Joseph Gordon-Levitt showcases "beauty of the Philippines" in short film

Sep 12, 2020
On September 12, 2020, Hollywood actor uploaded the short film The Beauty of the Philippines, which his online creative community hitRECord produced in collaboration with over 60 Filipino artists.
PHOTO/S: Ted Talks / @hitrecordjoe on Instagram / screenshot from Joseph Gordon-Levitt on Facebook

Hindi kaila sa mundo ang ganda ng Pilipinas dahil archipelago itong may white-sand beaches at iba pang natural wonders.

Pero para sa Hollywood actor na si Joseph Gordon-Levitt, ang pinakatumatak sa kanya ay walang iba kundi ang mga Pilipino mismong nakatrabaho.

Ito ay kanyang ibinahagi sa short film na pinamagatang The Beauty of the Philippines, na iprinoduce ng hitRECord, ang kanyang online collaborative media community na may 80,000+ members, na nagko-contribute ng mahigit 1,000 videos, songs, text pieces, at artworks daily

Ini-upload ni Joseph ang video sa kanyang Facebook account noong September 12, 2020.

Ayon sa kanyang caption, ang project ay collaboration ng kanyang kumpanya at mahigit na 60 Filipino artists na miyembro ng kanyang platform.

Aniya, "Really pleased to share The Beauty of the Philippines, the short film that so many of you created!

"Like everything we do on hitRECord, this piece is a true collaboration. Artists from the Philippines contributed thousands of photos and videos to bring other artists' writing and voice acting to life.

Continue reading below ↓

"Wanted to take a moment to say thank you to everyone who contributed."

Personal daw siyang touched and moved: "Your enthusiasm for this project really moved me. So did your talent and creativity.

"The finished piece is such a sweet celebration of a beautiful place and culture. Bravo to everyone who contributed!"

Continue reading below ↓

Bukod sa makukulay na tanawin, ipinakita sa video ang iba't ibang mukha ng mga Pilipino na puno ng ngiti.

Kabilang na rito ang sikat na 103-year-old Kalinga tattoo artist na si Apo Whang-od.

Tampok rin sa short film ang iba't-ibang voice-over artists. Heto ang kanilang spiels: "The most beautiful thing about the Philippines is its people.

Continue reading below ↓

"They find beauty in all things. They will make you feel like you are family, like you are home.

"Wherever you go, you will be surrounded by scenes of spectacle... But it is the people that you will remember most. You will discover how a simple smile from a stranger can change your day.

"In their eyes, you'll find hope and you will be forever changed."

Continue reading below ↓

Noong August 18, ilang linggo bago i-upload ni Joseph ang short film, nanawagan siya sa kanyang Pinoy Facebook followers na magbahagi ng kanilang mga litrato ng Pilipinas sa website ng hitRECord.

Bukod dito, nag-upload rin ang Hollywood actor ng litrato ng dagat sa Donsol, Sorsogon, noong August 13.

Dito, hinakayat ni Joseph ang Filipino writers na magsumite ng maikling storya tungkol sa litrato.

Continue reading below ↓

Ang mga submissions ay gagamitin para isa pa nilang proyektong may pamagat na A Scene From the Philippines: Passport Poem.

Bukod sa Pilipinas, naglabas na rin si Joseph sa kanyang Facebook page ng short film na pinamagatang Lost in Taiwan.

Kasalukuyan rin siyang nangungulekta ng crowdsourced content mula sa South Korea, Poland, Germany, at Argentina.

Continue reading below ↓

Bukod sa pag-arte, abala si Joseph bilang chief operations officer ng hitRECord, kasama ang kanyang co-founders na sina Jared Gellar bilang president at Marke Johnsons bilang creative director.

RECOMMENDED ARTICLES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On September 12, 2020, Hollywood actor uploaded the short film The Beauty of the Philippines, which his online creative community hitRECord produced in collaboration with over 60 Filipino artists.
PHOTO/S: Ted Talks / @hitrecordjoe on Instagram / screenshot from Joseph Gordon-Levitt on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results