Aicelle Santos says portraying Elsa in Himala is harder than Gigi in Miss Saigon

by Ruel J. Mendoza
Sep 13, 2019
Aicelle Santos on playing Elsa in Himala: Isang Musikal: “With or without the alternate, it’s hard to portray Elsa. You take it day by day. It’s the same work. You give the same amount of effort and energy you gave the other day.”
PHOTO/S: Aicelle Santos Instagram

Muling gagampanan ng Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos ang papel na Elsa sa restaging ng Himala: Isang Musikal sa September 20, sa Power Mac Center Spotlight Theater, Circuit Makati.

Ipinost ito ni Aicelle sa kanyang Instagram account:

“Walang Himala! Walang Himala! Ang Himala ay nasa puso ng tao!" - Elsa

“Magbubukas na sa Sept 20 sa Power Mac Center Spotlight, Circuit Makati! Get your tickets at Ticketworld.

“For Sep 28 8pm show call 09669925765or 09086921740. See you soon.”

Continue reading below ↓

Unang paglabas ni Aicelle bilang Elsa sa naturang musical ay noong February 2018.

Nabalitaan ni Aicelle ang restaging ng Himala habang ginagawa niya ang Miss Saigon sa United Kingdom.

Nagbalik sa alaala ni Aicelle ang pag-audition niya para sa Himala.

Inamin niyang hindi pa niya napanood ang film version nitong pinagbidahan ni Superstar Nora Aunor.

Pahayag niya, “I know it’s Nora Aunor. Familiar ako sa line na ‘Walang himala.’

"But I don’t want to really watch the movie before doing the musical.

"That way, I don’t copy and I can detach myself from the character.”

Ang pagganap na Elsa ang isa sa pinakamahirap na role na ginampanan ni Aicelle sa entablado. Kaya sa restaging ng Himala, may ka-alternate na siya—si Celine Fabie.

Ayon kay Aicelle, “Elsa is a complex character. She’s innocent.

"When you hear Elsa say, ‘Nakita ko ang Birhen!’ and told everyone about it in Barrio Cupang, the setting of the musical, she is convincing.

Continue reading below ↓

“With or without the alternate, it’s hard to portray Elsa.

"You take it day by day. It’s the same work.

"You give the same amount of effort and energy you gave the other day.”

Kumpara sa pagganap niya bilang Gigi Van Tranh sa Miss Saigon, mas mahirap daw ang gumanap na Elsa.

“It’s harder to play Elsa, more than playing Gigi in Miss Saigon.

"If I were Kim, I will also have a different answer.”

Ikinatuwa ni Aicelle na napanood ni Nora ang performance niya sa Himala noong nakaraang taon.

“She watched and I was freaking out when I learned she was in the audience.

"She was very gracious. She hugged everyone after our performance.

"She was really nice. To think she is the Superstar."

Para sa kanyang pagganap sa Himala, nagwagi si Aicelle bilang Outstanding Female Lead Performance in a Musical sa 11th Philstage Gawad Buhay Awards.

Continue reading below ↓

Ang Himala: Isang Musikal ay base sa award-winning 1982 film directed by Ishmael Bernal, written by Ricky Lee, and produced by the Experimental Cinema of the Philippines (ECP).

Kuwento ito ng isang barrio lass na si Elsa na nagsimulang manggamot ng mga kababaryo niya pagkatapos makita ang imahe ng Birheng Maria.

Naging official entry ang Himala sa 1982 Metro Manila Film Festival kunsaan nanalo ito ng 9 awards, including best picture and best actress for Nora Aunor.

Napili rin ang Himala bilang opening film para sa 1983 Manila International Film Festival.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aicelle Santos on playing Elsa in Himala: Isang Musikal: “With or without the alternate, it’s hard to portray Elsa. You take it day by day. It’s the same work. You give the same amount of effort and energy you gave the other day.”
PHOTO/S: Aicelle Santos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results