Arnell Ignacio wants to audition for theater versions of Shrek and Ghost

After portraying Gomez in The Addams Family, Arnell Ignacio wants to audition for theater versions of Shrek and Ghost.



Nagbigay ng standing ovation ang audience pagkatapos mapanood ang The Addams Family noong November 22 sa Meralco Theater.

Pinangungunahan ang cast ng mag-asawang Gomez at Morticia Addams na ginampanan nina Arnell Ignacio at Eula Valdes na talaga namang napakagaling sa naturang musical play.

Nag-focus lang daw talaga si Arnel sa play at hindi siya tumanggap ng ibang commitments ang sabi niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press pagkatapos ng show nila.

Ayon kay Arnell, “Matagal ang preparation, mga two months din ang rehearsal. Tigil ka sa lahat ng gagawin. Kasi, hindi ka puwedeng ma-istorbo rito. Absolutely, wala akong ibang ginagawa. Kasi, hindi puwedeng maistorbo.

“Otherwise, yung linya mo, mawawala. Nakita mo naman ang linya ko riyan, kilometric. Isang tanungan ng where are you from, two pages ang sagot ko.”

Ikalawang musical play na ni Arnel ang The Addams Family sa Atlantis Production. Ang una niyang ginawa ay ang Full Monty. Pero, ang background ni Arnell, bago pa man pasukin ang showbiz ay matagal na sa teatro sa Repertory Philippines.


Noong ginawa niya ang Full Monty, nasabi niyang baka matagalan pa siyang muli bago gumawa ng isa pang musical play.

Ano ang nagpabago ng isip niya?

“Oo nga, e. Kasi, yung Full Monty, yung energy is still high. Kaya sabi ko, baka puwede naman ako riyan, kahit yung mga ancestors, ancestors lang. E, ibinigay sa akin yung Gomez. Diyusko, tatanggihan mo ba yun?”

Pero, inamin ni Arnel na nang nagre-rehearsal na raw sila, nagsabi raw siya na hindi na niya magagawa.

“Umaatras ako riyan kasi, second day of rehearsal, sabi ko, kumuha na lang kayo ng ano—kasi, ang hirap. Ang hirap!” pag-amin niya.

Pinaka-mahirap na ginawa nya ang Addams Family?

“Sa mga naging character ko? Oo, ito ang pinakamahirap,” sabi niya.

Dugtong din niya, “Pero alam mo, ito ang magic ng ano, e, kapag pinanood mo ‘to, kailangan, hindi mo kami makitang nahihirapan. Pero, napakahirap. Napakahirap.

“Imagine niyo yung napaka-kapal na librong mememoryahin mo. Tapos, ang ilaw nito, naka-program, so, hindi ka puwedeng magkamali kung saan ka pupunta, doon lang siya tatapat.”


Pagkatapos ng Addams Family, gusto rin daw mag-audition ni Arnel sa Shrek at sa Ghost na musical play rin.

Sabi namin sa kanya, na-adik na siya sa teatro.

“Eh kasi naman dito, tingnan niyo naman. At si Bobby Garcia, napakasarap ka-trabaho, napaka-brilliant. At saka, dito, pantay kayong lahat dito. Ako bida rito, pero, pantay lahat. Pati bayad, pantay lahat. Walang tanungan ng TF [talent fee] dito.”

Ano ang mga natutunan niya sa teatro?

“Yung obligasyon mo,” saad niya.

“Alam niyo, how I wish, sana yung sistemang ganito, it will work in every other sectors. Lalo if people are prepared, ang ganda-ganda ng magagawa, ‘di ba?”


Sa isang banda, napag-usapan din ang ginawang pagkupkop ni Arnell ng ilaw araw sa mga kaibigan niya na nakilala sa Tacloban nang minsang magkaroon siya doon ng show.

Ang pamilya na ito ay tumawag kay Arnell nang dumating sila sa Manila pagkatapos ng nangyaring matinding unos na dulot ng bagyong Yolanda.

“Actually, nakilala ko yung guy, noong 1997 pa. Tapos, binigay ko sa kanya ang calling card ko. Sabi ko, balang-araw magagamit mo ‘yan.

“At imagine niyo naman ha, 1997 pa, nakatago sa kanya ang number ko. Unang labas pa ng Globe ‘yan, unang isang-daang number yata, regalo ng Globe sa akin. Tapos, sabi niya, 'Arnell, wala kaming matitirhan.'

“Sabi ko, 'O, sige, dito ka.'”

Kasama raw nito ang Misis niya at ang anak. May kaya raw sa Tacloban ang pamilya nito at nagmamay-ari ng gasoline station. Pero, wala rin daw naisalba halos sa gamit nila.

Kuwento pa ni Arnel, “Eto lang ha, ito lang din ang strange. Dito ka maaawa. Ito lang ang nagtatalo sa isip ko. Mas nakakaawa pala ang mayaman kapag nangyari sa kanila. Kasi, kapag kausap mo, lutang. Siyempre, bibigyan mo ng datung.

“Pero ito ha, pahingi ng pabango. Parang maiinis ka pa, bakit pabango. Tapos, yung pagkakasabi pa niya, iba. Akin na lang yung maliit na pabango. Tapos naglagay siya. Ngayon, nasa Cebu yata sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN