Marian Rivera to do first stage play for Tanghalang Ateneo's adaptation of Oedipus Rex

by Nikko Tuazon
Feb 14, 2021
Marian Rivera
GMA-7 Prime-Time Queen Marian Rivera will play the role of Vice President Kreon in Tanghalang Ateneo's modern-day adaptation of Oedipus Rex.
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram / Tanghalang Ateneo

Excited na si Marian Rivera dahil sa unang pagkakataon ay gagawa ang GMA-7 Prime-Time Queen ng proyektong pang-teatro.

Kabilang si Marian sa modern-day adaptation ng Oedipus Rex ng Tanghalang Ateneo.

Ang virtual play na may titulong password: 03d1pu5_R3x ay ididirek ni Ron Capinding.

Video: Kim Justine Gan.

Nitong Martes, February 9, 2021, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian tungkol sa proyektong ito sa Summit Sandwich Sessions, isang digital press conference exclusively para sa Summit Media websites.

Ayon sa Kapuso star, napaisip raw siya bago tanggapin ang theater project nang i-present ito mismo ng kanyang asawa na si Dingdong Dantes.

Si Dingdong ay naging estudyante sa Ateneo High School, at isa si Ron sa mga naging guro nito.

Kuwento ni Marian, "Hindi ko rin alam nung una kung paano ako napasok dito sa teatro na nagmula pa sa Ateneo.

"Bilang niloloko ko nga sila. ‘Ateneo kayo, La Salista ako, e,’ sabi ko.

"Actually, nung si Dong, kinausap niya ako, ‘May big project ang Ateneo, play ito. Ganito yung character.’

Continue reading below ↓

"Ako naman, nung kinukuwento niya sa akin, sabi ko, 'Wow, gawin mo iyan, dad. Kaya mo, iyan!

"Sabi niya, ‘Yun ang masaklap, kasi hindi ako ang gusto nila. Ikaw ang gusto nila.’

"Sabi ko, ‘Ha, sandali lang ha, hihinga muna ako.’ Sabi ko nga, in Tagalog, ako ay naduwag dahil pakiramdam ko ay hindi ko po ito kakayanin dahil teatro.

"Parang salitang teatro pa lang parang, ‘O, sandali lang, medyo kinakabahan ako diyan, parang hindi ko ata kakayanin yan.’"

Ngunit sa bandang huli ay napapayag din siya ni Dingdong matapos nitong makausap si Direk Ron tungkol sa project.

Pagpapatuloy ni Marian, "Hanggang sa sabi sa akin ng asawa ko, ‘Bago ka matakot, bago mo in-entertain yang kaduwagan mo na iyan, kausapin mo muna si Sir Ron sa mga dapat mong malaman.

"Baka pag meron kang mga question na masagot niya, baka mapa-oo ka namin.’

"Sabi ko, ‘Hmmm, sige tignan ko.’ Hanggang sa, finally, na-meet ko si Sir Ron, nag-usap kami at lahat ng tanong ko, nasagot niya. ‘Tapos hanggang sa hindi ako makatulog.

Continue reading below ↓

"Sabi ni Dong, ‘O ano, ano sabihin natin kay Sir Ron? Go ka na o hindi?' 'Bukas sasabihin ko sa iyo.'

"Pinag-isipan ko, napakalaking oportunidad ito para sa akin para hindian ko.

"At masarap minsan china-challenge yung sarili sa mga bagay na hindi mo pa ginagawa at gagawin mo. Bagong pakiramdam ulit yun para sa akin.

"Sabi ko, ‘Walang dahilan para tanggihan ko kaya gusto kong subukan pumasok sa teatero.’ Dun na po nagsimula yun."

MARIAN RIVERA AS VICE PRESIDENT CREON

Ilan sa mga kasama ni Marian sa password: 03d1pu5_R3x ay sina Yan Yuzon, Katski Flores, at ilang mga students ng Ateneo.

Gaganap bilang Vice President Kreon si Marian sa stage play na ito.

Hango ito kay Creon, isang lalaki na namuno sa Thebes, Greece, mula sa original istorya ng Oedipus Rex.

Bahagi ni Marian, "Bagoung-bago po yung karakter nito kasi ako po ay bise presidente.

"Ang karakter ay very firm na babae na may paninindigan. Although, meron din namang pusong mamon sa bandang huli."

Continue reading below ↓

Naging challenging din kay Marian na gampanan ang kanyang karakter, kaya naman nagpapasalamat siya sa tulong ng cast at ni Direk Ron upang magawa niya ito nang maayos.

Aniya, "Ang hirap din para sa akin ng karakter na iyan. Sabi ko, ‘Sir Ron, paano po ba sila maniniwala sa akin na bise presidente ako? Paano po ba iyang karakter na iyan? Paano ko po ba gagawin iyan?’

"Kaya malaking bagay din po na ang kabatuhan ko ng eksena ay si Yani Yuzon na napakahusay din na aktor.

"Naging madali din po para sa akin ang pagganap bilang Kreon dahil sobrang tinulungan niya din po ako kung paano ko dadalhin si Kreon. Sa tulong din po niya."

Dagdag ni Marian, "Iniintindi ko mabuti yung character ni Kreon at saka at the same time, minemorize ko yung karakter niya, yung mga linya niya.

"'Tapos kapag may question ako kahit wala kaming rehearsal ni Sir Ron, naisip ko lang, ite-text ko si Sir Ron.

Continue reading below ↓

"‘Sir Ron, paano po ba ito? Tama po ba yung ginagawa ko? Ganito po ba iyan?’

"Kumbaga sa madaling salita, ginawa ko yung assignment ko."

Napabilib namain si Direk Ron sa husay ni Marian sa pag-arte.

Malaking advantage daw sa aktres ang malawak nitong karanasan sa telebisyon kaya madali itong naka-pick up sa karakter na gagampanan.

Lahad ni Direk Ron, "After a few instructions, may konti lang mga payo. Yun naman ang meron sila na sanay sila sa quick study."

Absorb na lahat, implement na lahat as soon as you can.

"Kaya nasabi ko, by the second meeting in just two or three days after the first one, ‘Mao-overtake na kayo ni Marian,’ sabi ko sa mga theater actors na kasama namin kahit na kasisimula lang."

Mapapanood ang password: 03d1pu5_R3x sa February 22, 25, at 27 sa presyong PHP150 para sa General Admission at PHP250 naman para sa General Admission na may souvenir program. Makakabili ng ticket para sa virtual play ng Tanghalang Ateneo sa ticket2me.net.

Continue reading below ↓
Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 Prime-Time Queen Marian Rivera will play the role of Vice President Kreon in Tanghalang Ateneo's modern-day adaptation of Oedipus Rex.
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram / Tanghalang Ateneo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results