Kapuso hunk Derrick Monasterio transforms into musical actor via Rak of Aegis

by Glenn Regondola
Jul 4, 2019
Derrick Monasterio on playing Tolits in Rak of Aegis: "Sa tingin ko naman, nagawan ko siya ng sarili kong emosyon at interpretation. Natutuwa naman yung mga direktor, kaya ang feeling ko, may nagagawa naman akong maganda."
PHOTO/S: Twitter

Nanganganay si Derrick Monasterio sa musical na Rak of Aegis.

“Well, noong una po talaga... may tiwala naman ako sa sarili ko pagdating sa singing, pero pagdating doon, wow, ako pala ang hindi pinakamagaling doon!” bulalas ng young actor-singer sa blogcon ng Rak of Aegis noong Hunyo 28, Biyernes, sa Music 21, Quezon City.

“Lahat sila, talagang magagaling at mga seasoned actors and singers. So, for me, ang hirap humabol.

“Like, yung iba, nagkaroon na ng run before, so familiar na sila sa play.

“Ako naman yung naghahabol, at mahirap, pero at the same time nakakatuwa.

"Kasi, alam mo naman na gina-guide nila ako, at inaalagaan nila ako."

Mapapanood ang Rak of Aegis simula ngayong Hulyo 5, Biyernes, pero si Derrick ay sa Hulyo 12 pa matutunghayan.

SONGS OF AEGIS

Pamilyar si Derrick sa mga kanta ng Aegis, pero mahirap daw para sa kanya dahil halos puro pambabae ang mga iyon.

Continue reading below ↓

Aniya, “Yes, nagulat ako na may mga song na iba na pambabae, parang tina-transpose nila para maging panlalaki.

“Kasi, I’m gonna sing a couple of songs na kinakakanta ng babae, pero naka-tranpose sa key ko.

“Ang maganda roon, magaganda ang songs nila. May songs na ngayon ko lang nalalaman, at ganoon pala.”

Na-meet na ba niya ang members ng Aegis? Paano siya naghahanda para sa kanyang character sa play na ito?

“Hindi ko pa na-meet ang members ng Aegis, pero napapanood ko sila sa YouTube... yung live performances nila.

“Lalo na yung live performances ng mga song nila na kakantahin ko, para alam ko kung paano ginawa.

“Kasi sila yung pinaka-basis, e. Sila yung pinaka-original.

"So, from them, ako na ang gagawa ng sarili kong version.

"So, kailangan kong panoorin."

Kuwento pa ni Derrickm, “First time kahapon na mag-rehearse na nasa stage talaga, sa set.

Continue reading below ↓

“Kasi, lagi kaming nasa room, so nakakapanibago.

“Malikot kasi ako kapag nasa room, pero noong nasa stage na, parang ang hirap gumalaw. Kasi, maraming factors.”

THE NEW TOLITS

Ang character ni Derrick sa Rak of Aegis ay si Tolits, ang suitor ng lead character na si Aileen.

Kumusta ang pananaw niya sa role niya?

Saad ng 23-year-old hunky actor, “Ang taas! Dati naman daw, hindi siya ganoon kataas, pero yung mga dating Tolits daw, competitive. Ginagawan nila ng sarili nilang version.

“So, umabot na sa iyon na talaga ang pinapagawa sa bagong Tolits—yung mga ginawa nila.

“So, okey lang daw kung i-elevate pa nang konti. So, yun ang challenge sa akin.

“Sa tingin ko naman, nagawan ko siya ng sarili kong emosyon at interpretation.

“Natutuwa naman yung mga direktor, kaya ang feeling ko, may nagagawa naman akong maganda.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derrick Monasterio on playing Tolits in Rak of Aegis: "Sa tingin ko naman, nagawan ko siya ng sarili kong emosyon at interpretation. Natutuwa naman yung mga direktor, kaya ang feeling ko, may nagagawa naman akong maganda."
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results