Agot Isidro portrays grief-stricken mother in Rabbit Hole

Agot Isidro says about her role in Rabbit Hole: “Ako rito si Becca, isang ina at asawa. Actually, the whole family here is grief-stricken. Namatayan kami ng anak, but the play happens eight months after." Rabbit Hole will be staged starting August 1, 2014 at Whitespace, Makati City.


Matatandaang unang gumawa si Agot Isidro ng musical stage play noong 2003 para sa Honk! Nasundan pa ito nang ilan pang musicals na kanyang ginawa tulad ng Baby, Footloose, at ang Zsazsa Zaturnnah noong mga sumunod na taon.

Dahil naging busy na ang aktres sa paggawa ng mga teleserye at pelikula, panandalian niyang iniwan ang treatro. Ngunit matapos ang pitong taon ay muli siyang bumalik sa entablado ng teatro para sa kanyang major role bilang Becca sa musical stage play na Rabbit Hole.

Mapapanood na ang Rabbit Hole simula August 1, 2014 sa Whitespace, Makati City.


Sa recent presscon ng play na ginanap sa 2nd’s Restaurant, Quadrant 3, 9th Ave Bonifacio High Street, nakapanayam ng PEP.ph si Agot tungkol sa kanyang role sa Rabbit Hole.

What made you decide na bumalik sa theater after seven years?

“Seven years I’ve been away from theater, always kong naiisip na bumalik but then yung schedule talaga hindi pwede. Ayaw ko rin kasi gumawa ng teleserye or a movie and then do a play coz hindi ko mabibigyan ng time, e. Hindi ko kaya yung mapupuyat and then mag stage play. Para kasing hindi 100 percent yung maibibigay ko. So now, I’m little slow with my TV role, so, I accepted it.

“I like the process, gustung gusto ko talaga yung proseso ng theater, e, because talagang, you really in, in that moment, hinihimay yung script, tapos lahat may intention. Kasi, sinulat ‘yan, e, is not like teleserye or film na pwede ka mag suggest ng sasabihin mo or ad lib…Hindi…It was written that way. May intention with every word that the play writer wrote. Mahabang proceso but I like it.”

How would you describe yung karakter n'yo rito sa play?

Agot: “Ako rito si Becca, isang ina at asawa. Actually, the whole family here is grief-stricken. Namatayan kami ng anak, but the play happens eight months after. So, we’re in the middle of really dealing with it or moving on, yung ganun, in between yun. That’s why it is very interesting, kasi the others nakapag move on na, tapos ako medyo hindi pa nakakapag move-on.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano po kayo naka relate sa character n’yo rito?

Agot: “Everybody experienced grief, like loss of a family by death or separation or whatever. I can relate to that, I mean can play the role quite effectively because nga we already experienced it.”

Natanong din ng PEP.ph ang co-star ni Agot na si Michael Williams about his character sa Rabbit Hole.

Michael: “I’m the husband of Becca [Agot] here. Katulad ng karakter ni Agot, we’ved experienced the loss of loved ones. Kanya-kanya kasing perspective on lost and grief. So, iba-iba yung pag mama-manifest ng grief. So, parang ganun yung kwento namin, na hindi kami nagkaka intindihan kasi hindi kami pareho ng pag express ng grief, e. So, nagkaroon kami ng hindi pagkakaintinhang mag-asawa kasi iba yung pag deal ko dun sa nawala naming anak. Eto yung kwento kung paano kami hindi magkaka intindihan.

“It’s not really about romance, e, given na yung mag-asawa kami and then we love each other, may pamilya kami, given yun sa kwento, hindi doon magmumula yung kwento ng play kundi doon sa lost of our child.”

Agot: "And how the family dealt with that grief. Kumbaga yung journey ni Michael ay iba sa journey ko, we all want to deal with it.”

Ms. Agot, maiba po tayo. What is the secret kung bakit still blooming kayo at your age?

“Positivity! You know, I had a lot of heartaches, I had my share, but at the end, you still wake up in the morning and it’s another day, di ba? It’s your choice to be happy or be negative about life, sa akin dun ako sa happy lang!”

Meron po bang nagpapasaya sa inyo ngayon? Kamusta na ang love life n'yo?

Agot: “Wala naman! Trabaho na lang muna ako, mga aso ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Given the chance, gusto n'yo pa bang gumawa ng indie film sa Cinemalaya?

“Of course, I’m always open to do an indie film.”

Ano pong masasabi nyo contribution ng Cinemalaya sa movie industry natin ngayon?

“At least, it open up an opportunity to our young filmmakers especially for the first time filmmakers, kumbaga kung very good yung mga gawa nila, they will be given a budget to make their films. It’s a good thing!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN