Former GMA-7 talent joins ABS-CBN's Tabing Ilog The Musical

by Allan Sancon
Mar 4, 2020
Elyson de Dios (left frame) was discovered in GMA-7's StarStruck Season 6 before being part of ABS-CBN's Tabing Ilog The Musical.
PHOTO/S: Allan Sancon (left frame)

Isang former GMA-7 talent ang kabilang sa cast ng Tabing Ilog The Musical.

After 17 years, magkakaroon ng stage musical adaptation ang hit '90s teen drama ng ABS-CBN, ang Tabing Ilog.

Sina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Patrick Garcia, Paula Peralejo, Paolo Contis, Desiree del Valle, Baron Geisler, at Jodi Sta. Maria ang mga bida ng naturang teleserye na pinalabas mula 1999-2003.

Sa press conference para sa kauna-unahang stage musical ng ABS-CBN ay ipinakilala ang mga bida ng naturang production. Karamihan sa mga ito ay na nagmula sa Star Hunt, mga former housemates ng Pinoy Big Brother: Otso, at mga miyembro ng Filipino idol girl group na MNL48.

Para kay Elyson de Dios, nakatulong ang training na natanggap niya sa kanyang former GMA-7 show bilang preparation dito sa Tabing Ilog The Musical.

Si Elyson ay naging 1st runner-up sa StarStruck Season 6 na pinalabas sa Kapuso network noong 2015.

Sa interview niya sa presscon ng musical, kinuwento ni Elyson: "Dati sa StarStruck, we did theater, we danced. I miss it. Every Friday, may ganun. This is an opportunity to do it again. I'm excited lang.

Continue reading below ↓

"Hindi ako kinabahan. I'm just enjoying this."

Mapapanood ba si Elyson sa isang ABS-CBN teleserye?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"I'm open to theater, TV, kunsaan ibigay ang opportunity ni Lord, open ako dun.

"Tuloy-tuloy na. I hope soon, may teleserye na."

Inamin niya na nag-taping siya sa Liza Soberano-Enrique Gil prime-time series na Make It With You at sa Maalaala Mo Kaya (MMK).

Sino ang tinuturing niyang celebrity crush?

"Crush ko talaga si Kathryn Bernardo. I hope pumunta siya at panoorin ako," natatawang sabi ng former Kapuso star.

MEET THE CAST OF TABING ILOG THE MUSICAL

Ang Tabing Ilog The Musical ay mapapanood mula March 8 to April 26 sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound sa Quezon City.

Narito ang synopsis ng upcoming production: "Tabing Ilog The Musical tells the story of a group of friends who are navigating through adolescence. Eds and Rovic are in love, Badong drives a pedicab for extra income, Corrine likes James, James probably likes someone else, George is back in the Philippines, and Fonzy is drinking lambanog."

Continue reading below ↓

Sina Hanie Jarar, Sky Quizon, at Ian Pangilinan ang gaganap bilang Rovic, ang original character ni John Lloyd Cruz.

Sina Kiara Takahasi, Abi Kassem, at Gab Pangilinan ang mga alternate bilang Eds, na siyang unang ginampanan ni Kaye Abad.

Sina Batit Espiritu at Emjay Sevilla ang napiling gumanap na Badong, ang character ni Paolo Contis.

Sina Gian Wang, Gabby Sarmiento, at Jem Macatuno ang gaganap bilang James, na unang binigyang buhay ni Patrick Garcia.

Sina Elyson de Dios, Argel Saycon, at Vino Malabot ang mga napili bilang Fonzy, na ginampanan noon ni Baron Geisler.

Sina Mia Canton, Belle delos Reyes, at Abby Trinidad ang gaganap bilang George, na siyang unang ginampanan ni Jodi Sta Maria.

Sina Lou Yanong, Missy Quino, at Teetin Villanueva ang mag-a-alternate bilang Corrine, ang original character ni Desiree del Valle.

May new character na idinagdag sa musical version na wala sa TV version. Ito ay si Sammy, ang younger sister ni James. Si Sammy ay gagampanan nina Noel Comia Jr., Brei Binuya, at Lie Reposposa.

Continue reading below ↓

Sa press conference ay nakapanayam namin si Sky Quizon tungkol sa kanyang magiging karakter sa Tabing Ilog The Musical.

Ano ang pakiramdam ng former Pinoy Big Brother: Otso housemate na napili siyang gumanap sa character ni John Lloyd?

Ani Sky, "I watched yung ibang clips nung series kasi parang two years pa lang yata ako noong pinalabas ang Tabing Ilog. It's completely unknown to me pero noong sinabi nila na ire-remake ay pinanuod ko. Yung palang John Lloyd na gagawin ko is such a great honor but pressure kasi syempre John Lloyd yun. Since I was a kid, I looked up to him, kaya kumukuha ako ng inspirasyon sa kanya ngayon how to take on the character at bigyan ang hustisya ang karakter ni Rovic."

Kung manunuod si John Lloyd sa musical play at natiyempuhan na ikaw yung nakasalang as Rovic, anong nararamdaman mo na nasa audience si John Lloyd?

Continue reading below ↓

"Definitely kakabahan but it would be such an honor. Actually ito, even sa college, pag may oral literature na gagawin ko, I really watch John Lloyd clips para pag-aralan yung mga emotions niya, kasi nangungusap yung mata, e. Yun ang gusto ko John Lloyd, and I hope he'll be proud pag napanood niyang ginampanan ko yung role ni Rovic."

May aabangan bang kissing scenes or intimate scenes sa karakter ni Eds (Kaye Abad's character) at ni Rovic?

"Yan ang hindi ko pwedeng i-reveal pero yun ang aabangan for sure kasi it's a story of the teenager. Saka yung mga dating nagmahal sa Tabing Ilog they could revisit and relieve yung experience nila ngayon sa 2020 naman na panahon kung paano nila ma-experience yun."

Continue reading below ↓

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elyson de Dios (left frame) was discovered in GMA-7's StarStruck Season 6 before being part of ABS-CBN's Tabing Ilog The Musical.
PHOTO/S: Allan Sancon (left frame)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results