Arnell Ignacio headlines Rak of Aegis rerun

Arnell Ignacio (extreme right) joins the cast of Rak of Aegis, and gives a sneak preview of his role as Fernan: "Major [role] siya...kasi, ako ang nag-cause ng baha. Parang yung major conflict, sa akin manggagaling.



Rak is back!

Nagsimula na ang re-run ng hit musical na Rak of Aegis ng PETA (Philippine Educational Theater Association) noong Biyernes, June 20, sa PETA-PHINMA Theater sa New Manila, Quezon City.

Magkakaroon ito ng 67 shows tuwing weekends (Thursdays-Sundays, 8pm, with 3pm matinee shows Fridays-Sundays) hanggang August 31.

Ang Rak of Aegis ay isang comedy-musical na tampok ang chart-topping hit compositions ng pamosong bandang Aegis, tulad ng “Luha,” “Halik,” at “Basang-Basa Sa Ulan.”

Ang mga awiting ito, kabilang ang iba pa, na pinasikat ng bandang Aegis ay naisangkap sa pagbuo ng magandang kuwento ukol sa buhay at pag-ibig ng mga maralitang taga-lunsod sa isang binahang komunidad. Actor-musician Myke Salomon serves as musical director.

Kabilang din sa creative team ng Rak of Aegis sina Liza Magtoto, playwright, at ang direktor na si Maribel Legarda, PETA Artistic Director. Sina Liza at Maribel ang siya ring lumikha ng isa pang PETA hit musical, ang Care Divas.

Last January 2014, ang Rak of Aegis ay nagkaroon ito ng kabuuang 43 shows, kunsaan ang pitong shows ay dagdag na sold-out performances mula sa orihinal na 36 shows.

Para sa natatakdang rerun, this time, 67 shows na ang naitakdang gawin ng cast; higit kaysa sa orihinal na pagpapalabas.

Kabilang sa main cast ng Rak of Aegis sina Robert Seña at Isay Alvarez-Seña, at ang female lead na si Aicelle Santos.

Nasa line-up din sina Kalila Aguilos, Cacai Bautista, Neomi Gonzales, Jerald Napoles, Pepe Herrera, Myke Salomon, Poppert Bernades, Nor Domingo, Julienne Mendoza, Ron Alfonso, Phillip Palmos, Gold Villar, Gimbey dela Cruz, Jet Barrun, Paeng Sudayan, Carlo Matobato, at John Moran.

May mga bago ring cast members, tulad nina Kimverlie Molina as Aileen, OJ Mariano as Kiel, Arnell Ignacio as Fernan, at Jimmy Marquez as Jewel. Kasali rin sa ensemble ang choreographer na si Gio Gahol at Abigail Sulit.

SUPPORT FOR THEATER. Kabilang sina Ogie Alcasid, current President ng OPM (Original Pilipino Music) at ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, sa mga celebrities na unang nakapanood ng Rak of Aegis at nag-express ng kanilang suporta para sa dulaan at musikang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ogie, "A show like Rak of Aegis is an embodiment of what we have to do as Filipinos."

"Suportahan, tangkilikin at ipagbunyi po natin ang ating sariling musika!"

Isa pang kabutihan ng matagumpay na pagpapalabas ng Rak of Aegis ay ang pagkakataong makalikom ng kaukulang pondo para sa patuloy na pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Maraming grupo, mula sa iba't ibang pampubliko at pribadong sektor sa lipunan ang nag-organisa ng mga benefit shows ng musical.

Ang TAG (Theater Actors Guild) na pinamumunuan ni Ms. Kalila Aguilos ay nakatakdang magpalabas ng Rak of Aegis, bilang benefit show, sa July 3, 8pm.

Maraming mga proyekto ang TAG, para sa mga miyembrong taga-teatro, na kailangan ng pondo kaya malaking tulong ang patronage na maibibigay ng manonood sa benefit night show ng grupo.

BUY SHOW TICKETS. Ayon naman kay Arnell Ignacio, na kaisa sa suporta ng mga kasamang mandudula, "This is a very significant step to promote what we own."

First time gumaganap si Arnel sa isang dula ng PETA, bilang si Fernan, sa Rak of Aegis.

Aniya, "Lagi ko ngang binabanggit sa interview, if we can buy tickets na ang daming 0's [priced at thousands of pesos] when foreign companies come here to stage Wicked; or Phantom of the Opera... and the rest, dapat dito, significantly, we should also give it much importance.

"Lalung-lalo na, huwag na silang humihingi ng complimentary [tickets]," mensahe ni Arnell sa mga kinauukulan.

"Kasi, if we see these [theater] people work, and how much they get paid for each show, masakit na masakit na magbigay ng complimentary [tickets].

"I mean, ang liit lang ng theater; and then, o-occupy pa tayo ng silya, na hihingi ka ng libreng ticket.

"So sa akin, on top of everything that I am doing now, ang gusto kong sabihin, let's support this because this is ours," paghikayat pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DIFFERENT KIND OF FULFILLMENT. Bilang isang nakilalang komedyante at TV host, ibang fulfillment para kay Arnell Ignacio ang natamo niya sa pagti-teatro.

Para kay Arnell, "Heaven ang theater para sa isang artist na naghahanap lagi ng lugar na masarap mag-stay; o ng [preoccupation] na masarap gawin.

"Bilang aktor, parang wala naman kaming lakas o karapatang magsabi, kung paano babaguhin [ang sistemang umiiral]."

One thing is sure, though, ayon pa sa actor-comedian, "Ang theater, hindi ito bumababa ng quality.

"Tapos, ang makikita mo, yung mga kasama mo, they're so dedicated.

"Ang importante dito, hindi ang 'pangalan' mo, kundi kung ano ang level mo, sa industry.

"Kasi dito, hindi ka naman maisasalba ng kasikatan mo, e. Kailangan, magaling ka rito!

"Hindi puwedeng daanin mo sa 'lusut-lusot.' There is no place for that here in the theater."

FEATURED ROLE. Sa Rak of Aegis, ginagampanan ni Arnell si Fernan na may mahalagang bahagi sa kabuuan ng kuwento.

"Major [role] siya, pero ilan lang naman ang labas [na eksena].

"Kasi, ako ang nag-cause ng baha [sa community ng urban poor residents]," lahad ni Arnel.

"Parang yung major conflict, sa akin manggagaling.

"Kaya kahit ilang beses lang—mga tatlo lang yata ang eksena ko rito—nung pinanood ko, parang ang dami, e."

Magiging ka-alternate ni Arnell para sa role niya sina Julienne Mendoza at Bor Ocampo.

"Kasi naman, if you're doing 67 shows, baka naman magkabasag-basag na ang lalamunan ng gagawa nun," sambit pa ni Arnell.

CAREER BEGINNINGS IN THEATER. Two years ago, naging tampok din si Arnell sa isang maliit na dula ng Gantimpala Theater Foundation, Ang Sayaw ng mga Señorita, and earned raves for his performance (bilang isang gay talent discoverer).

Gumawa rin siya ng indie, ang Melodrama Negra (2012) na dinirek ni Maribel Legarda ng PETA, her debut film.

Isang gay stand-up comedian si Arnel sa nasabing indie film, na entry sa 2012 Cinema One Originals Filmfest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Arnell's performance in the film was memorable, lalo na sa tagpong napatay ang kanyang stepson and he had to go on with the night's show.

"Ah, oo, si Maribel [Legarda] ang nagdirek no'n, e. Kahit ako, nagalingan ako sa sarili ko," birong-totoo pa ni Arnelli.

But Arnell's love for the theater, o sa pagganap sa stage, ay na-develop sa sarili rin niyang kagustuhan.

"Mula pa noong '80s, sa Repertory [Philippines]," he recalled.

"Kadalasan, English [plays] yung mga ginagawa ko [sa Rep], e.

"Sa PETA, una ko ito [Rak of Aegis]. Masaya.

"Tinawagan nila ako para sa role ko. Kasi ako nga, trying hard ako talagang maging aktor, e.

"Sa lahat ng inu-offer na workshop ng PETA, tuwing meron silang inu-offer na acting workshop, like yung Stella Adler, talagang nag-e-enrol ako.

"'Yung kanilang Royal Academy of Dramatic Arts workshop, nag-enrol din ako. Enrol ako nang enrol.

"Para naman kung sumabak ka [sa actual production], hindi ka mahirapan.

"Kasi alam mo, lalo na yung mga kasabay mo, may mga tahik na 'yan sa teatro," pagtatapos ni Arnel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN