Valerie Concepcion chooses to play Mary Magdalene over Virgin Mary in passion play

by Jerry Olea
Apr 9, 2019
Valerie Concepcion: "Parang mas bagay sa akin si Magdalena. Huwag na tayong mag-pretend. Charot!"
PHOTO/S: Jerry Olea

Rehearsal pa lang ng senakulong Kristo MMXIX nitong Abril 7, Linggo, sa Pinaglabanan Elementary School, San Juan City ay lumagaslas na ang luha ni Valerie Concepcion.

Malaki ba ang bayad sa kanya sa pagganap bilang Maria Magdalena?

“Hindi po. Ano po ito, for the love,” napabungisngis na tugon ni Valerie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Actually, magbibigay naman daw po sila ng pang-gas.

"So, sabi ko naman po, OK lang. Walang problema.

“Kasi siyempre, para naman po ito kay Hesus.”

First time niyang gumanap na Mary Magdalene. Pinangarap ba niyang gumanap na Virgin Mary?

Napabungisngis na naman si Valerie, “Actually, pinapili po ako kung ano ang role ko.

"'Tapos, sabi ko, parang mas bagay sa akin si Magdalena! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Huwag na tayong mag-pretend. Charot! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Ang harot-harot ng halakhak ni Valerie. Parang mas challenging at mas mahirap kung itoka sa kanya ang papel na Birheng Maria.

Continue reading below ↓

“Sabi nga po nila, e, ano... Virgin Coconut Oil daw po, hindi raw po tatalab,” pagbibiro ni Valerie.

“Ha! Ha! Ha! Ha! Joke lang! Joke lang!

“So, yun po, ako po yung nagsabi na parang feeling ko lang po, mas bagay sa akin na gumanap bilang Magdalena, at nag-agree naman si Direk Roni Bertubin.

“Sabi po ni Direk, kung magbi-Virgin Mary naman daw po ako, parang masyado akong bata para maging nanay ni Kirst," pagtukoy niya sa modelong si Kirst Viray, na gaganap bilang Kristo.

Patuloy ni Valerie, “Hopefully, baka po next time, mag-Virgin Mary naman ako. Hindi po natin masabi.”

Nahihirapan ba siyang i-motivate ang sarili para pumasok sa karakter ng isang babaeng bayaran?

“Hindi naman po,” seryosong pakli ni Valerie.

“Normally naman po, sa lahat ng role na ginagampanan ko, inilalagay ko lang yung sarili ko, ‘Paano kaya kung ako ang nasa posisyon nila?’

Continue reading below ↓

“Kaya kanina po, kahit rehearsal pa lang... feeling ko nga po, nagulat si Kirst, kasi umiiyak na ako. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Pagkatinginan po naming ganoon, nanlaki yung mata niya. Parang gusto niyang sabihin, ‘Bakit umiiyak ka na?’ Ha! Ha! Ha! Ha!”

Continue reading below ↓

KIRST AS KRISTO

Kumusta ang hunk model na si Kirst bilang Kristo?

Napangiti si Valerie, “In fairness nga po, I salute Kirst. Kasi, talagang makikita mo po sa kanya yung passion niya.

“Na parang gustung-gusto niyang matuto, na magawa niya nang maayos ang trabaho niya.

“Nakakabilib po. Kasi iyong dedication niya, ibang klase.

“Sabi nga niya, model-model lang siya noon. Ngayon lang daw siya umaarte-arte, kaya kinakabahan daw po siya.

“Pero magaling po siya, e. Natural na natural po siya sa pag-arte.”

DECEMBER WEDDING

Catholic si Valerie, pero ang fiancé niyang si Francis Sunga ay Christian.

August 2018 nang mabalita ang kanilang engagement, at sa Disyembre2019 ay ikakasal na sila.

Hindi pa raw alam ni Francis na gaganap siyang Magdalena.

Iimbitahan ba niya itong manood ng senakulo sa Abril 10, Miyerkules, 7:00 PM sa Tanghalan ng Masa, San Juan City?

“Hindi po siya makakanood. Kasi, taga-Guam po siya,” sambit ni Valerie.

Continue reading below ↓

“Actually, noong una, tinanong ko po siya kung makakauwi po ba siya para makanood ng play, ganyan.

“E, hindi raw po siya makakapag-leave sa trabaho. So, ako na lang po ang pupunta roon sa Holy Week.”

Pagkatapos ng kasal nila sa Disyembre, hindi pa masabi ni Valerie kung babalik pa siya sa showbiz, o mananatili na sa Guam sa piling ni Francis.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Valerie Concepcion: "Parang mas bagay sa akin si Magdalena. Huwag na tayong mag-pretend. Charot!"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results