Arman Ferrer reunites with Shiela Valderrama-Martinez in rerun of Binondo

by Rommel Gonzales
May 2, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

Halos patapos na ang mediacon ng Binondo: A Tsinoy Musical nang dumating si Arman Ferrer.

Galing Dubai ang binata at mula sa airport ay dumiretso siya mediacon.

“Kaka-landing ko lang kanina!” natawang sambit ni Arman nitong Abril 30, Martes, sa Theatre Café ng The Theatre ng Solaire Resort & Casino, Parañaque City.

Ano ang ginawa niya sa Dubai?

“Kumanta, for Tourism, to promote Filipinos. Wooo!

"I arrived Saturday evening, performed Sunday evening, left Monday evening."

Siyempre, excited si Arman sa bagong run ng Binondo: A Tsinoy Musical sa July 12 (8 P.M. Gala), July 13 (3 P.M. & 8 P.M.) at July 14 (3 P.M.) doon pa rin sa The Theatre ng Solaire.

Sila ni Shiela Valderrama-Martinez ang mga bida sa rerun ng Binondo.

Ang alam ni Arman ay apat na performances lang ito, kaya wala na silang ka-alternate.

Mas gusto ba ni Arman na wala siyang kahalili at solo niya ang role/performance?

Continue reading below ↓

“Okay lang kahit meron o wala.

"Kasi, with alternates naman, it doesn’t mean naman na pag may alternates ka, mas may pressure.

“It’s more of nasa sarili mo pa rin naman yun, e.

“It’s your work, it’s your craft. So, no need to be pressured when you have an alternate.

"It’s just that, it’s very personal, and then it’s still your job and your craft.”

TOGETHER AGAIN

Nagtambal na sina Arman at Shiela musical play na Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag (2007), kung saan si Joel Lamangan din ang direktor, at si Douglas Nierras din ang choreographer.

“Kaya nga sobrang excited ako na si Shiela ulit, kasi madali na.

"'Tapos, meron na kaming chemistry together.

“So, noong unang sinabi sa amin na we’re doing Binondo again, and then sinabi na kami yung tandem, it’s sobrang easy to say yes!”

Continue reading below ↓

May pa-abs si Arman sa Binondo: A Tsinoy Musical last year. This year ba ay may shirtless scenes din si Arman?

“Sana i-cut!” at tumawa si Arman. “Pero feeling ko, hindi yun ika-cut, feeling ko.”

Paghahandaan iyon ni Arman. Regular mag-workout si Arman sa gym.

May kissing scenes din sila ni Shiela sa play.

“Parang every time po na may kanta, ang period [ending], halik!” at tumawa muli si Arman.

Walang ilangan kahit may kissing scenes sila ni Sheila.

Kung gagawing pelikula ang Binondo at sila rin ang mga gaganap ay papayag sina Arman at Shiela.

“Game, game yun!” bulalas ni Arman.

Kung hindi sila ang gaganap at hindi gagawing musical ang film version, ang choices nina Arman at Shiela ay sina Enrique Gil at Liza Soberano.

Napanood ni Arman ang Alone/Together na Valentine movie ng LizQuen.

Ang rerun ng Binondo ay handog ng Maritess Alava-Yong Foundation.

Continue reading below ↓

Maliban kina Arman at Shiela, nasa cast din sina Noel Rayos (bilang Carlos), Mariella Laurel (bilang Jasmine), Ima Castro (bilang Mrs. Dela Rosa), Ashley Mickaela Factor (bilang Rubi), Dondi Ong (bilang Mr. Chua), Kay Balajadia (bilang Mrs. Chua), Jennifer dela Cruz (bilang Lourdes), Elizabeth Chua (bilang Mrs. Zhang), Russell Magno (bilang Mr. Zhang), Jonel Mojica (bilang Ge Lao), at Philip Deles (bilangSwing).

Sina Jim Pebangco, Lorenz Martinez, Khalil Kaimo, Rhapsody Li, at Ellrica Laguardia ang bumubuo sa Koro.

Ang Binondo ay orihinal na istorya ni Rebecca Chuaunsu.

Sina Ricky Lee, Gershom Chua, at Eljay Castro Deldoc ang bumuo ng Book & Lyrics.

Para sa tikets, tumawag sa Ticketworld, 891-9999.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results