Matteo Guidicelli shines in the stage play "Pippin"


Matteo Guidicelli, who plays the role of Gian in Kung Fu Kids, showed his thespian skills when he topbilled the stage play Pippin in Brent International School located in Laguna.



Pinanood namin ang stage play ni Matteo Guidicelli noong February 7 sa Brent Theater ng Brent International School sa Mamplasan, Laguna, kung saan nag-aaral ang Star Magic talent.

Rebelasyon para sa amin si Matteo dahil hindi namin akalain na mahusay na stage actor ang champion karter/commercial model at Kung Fu Kids mainstay.

May pamagat na Pippin (presented by Brent International School Manila), bida si Matteo sa naturang play na kung saan bukod sa umarte ng walang cut na hindi tulad sa isang taping or shooting, nag-deliver ng mahahabang dialogues si Matteo at kumanta ng live.

Kinailangan ring lagyan ng body make-up si Matteo dahil mestiso ito at bumagay naman sa kanya ang tanned look niya.

Puno ang theater nang nanood kami ng naturang musical play na first major lead role ni Matteo sa larangang ito.

Very hunky na si Matteo bunga ng pagdyi-gym niya regularly sa bahay nila mismo. Kumuha rin siya ng voice lessons in preparation for the play (although dati na rin siyang may voice training) na tatlong gabing tatakbo sa Brent Theater.

Bukod sa February 7 staging of the play, meron ring play dates ang Pippin noong February 8 at February 9.

Ang iba pang plays na ginawa ni Matteo dati para sa Brent ay The Bald Soprano, Creepy Corpse of Cal Capone, The Boor at ang The Quackling. Ang Pippin naman ang first major role niya.

All-out ang support kay Matteo ng kanyang manager na si Joji Dingcong na sa first night ng play ay kasamang nanood ang mga talents niyang members ng grupong Kitty Girls, at ang boy band na Showboys. Isa sa miyembro ng naturang grupo ay si Bruno Folster na co-model ni Matteo at mainstay ng SOP Rules at nagkaroon ng guest role sa Marimar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN