iikot sa pagkukrus ng landas ng lyricist na si Sonia Walsk, at composer na si Veron Gersch.

Simula pa lamang nang magkakilala sila'y kitang-kita na ang pagkakaiba ng kanilang mga personalidad.

Makahadlang kaya ang pagkakaiba nilang ito sa pagkakaroon nila ng maayos at masayang relasyon?

Ayaw ikuwento ni Nikki, ngunit sa obserbasyon ng PEP, tila isa sa mga highlights ng kuwento ay ang “dilemma” na pagdadaanan ni Sonia.

“Ang masasabi ko lang, it was something a lot of girls would be able to relate to,” pahapyaw na sabi ng aktres.

Ngunit katulad ng kanyang karakter, mayroon na rin ba siyang naranasang “dilemma” o hindi-tiyak na desisyong nagawa pagdating sa kanyang career?

Sandaling napaisip si Nikki at saka sumagot, “maybe it’s what I want to do ba siguro or not that… hindi rin naman kasi I’m enjoying doing all of these things, all at the same time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If I were to have a dilemma, it would be that do I want to do more acting? Do I want to do more albums? Do I want to do more hosting gigs?

“Do I want to do more… you know, I enjoy doing all of these things all at the same time.

“If I were to pick one, I don’t know what, if I’m to focus on one thing, hindi ko alam kung ano ‘yon because I love all of them equally.

“So I guess that would be the dilemma.”

Ang leading man ni Nikki sa musical play na ito’y si Lorenz Martinez, habang ang iba pa nilang makakasama ay sina James Stacey, Reb Atadero, Noel Rayos, Peachy Atilano, Anna Santamaria, at Jill Pena.

Mapapanood ang They’re Playing Our Song mula February 8 hanggang March 3 sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN