Jojo Riguerra admits his briefs got torn in one performance of Maxie the Musicale

Jayvhot Galang (leftmost) and Jojo Riguerra topbill Maxie The Musicale: Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros, which is being staged until December 8. (To purchase tickets online,


Hindi inaasahan ng baguhang indie at stage actor na si Jojo Riguerra na mapapag-usapan siya dahil sa nangyaring "wardrobe malfunction" kamakailan, habang ongoing ang performance niya sa Maxie The Musicale: Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros.

Maraming glowing reviews ang natamo ng produksiyon na maituturing na theater version ng 2005 indie film na Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros.

May mga nagsasabing mahusay rin ang pagganap ni Jojo bilang ang pulis na si Kuya Victor, na object of infatuation ng pre-adolescent gay named Maximo Oliveros, na ginampanan ng isa ring baguhang pre-teen actor, si Jayvhot Galang.

Para kay Jojo, hindi sinasadya ang naturang "wardrobe malfunction."

Kung ano ang nangyari ay ipinaliwanag ni Jojo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Nobyembre 28 sa presscon ng Pedro Calungsod: Batang Martir, a Metro Manila Filmfest 2013 entry.

"Kasi, medyo mabilisan yung ilang mga eksena doon," simula ni Jojo.

"Sa isang eksena, kailangan kong hubarin yung pantalon ko, kasi shower scene ang kasunod.

"Ang problema, pagbaba ko nung zipper ng pants, hindi agad 'yon bumaba, na-stuck yung zipper.

"E, tumutugtog na yung banda, cue ko na. Kailangan na akong pumasok. So, pinuwersa ko na yung zipper. Pagbaba ko [ng zipper], napunit yung briefs ko.

"So I had to... kailangan kong lumabas na... shower scene, e, naked talaga!"



ONSTAGE NUDITY. Hindi raw inaasahan ng lahat ang paglabas ni Jojo nang hubad.

"Nakatalikod ako," paglilinaw ng aktor. "Hindi naman full light, na maliwanag [sa stage] yung shower scene.

"Maganda naman yung light niya. Kaya lang kasi, ayoko namang masira yung eksena.

"E, since hindi naman bastos yung eksena na 'yon, wala naman akong narinig na negative [comments].

"I think, tanggap naman ng mga tao na yun ang eksena talaga.

Kaya may hiyawan mula sa audience, sa eksenang yun.

"Yeah, sabi sa akin ni Sir Nick [Nicholas Pichay, sumulat ng stage adaptation], hindi na raw nila napansin si Maxie, kung ano'ng ginagawa doon [sa eksenang supposed to be ay naninilip ito sa naliligong pulis].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba-iba yung reaction doon," sabi pa ni Jojo.

Totoo bang "ni-require" din si Jojo na mag-nude sa partikular na eksenang yun ng kanilang direktor na si Dexter Santos?

"Before, si Dexter... told me, 'You'll go naked while doing your shower scene...'

"Sabi ko, 'Ah, Direk, ano po kasi, I have a film... pari po ako, so medyo kailangan hindi po ako mag-naked,'" pag-amin ni Jojo.

Ang tinutukoy nga ni Jojo ay ang Pedro Calungsod, Batang Martir, kunsaan gumaganap siya na isang missionary priest noong ika-16 na siglo.

Hindi pumayag ang direktor ng pelikula na si Francis O. Villacorta.

"Ipinaalam ko rin sa PM [production manager], kay Perry (Escaño), sabi niya, 'No, hindi puwede... kasi, baka maapektuhan yung film natin.'"

"But then, again, yun nga, hindi po inaasahan yung mga ganong klaseng pangyayari.

"Kung um-okay po sila, why not po, kung hinihingi ng eksena?

"E, nakita ko po yung set-up, hindi naman po talaga bastos. At may ginagawa si Maxie while I was doing the shower scene."

Sa kabila ng pangyayari, masaya pa rin daw ang karanasan ni Jojo sa pagganap sa dulang musikal.

"Masaya naman. Yung overall, from the start... tapos, sobrang happy ako sa mga reviews."

Iku-consider din ba ni Jojo na maghubad, onstage o sa pelikula, matapos ang Maxie the Musicale at ang Metro Manila Film Fest entry na Pedro Calungsod?

"Yan po ang hindi ko alam, right now. Hinihintay ko po ang magiging manager ko [Noel Ferrer], magmi-meeting pa lang po kami."



GOOD RAPPORT WITH MAXIE. Nang tanungin si Jojo tungkol sa kanyang working relationship with lead star Jayvhot Galang, sabi ni Jojo, "Kahit sino po nagsasabi, 'Iba yung chemistry ninyo!'"

Ayon sa feedback na naririnig niya, bagay raw ang tandem nila sa naturang musical play.

"Hindi 'bagay' na... 'may malisya'; bagay raw po kami, as Maxie and Victor [sa play]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa celebrated 2005 Cinemalaya indie film na sinulat ni Michiko Yamamoto at idinerehe ni Auraeus Solito, ang papel nina Maxie at Victor ay ginampanan nina Nathan Lopez at JR Valentin.

"Si Nathan, nanood nu'ng opening night [last November 9]; si JR, nasa States siya."

Sabi rin sa mga reviews, ang charm ng original Victor sa pelikula ay taglay daw ni Jojo Riguerra.

"Oo nga po, e. Yun po yung nasa review, nakuha ko raw po, with dignity," sambit pa ni Jojo.

"Sana po manood kayo, sa last weekend run namin. Suportahan n'yo po ako," pag-anyaya pa ni Jojo.

Bukod kina Jayvhot Galang (Maxie) at Jojo Riguerra (Victor Perez/Kuya Victor), gumaganap din sa mahahalagang papel sa Maxie The Musicale: Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros sina: Roeder Camañag and Nazer Salcedo (alternating as Paco Oliveros, Maxie's father), Al Gatmaitan and OJ Mariano (alternating as Boy Oliveros), at Jay Gonzaga (Bogs Oliveros).

Ang dula ay produksiyon ng PETA (Philippine Educational Theater Association).

May ilan pang nalalabing pagtatanghal this weekend (December 7, 8, 2013) sa PETA Theater Center sa Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN