Frencheska Farr reprises role of Lea Salonga in restaging of Grease

Grease: The Musical—starring Frencheska Farr (in photo), Iya Villania, and Gian Magdangal—will be staged from November 9 to December 1, 2013.



Masayang-masaya ang GMA singer-actress na si Frencheska Farr dahil siya ang napiling gumanap bilang si Sandy sa restaging ng musical na Grease.

Kuwento ng winner ng Are You The Next Big Star ng GMA na last year pa raw siya nag-audition para sa role na Sandy Dumbrowski. Hindi raw niya inaasahan na makukuha pa niya ang role.

“Nagulat nga po ako na ako ang napili nila as Sandy.

“Kasi nga last year pa ito at akala ko meron na silang napiling iba.

“Favorite ko ang movie at ang soundtrack ng Grease. Kaya sobra akong natuwa noong sabihan ako na I will be playing Sandy,” ayon kay Frencheska nang makapanayam namin siya via direct messaging sa Twitter.

Nakadagdag nga katuwaan ni Frencheska nang malaman niya na ang idolo niyang si Lea Salonga ang unang gumanap bilang Sandy sa unang pag-stage ng musical na Grease sa Pilipinas noong 1995.

“Nakakatuwa lang kasi si Ms. Lea nga ang gumanap na Sandy noon. Tapos ngayon lang nila ito inulit at ako pa ang napiling Sandy.

“I feel proud na ako naman ang gaganap sa ginampanan na ng idolo ko.

“I pray that I will also give a good performance tulad nang pag-perform ni Ms. Lea noon.”

Pinag-aaralan ni Frencheska ang character ni Sandy na isang high school virgin na na-in love sa isang campus bad boy na si Danny Zuko na gagampanan ni Gian Magdangal.

In the 1979 film version, sina John Travolta at Olivia Newton-John ang mga gumanap bilang Danny and Sandy.


“Playing Sandy is a real challenge kasi I have to find my inner Sandy,” ani Frencheska.

“Pero like Sandy, there are a lot of things na I can’t easily express.

“Si Sandy kasi, walang bilib sa sarili niya, Ang nasa isip nya, she isn’t enough.

“But through her experiences sa high school and the people she made friends with, she was able to grow and and she discover a lot of things about herself.”

Nakaka-relate daw si Frencheska sa role na Sandy kaya naging madali na rin sa kanya ang pagganap dito.

“I guess a lot of girls makaka-relate sa tulad ni Sandy.

“Tulad ko nga po, I slowly discovered myself sa pagsali ko sa iba’t ibang mga singing contest.

“Napakamahiyain ko noon but I was able to come out of my shell and show them that there is another side of me.

“I slowly matured as I took my journey here in showbusiness. Marami akong natutunan, nakilala at nadiskubre.

“Yun siguro ang pinaka-common denominator namin ng ginagampanan kong role as Sandy.”

First time niyang makakatambal sa isang play si Gian Magdangal. Masaya si Frencheska na makatrabaho si Gian dahil mas bihasa ito sa teatro at marami siyang matututunan dito.

“Nagkasama na kami before ni Gian sa teleserye na Kokak. Pero hindi naman kami madalas na magkaeksena roon.

“Unlike dito ngayon sa Grease, marami kaming mga eksenang magkasama at may mga duets kami.

“Sa rehearsals nga, parating mataas ang energy namin kasi pareho kaming excited to be doing Grease.”

Aware naman din si Frencheska sa nangyayari ngayon sa personal na buhay ni Gian.

Kelan lang kasi ay nagkahiwalay na sila Gian at ang girlfriend nitong si Sheree pagkatapos ng pitong taon. Meron silang anak na lalake named Gian Haley na 5 years old na ngayon.

Ayon naman kay Frencheska, never siyang nagtanong ng anumang personal kay Gian, lalo na ang kasalukuyang problema nito.

“Gian is a good friend talaga. During rehearsals naman, we don’t talk or discuss about any problems niya. That is too personal din.

“What’s important naman po is yung professional siya sa work at nagagawa niya ng maayos ang trabaho niya.

“Ramdam ko naman na hindi dinadala ni Gian ang anumang problema niya sa trabaho namin. Kaya hindi apektado ang performance niya.”

Magfo-focus raw muna si Frencheska sa musical na Grease kaya hindi muna siya tatanggap ng bagong teleserye.

“Yung last na ginagawa ko was Binoy Henyo. Dito muna tayo sa Grease mag-focus kasi kailangan ng 100% na commitment dito.

“Lumalabas pa rin naman ako sa Sunday All Stars pero sinabi ko naman na mas priority ko ang rehearsals for Grease.

Grease: The Musical is produced by 9 Work Theatricals and directed by Robbie Guevara. Also in the cast are Iya Villania, Jennifer Blair-Bianco, Carla Dunareanu, Reb Atadero, Mark Tayag, Vince Lim, Peachy Atilano, Sarah Facuri, Carlos Canlas, James Stacey, Harold Cruz, Sab Jose, Angela Padilla, Carmelle Ros and Rafa Siguion-Reyna.

For over 40 years, Grease has remained one of the world’s most popular and beloved musicals. Pinasikat ng Grease ang mga songs na “Grease,” “Hopelessly Devoted (To You),” “Grease Lightnin',” “Summer Night,” “We Go Together,” and “You’re The One That I Want.”

Time Magazine dubbed its 2007 Broadway revival as the “#1 Musical of the Year.”

Mapapanood ang Grease: The Musical from November 9 to December 1 sa Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC Plaza, Makati City.

For tickets and other inquiries, please call Tel. No. 586-7105 or 0917-5545560 or email info@9workstheatrical.com for inquiries

To purchase tickets online, CLICK HERE

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN