Joaqui Valdez portrays Jack in the Beanstalk for the musical "Into the Woods"


Joaqui Valdez (in photo) brings life to the fairy talecharacter Jack in the Beanstalk for the New Voice Company production Intothe Woods. This musical opens at the Music Museum this Friday, November 9.



Marami pang gustong gawin ang promising TV personality na si Joaqui Valdez. Nakilala si Joaqui nang makipagtunggali ito bilang isa sa mga Tad Jocks sa Studio 23 program na Wazzup! Wazzup! pero ang kaibigan niyang si JC Cuadrado ang nanalo.

Nabigyan si Joaqui ng pagkakataon na mag-host ng morning show na Breakfast sa Studio 23, Game Plan at One Cubed sa CBN Asia. Naging part pa siya ng singing group na 17:28. Eventually ay nag-solo siya at nag-launch pa siya ng solo album titled Joaqui: The Jazzanova Project.

Pero ang first love talaga ni Joaqui ay ang musical theater at bata pa lang daw siya ay hilig na niya at ng kanyang pamilya ang manood ng mga theater musicals. Noong 1994 at 1995 napasama si Joaqui sa mga musicals na The Lion, The Witch and the Wardrobe, The Young King, Joseph The Dreamer, Evita at Pinocchio. Gumawa rin siya ng local musical na St. Louis Loves Dem Filipinos para sa Dulaang U.P.

Ngayon ay kasama siya sa bagong handog ng New Voice Company ni Monique Wilson na Into The Woods. Masaya si Joaqui dahil nabigyan siya ng pagkakataon to work again with great theater performers tulad nila Tommy Abuel, Jamie Wilson, Menchu Lauchengco-Yulo, Michael Williams, Lynn Sherman, Julia Abueva, at marami pang iba.

"It's another challenge for me and doing Into The Woods is such an honor for me. Mas natuwa pa nga ang family ko because they are also lovers of musical theater. They are very supportive of what I want to do with my life," diin ni Joaqui.

Ang Into the Woods ay tungkol sa mga popular fairy tale characters na bibigyang buhay muli sa musical na ito. Ang Broadway musical na ito ay pinagsamasamang storya nina Cinderella, Rapunzel, Jack and the Beanstalk, at Little Red Riding Hood. Idinagdag ang kwento ng Baker at ang kanyang asawa na gustong magkaroon ng sarili nilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatapos ng Film and Audiovisual course sa University of the Philippines-Diliman si Joaqui. Bukod sa pagiging singer, TV host and theater actor, gusto rin niyang maging isang film director. Hinangaan nga niya ang mga Hollywood film directors tulad nina Martin Scorsese, David Fincher, Francis Ford Coppola, and Sam Mendes. Sa local film directors natin, gustung-gusto niya si Mike de Leon.

Isa-sadula ang Into The Woods sa Music Museum starting November 9 hanggang December 8. Mula ito sa direksyon ni Rito Asilo samatalang creative director naman si Monique Wilson. Tickets are available at NVC office (896-6695, 896-5497, 899-0630) or at TicketWorld (891-9999).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN