Eugene Domingo and Edgar Allan Guzman win acting awards in Philstage Gawad Buhay

Eugene Domingo and Edgar Allan Guzman are photographed in one of the scenes of Bona. Both stars won acting awards in Gawad Buhay! The 2012 Philstage Awards for the Performing Arts.



Sina Eugene Domingo at Edgar Allan Guzman ng hit PETA play na Bona ang nagwagi ng major acting awards na pan-teatro, ang Gawad Buhay! The 2012 Philstage Awards for the Performing Arts.

Personal na tinanggap ni Edgar Allan ang kanyang tropeo kagabi, June 16, sa Star Theater ng Cultural Center of the Philippines Complex, Pasay City.

Ang Bona ay ang stage adaptation ng 1980 classic Lino Brocka masterpiece na tinampukan ng Superstar na si Nora Aunor at ng premyadong aktor na si Phillip Salvador.

Para sa kanilang binigyang-buhay na papel sa entablado, nagwagi si Eugene Domingo bilang Bona ng una niyang Gawad Buhay best actress award, o ang katumbas nitong Outstanding Female Lead Performance In A Play.

Si Edgar Allan, na gumanap bilang si Gino Sanchez (a reprisal of Phillip's Gardo/male lead role) ang nanalo ng Outstanding Male Lead Performance In A Play award.

Bagama't hindi nanalong Best Ensemble Cast ang Bona, ang dalawa pang supporting cast ng Bona ay nagwagi ng Gawad Buhay: sina Olive Nieto, Outstanding Female Featured Performance In A Play, at Juliene Mendoza, Outstanding Male Featured Performer.

Sa paramihan ng napanalunan sa 5th edition ng Gawad Buhay, nanguna ang dance-musical na Rama Hari ng Ballet Philippines na nagtamo ng 13 parangal sa iba't ibang kategorya, kabilang ang Outstanding Ensemble For a Dance Production, Outstanding Adaptation or Translation, para kay National Artist for Literature Bienvenido Lumbera, at Outstanding Male Lead Performance In A Musical para kay OJ Mariano.

Sumunod ang 9 na parangal para sa orihinal na musical ng Tanghalang Pilipino, ang Stage Show, ang huling nilikha para sa entablado ng namayapang manunulat at direktor na si Mario O'Hara. Para sa kanyang orihinal na libretto, lone nominee and winner si Mario O'Hara.

Pinarangalan din ang Stage Show sa iba pang major categories: Outstanding Female Lead Performance In A Musical, para kay Shamaine Centenera-Buencamino; Outstanding Male Featured Performance In A Musical, kay Rody Vera; at Outstanding Female Featured Performance In A Musical, kay Angelina Kanapi.

Sa kanyang acceptance speech, overwhelmed si Angelina Kanapi na nagbahagi ng kanyang mahirap na karanasan sa magkasabay na pag-arte at pagkanta, a first in her theater acting career.

Aniya, "After Stage Show, I started to respect musical actors..."

Si Chris Millado, artistic director of the Cultural Center of the Philippines, ang nagwagi ng Outstanding Stage Direction para din sa Stage Show. Muli niyang sinariwa ang mga huling pagkakataon, bago sila iniwan ni O'Hara.

Ani Direk Chris, O'Hara gave them a script... "sort of a riddle, which we solved... and we're happy we were able to give life into Mario O'Hara's vision... we hope you see this show when it gets re-staged!"


WALANG BUDGET. Bagama't aminadong "Wala tayong budget!", ayon sa kasalukuyang Pangulo ng Philstage na si Audie Gemora, naging makabuluhan
at matagumpay pa rin ang ika-5 taon ng pamamahagi ng Gawad Buhay! Awards sa nasabing venue.

Ang Star Theater ay pag-aari ng prima ballerina na si Lisa Macuja-Elizalde at dito rin itinatanghal ang mga produksiyon ng kanyang Ballet Manila. Nagpasalamat si Audie Gemora, na siya ring tagapamahala ng Trumpets (theater company) sa kagandahang-loob ni Ms. Macuja na ipagamit ang venue "for free" sa Philstage.

Sa nakaraang apat na taon, ang nine theater companies na bumubuo ng samahang PHILSTAGE at ang mga produksiyong kanilang itinatanghal, ang mga kuwalipikado sa parangal sa iba't ibang kategorya ng Gawad Buhay!

Kabilang sa Philstage ang mga sumusunod: Actors Actors, Inc. (AAI), Ballet Manila (BM), Ballet Philippines (BP), Gantimpala Theater Foundation (GANTIMPALA), Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit (OPM), Philippine Educational Theater Association (PETA), Repertory Philippines, Inc. (REP), Tanghalang Pilipino (TP), at Triumphant People's Evangelistic Theater Society, Inc. (TRUMPETS).

This year, nadagdag sa miyembro ang 9 Works Theatrical Company na pinamamahalaan ng direktor at producer Robbie Guevarra.

At sa taong ito, bagama't masasabing simple ang inihandang awards program ng Philstage, ang seremonyas at mga palabas na binubuo ng iba't ibang excerpts mula sa mga nominadong theater productions, tulad ng pag-awit nina Kalila Aguilos at OJ Mariano mula sa Rama Hari; at forthcoming productions, tulad ng Bluebird of Happiness ng Trumpets, Sandosenang Sapatos ng TP, at Camp Rock ng Repertory Phils., among other theatrical pieces, ay nagsilbing patunay ng kahusayan ng mga Pilipinong theater artist-performers na karapat-dapat sa parangal na Gawad Buhay!


LIFETIME ACHIEVEMENT AWARDEES. Para sa lifetime achievement awards, o ang Natatanging Gawad Buhay!, pinarangalan ang tatlong haligi ng entablado: opera singer at aktres na si Fides Cuyugan-Asencio, stage director Nonon Padilla, at respected music/dance choreographer Denisa Reyes.

Higit na kilala si Fides Cuyugan-Asencio bilang operatic singer ("Puerta Real Evenings") at stage actress bago napanood sa telebisyon at pelikula tulad sa mga Cinemalaya indie films na NiƱo ni Loy Arcenas at Aparisyon ni Vincent Sandoval.

Ani Ms. Fides, sa kanyang pasasalamat, bilang Gawad Buhay! awardee: "I have served all the muses of the arts in the 60 years of my being in the business..."

Naging vocal naman si Denisa Reyes sa kanyang saloobin hinggil sa mahirap na sitwasyon ng pagta-trabaho last year sa Stage Show.

Si Nonon Padilla naman ay nagbalik-tanaw sa kasaysayan ng Cultural Center of the Philippines, paghahambing-hambing sa mga datihan at kasalukuyang administrasyon, at pagtuligsa sa pagitan niyon.

Nang gabing iyon, nagkaroon ng pagkakataon ang mga bisita na makita ang excerpt mula sa bagong musical na ididirehe ni Nonon Padilla, ang San Lorenzo Ruiz. Ang RSC Singers ang nag-perform ng naturang excerpt mula sa libretto ni Paul Dumol at musika ni Ryan Cayabyab. Mapapanood ang San Lorenzo Ruiz in August 2013.

Ang iba pang nag-perform sa 2013 Gawad Buhay! Awards ay sina Irma Adlawan at Ricky Davao (excerpt mula sa dulang Nobyembre, Noong Akala Ko, Mahal Kita ni Tony Perez); Abner Delina, Jonathan Tadioan, JR Macanas (excerpts mula sa Haring Lear, Doc Resurreccion at Walang Kukurap); Gian Magdangal at Fredison Lo sa Rent; Cris Villonco (Walang Sugat); Kalila Aguilos (Jekyll And Hyde) at Angelina Kanapi (Stage Show); at ang Philippine Opera Company (Ang Bagong Harana excerpt).

Sa panulat at direksiyon ni George De Jesus, ang Gawad Buhay! Awards ay produksiyon ng Philstage, katuwang ang sampung miyembro ng jury sa pamumuno ni Chairman Elmar Beltran Ingles.

Kabilang din sa mga hurado sina: Steve Basilio Villaruz, UP professor-critic; Gilbert "Gibbs" Cadiz, Lifestyle Editor, Philippine Daily Inquirer; Glenn Sevilla Mas, poet-creative writer, Ateneo de Manila; Hilda Requinta, contributor,The Financial Times; UP Literature professor Ms. Jovita Zarate; at writer-critic/editor Vladimir Bunoan.

Nagsilbing hosts/emcees sina Kyla Rivera, Dudes Sanchez, Martha Comia, Me-Ann Espinoza, Stella Canete at Juliene Mendoza. Kabilang sa presenters sina: Bart Guingona, BP artistic director Paul Morales, Tuxs Rutaquio, Mads Nicolas, Mara Paulina Marasigan, Robbie Guevarra, Mio Infante, Maribel Legarda of PETA, Liesl Batucan, Carla Gutierrez, Joel Saracho, Angeli Bayani, Regina de Vera, and Mr. Ramon Orlina, ang nagdisenyo ng bagong glass trophy ng 2013 Gawad Buhay!

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagsipagwagi sa 5th Gawad Buhay! Awards:

Natatanging Gawad Buhay!

Fides Cuyugan-Asencio, opera singer and actress
Nonon Padilla, theater/stage director
Denisa Reyes, choreographer

Outstanding Ensemble Performance for a Musical -
The Cast of Tanghalang Pilipino's (TP) Stage Show

Outstanding Ensemble Performance for a Play -
The Cast of Tanghalang Pilipino's (TP) Walang Kukurap

Outstanding Ensemble Performance for a Dance Production - The Cast of Ballet Philippines' (BP) Rama Hari

Outstanding Female Lead Performance in A Play -
Eugene Domingo (PETA's Bona)

Outstanding Male Lead Performance in a Play -
Edgar Allan Guzman (PETA's Bona)

Outstanding Lighting Design -
Jimmy Villanueva (Ballet Manila's Alamat: Si Sibol At Ang Gunaw)

Outstanding Set Design -
Gino Gonzales (PETA's Haring Lear)

Outstanding Costume Design -
Salvador Bernal (Ballet Philippines' Rama Hari)

Outstanding Sound Design -
TJ Ramos (TP's Stage Show)

Outstanding Female Lead Performance In A Musical -
Shamaine Centenera-Buencamino (TP's Stage Show)

Outstanding Male Lead Performance In A Musical -
OJ Mariano (BP's Rama Hari)

Outstanding Female Featured Performance In A Musical -
Angelina Kanapi (TP's Stage Show)

Outstanding Male Featured Performance In A Musical -
Noel Rayos (BP's Rama Hari) and Rody Vera (TP's Stage Show)

Outstanding Female Lead Performance In A Modern Dance Production -
Carissa Adea (BP's Rama Hari)

Outstanding Male Lead Performance In A Modern Dance Production - Richardson Yadao (BP's Rama Hari)

Outstanding Female Featured Performance In A Modern Dance Production - Rita Winder (BP's Rama Hari)

Outstanding Male Featured Performance In A Modern Dance Production -
Earl John Arisola (BP's Rama Hari)

Outstanding Female Lead Performance In A Classical Dance Production -
Lisa Macuja-Elizalde (Ballet Manila's Don Quixote)

Outstanding Male Lead Performance In A Classical Dance Production -
Rudy De Dios (BM's Don Quixote)

Outstanding Female Featured Performance In A Classical Dance Production - Seihee Hong (BM's Giselle)

Outstanding Male Featured Performance In A Classical Dance Production -
Elpidio Magat (BM's Giselle)

Outstanding Female Featured Perferformance In A Play -
Olive Nieto (PETA's Bona)

Outstanding Male Featured Performance In A Play -
Juliene Mendoza (PETA's Bona)

Outstanding Play -
Tanghalang Pilipino's Doc Resurrecion: Gagamutin Ang Bayan

Outstanding Stage Direction -
Chris Millado (TP's Stage Show)

Outstanding Book Or Original Libretto -
Mario O'Hara (TP's Stage Show)

Outstanding Adaptation Or Translation -
Bienvenido Lumbera (BP's Rama Hari)

Outstanding Original Script -
Layeta Bucoy (TP's Doc Resurrecion: Gagamutin Ang Bayan)

Outstanding Modern Dance Production -
Ballet Philippines' Rama Hari

Outstanding Classical Dance Production -
Ballet Manila's Don Quixote

Outstanding Choreography For A Dance Production
-Alice Reyes (BP's Rama Hari)

Outstanding Choreography For A Play Or Musical -
Denisa Reyes (TP's Stage Show)

Outstanding Musical Production - TP's Stage Show

Outstanding Musical Composition - Ryan Cayabyab
(BP's Rama Hari)

Outstanding Musical Direction - Ryan Cayabyab and
Jed Balsamo (BP's Rama Hari)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN