Ynez Veneracion proud of her 2 Aliw Awards trophies for Best Crossover Performer

by Arniel C. Serato
Dec 27, 2019
Ynez Veneracion dedicates Aliw Awards' Best Crossover Performer award to actress Sylvia Sanchez and daughter Princess Keilah Del Rosario: "Lahat ng mga awards na nakuha ko this year para yun kay ate Sylvia Sanchez at sa anak ko. Sila ang nag silbing inspirasyon ko para magawa lahat ‘to."
PHOTO/S: Courtesy: Ynez Veneracion on Facebook

Hanggang ngayon ay parang nasa cloud nine pa rin ang pakiramdam ni Ynez Veneracion sa pagkapanalo niya bilang Best Crossover Performer (Female) ng Aliw Awards 2019.

Ang naturang award ay iginagawad sa mga personalidad na bukod sa pag-arte ay marunong ding kumanta, sumayaw, at mag-host.

Naka-tie ni Ynez sa nasabing award ang opera singer na si Jade Riccio. Idinaos ang awards night noong December 17, 2019 sa Manila Hotel.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Ynez sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, December 27, sa pamamagitan ng Facebook messenger, “Actually, next year iniisip ko nga kung ano pa yung bago na puwede kong gawin na maipapakita sa kanila na kaya ko din.

“I am thinking about hosting naman though I tried it before pero I can say na hindi pa ako ganun kahasa sa hosting kaya kailangan pa pag-aralan mabuti or maybe I will try to learn the hoops exhibition production.

“Aerial siya medyo mahirap pero kakayanin ko naman.”

Masaya si Ynez dahil pangalawang award na niya ito ngayong taon.

Una na siyang nanalo bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang Jesusa sa Subic Bay International Film Festival noong June 24, 2019.

Dagdag pa niya, bonus na ang kanyang pagkapanalo dahil nominasyon pa lamang ay parang panalo na din siya.

Saad niya, “Being nominated is already a winner, bonus na lang talaga ‘pag nanalo ka.

Continue reading below ↓

“Kasi ang daming magagaling pero para mapansin ka, it’s really something special at ang saya na kahit papaano, e, nakikita yung ibang talento ko hindi lang sa pag-arte kundi sa pagsayaw at pagkanta din.”

Malaki ang pasalamat ni Ynez sa ilang taong naging bahagi ng kanyang maningning na 2019.

Sabi niya, “Sobrang saya at sobrang pasalamat ako sa bumubuo ng Aliw especially kila Ma'am Alice Reyes at direk Njel De Mesa dahil napansin nila ang talent ko.

“Nung nag-speech ako nanginig lang naman ang tuhod ko.

“Actually, nanalo na ako sa kanila last 2017 same category.

“So parang 1 or 2 awards na lang yata Hall of Fame na same category.

“Kaya this year kailangan ko magpakita ng bago na kaya ko din gawin baka sakali ma-nominate ulit.”

Ang mga panalong ito daw niya ay malaking ambag sa kanyang karera bilang artista sa industriya.

Sabi pa niya, “Well, winning is somehow a validation of your worth in the industry.

Continue reading below ↓

"It also serves as an inspiration to improve yourself further."

Dagdag pa niya, “Lahat ng mga awards na nakuha ko this year para yun kay Ate Sylvia Sanchez at sa anak ko, si Princess Keilah [Del Rosario].

“Sila ang nag silbing inspirasyon ko para magawa lahat ‘to.

“Sobra ang pasalamat ko kay Ate Ibyang [Sylvia] at sa Powerhouse Arte Inc. dahil sa suporta at guidance nila sa akin.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ynez Veneracion dedicates Aliw Awards' Best Crossover Performer award to actress Sylvia Sanchez and daughter Princess Keilah Del Rosario: "Lahat ng mga awards na nakuha ko this year para yun kay ate Sylvia Sanchez at sa anak ko. Sila ang nag silbing inspirasyon ko para magawa lahat ‘to."
PHOTO/S: Courtesy: Ynez Veneracion on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results