Auditions announced for Imelda Marcos-inspired musical Here Lies Love

Photo shows Here Lies Love award-winning actress Ruthie Ann Miles, award-winning director Alex Timbers and writer David Byrne


Magkaroon ng open auditions para sa musical na Here Lies Love na hango sa buhay ng former Philippine First Lady Imelda Romualdez-Marcos.

Isa itong 85-minute musical na sinulat nila David Byrne and Fatboy Slim.

Magaganap ang auditions hanggang July 6 sa Opera Haus at 3657 Bautista Street, Makati City.

Ayon sa Atlantis Theatrical Entertainment Group (ATEG), ang open audition ay part ng casting call para sa bubuksang musical sa new Dorfman Theatre in London sa September 30.

Ang hinahanap ng London production ay mga “actors of various ethnic backgrounds between the ages of 25 to 30 years old. Proficient in the English language and has strong singing voice and can move well on stage.”

Ang mga makakapasa sa audition ay dapat willing to be relocated temporarily to London para sa rehearsals na magsisimula na sa August 18 or August 25.

Ang makakasama sa cast ng musical ay magiging bahagi ng first preview ng naturang musical sa September 20, pati na rin press night on October 13 at sa kabuuan ng musical na magtatapos sa January 8, 2015.

Lahat ng gustong audition ay required na magdala ng kanilang sheet music, resume at photograph.

Magkakaroon din ng one-hour dance call para sa mga makakapasa sa first stage ng audition. Aawit sila ng isang contemporary pop song with an in-house pianist para sa next stage of audition.

Mga nagsiganap na sa musical na Here Lies Love bilang si Imelda at ang babaeng nagpalaki sa kanya na si Estrella Cumpas ay sina Cyndi Lauper, Tori Amos, Martha Wainwright, Kate Pierson, Natalie Merchant, Florence Welch, Allison Moorer and Nellie McKay.

AWARD-WINNING MUSICAL. Originally ay isang concept album ito na produced ni David Bryne at Fatboy Slim. Na-release ito noong 2010 at naging hit ito sa Australia at New York City.

In-adapt ang album into a musical last year at the The Public Theatre in New York City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtamo na ng ilang parangal ang Here Lies Love mula sa Lucille Lortel Awards: Outstanding Director in a Musical for Alex Timbers and Outstanding Lead Actress in a Musical for Ruthie Ann Miles as Imelda Marcos.

Nakatanggap din ng rave reviews ang Here Lies Love mula sa British national newspaper na The Guardian noong mag-stage ito sa New York.

Ayon sa review ni Alexis Soloski: “Those Fatboy Slim beats are infectious and Byrne’s production is designed to leave you in high spirits.

“As Timbers remarked in a recent interview, Imelda 'is the only world leader who comes with her own soundtrack. This is a better one than any former dictator’s wife deserves.'”

Ang titulong “Here Lies Love” ay hango sa isang comment ng former First Lady noong bumisita ito sa Marcos mausoleum in Ilocos Norte kunsaan nakahimlay ang embalmed remains ng former Philippine President Ferdinand E. Marcos.

Gusto raw ni Imelda na iukit ang words na “Here Lies Love” sa kanyang tombstone kapag siya ay namaalam na sa mundo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN