Christian Bautista did not expect Best Actor nomination at Aliw Awards 2014

Christian Bautista is nominated for Best Actor at the 2014 Aliw Awards for playing the lead role in Ghost. "Nagulat ako na pleasantly surprised na yung pinaghirapan namin na acting piece in the musical na Ghost, talagang merong fruit."



Hindi makapaniwala si Christian Bautista nang una nitong matanggap ang balitang nominado siya bilang Best Actor sa isang musical play sa 2014 Aliw Awards. Gumanap si Christian bilang si Sam Wheat sa musical na Ghost.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Christian sa press launch ng kanyang album na Soundtrack na ginanap kanina, November 20, sa Livestock Restaurant sa Quezon City.

Unang reaksiyon ni Christian, “Parang, ‘Totoo ba ‘to?’ parang ganun!”

Dagdag pa niya, “Nagulat ako na pleasantly surprised na yung pinaghirapan namin na acting piece in the musical na Ghost, talagang merong fruit.

“So I thank Cris Villongco kasi she’s just a great stage partner and she’s doing a soap also.

“Kababalik lang niya e, tapos thank you rin kay Direk Bobby Garcia for that.”

Makakalaban ni Christian para sa award ang ilang mga veteran theater actors kabilang sina Bodgie Pascua (Sandosenang Sapatos) at Leo Valdez (Priscilla, Queen of the Desert). Nominado rin bilang Best Actor sina OJ Mariano (Lorenzo), Patrick Libao (Filipinas 1941), Dio Marco (Obispo Versoza), at Red Concepcion (Priscilla, Queen of the Desert).


Na-pressure ba siya dahil dito?

Sagot ni Christian, “Oo nga, so ewan ko kung mananalo ako pero manominate lang, okay na ako, parang bonus na lang kung manalo ako.

“Pero kung kaliga ko lang sila parang, ‘Wow okay na ako. I did my job well.’

Sa tingin ni Christian, naging maganda naman ang development ng kanyang pag-arte lalo’t nanominate na siya para sa isang acting award. Ngunit nais ng Kapuso star na mas ma-improve pa ang kanyang acting.

“Sana madevelop ko pa talaga nang matindi yung pag-arte no kasi siyempre, I’m more of a natural singer.

“Pero given the chance to act and to dance sa Marian, na-challenge ako.”

Ano naman kaya ang kanyang ginagawa upang mas mapaigi pa ang kanyang pag-arte?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Christian, “Rehearse and workshop and do a lot of projects.

“Accept criticisms and do better, always.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN