Ryan Cayabyab bags Ramon Magsaysay Award

by Jet Hitosis
Aug 2, 2019

Kabilang ang National Artist na si Ryan Cayabyab sa limang gagawaran ng prestihiyosong Ramon Magsaysay Award ngayong taon.

Ang 65-anyos na si Maestro Ryan ang kaisa-isang Pilipino na napahanay sa 2019 Ramon Magsaysay awardees.

Kasama niyang pararangalan sina Kim Jong-ki ng South Korea, Ko Swe Sin ng Myanmar, kapwa journalists; Ravish Kumar ng India, at Angkhana Neelapajiit ng Thailand.

Sa pahayag sa website ng Ramon Magsaysay Award Foundation, sinabing “In electing Raymundo Pujante Cayabyab to receive the 2019 Ramon Magsaysay Award, the board of trustees recognizes his compositions and performances that have defined and inspired Filipino popular music across generations; his indomitable, undeterred confidence to selflessly seek, mentor and promote young Filipino musical genius for the global stage; and his showing us all that music can indeed instill pride and joy, and unify people across the many barriers that divide them.”

Ito ang bagong pagkilalang tatanggapin ng tinagurian ding Mr. C. ilang buwan makaraang ma-confer bilang National Artist for Music noong October 2018.

Continue reading below ↓

DECADES OF CREATING MUSIC

Ayon pa sa artikulo sa website ng foundation, huling bahagi ng 1970s nang simulan ni Maestro Ryan ang paglikha ng mga kanta.

Taong 1978 naman nang nasungkit ng komposisyon niyang "Kay Ganda ng Ating Musika"—na interpreted ni Hajji Alejandro—ang grand prize sa unang Metro Manila Popular Music Festival, at nanalo rin sa isang international song festival sa South Korea nang taong iyon.

Si Maestro Ryan din ang presidente ng The Music School of Ryan Cayabyab at naging propesor sa Department of Composition and Music Theory sa University of the Philippines Diliman.

Ang Ramon Magsaysay awarding ceremonies ay sa August 31, na nagkataong petsa rin ng fundraising concert ng ilang kilalang Pinoy performers para sa multi-awarded composer, na nagdiriwang ng 40 taong anibersaryo sa music industry ngayong 2019.

Kabilang sina Kuh Ledesma at Basil Valdez sa mga kumpirmadong magtatanghal sa MaestroRy: A Tribute to Ryan Cayabyab sa Theatre at Solaire, ayon sa ulat ng news.abs-cbn.com.

Continue reading below ↓

IN HONOR OF ONE GREAT LEADER

Sinimulan noong 1957, taun-taong iginagawad ng board of trustees ng foundation ang Ramon Magsaysay Award sa “outstanding men, women and organizations whose selfless service has offered their societies, Asia, and the world successful solutions to some of the most intractable problems of human development."

Tatanggap ang awardees ng gold medallion na may embossed image ni dating Pangulong Ramon Magsaysay, at certificate.

Tuwing August 31 idinadaos ang awarding ceremonies, kasabay ng paggunita sa birth anniversary ng dating presidente.

Ikatlong namuno sa Pilipinas pagkatapos ng World War II, nahalal si Magsaysay noong December 30, 1953 hanggang sa masawi makaraang bumagsak sa Cebu ang sinasakyang eroplano, noong March 17, 1957.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Artist for Music Ryan Cayabyab is among the 2019 Ramon Magsaysay Awardees.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results