Will LJ Reyes invite Paulo Avelino to watch her first stage play?

LJ Reyes is cast as a Spanish señora in the stage play Juego de Peligro. She says about her character: "Ang loob ko, parang sumasabog parati."



Sa unang pagkakataon ay gaganap sa entablado ang GMA-7 actress na si LJ Reyes.

Ito ay sa dulang Juego de Peligro (Dangerous Liaisons) na magsisimula sa February 20 sa Tanghalang Aurelio Tolentino (Little Theater) ng Cultural Center of the Philippines.

Ano ang nag-udyok kay LJ upang tanggapin ang alok ng Tanghalang Pilipino para subukan ang teatro, matapos ang ilang taon niyang pag-arte sa telebisyon at pelikula?

Ayon sa alumna ng StarStruck (Batch 4), "I've been wanting to try theater talaga. As an actor, siyempre, kailangang ma-explore mo rin ang iba't ibang medium..."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ bago simulan ang mini-show at presscon ng dula sa Aristocrat Restaurant sa Maynila.

"Actually, matagal na po talaga akong ini-invite ni Tata Nanding Josef, [TP Artistic Director], and I also have some friends na nasa theater, na nag-i-invite din sa akin.

"Kaso, hindi po talaga matiyempuhan yung schedule.

"So, itong Juego de Peligro, last year, December pa lang, nag-send na si Tata Nanding ng schedule at script.

"Tapos, yun, pinayagan naman ako [ng GMA]..." lahad ng Kapuso actress.

Kasalukuyang bahagi si LJ ng teleseryeng Yagit, na kasalukuyang umeere sa GMA.

"Extended kami until April [Book 2], so, thank you, Lord!" sambit ni LJ.

Pero noong December din, may rehearsals at shoot na sinimulan at tinapos si LJ, para sa indie film na Anino Sa Likod Ng Buwan ng direktor na si Jun Lana.

"Nu'ng December, ang rehearsals ko ay para sa Anino... with Direk Jun Lana.

"We finished the shoot last January 2. Ang matagal lang po doon ay yung rehearsals.

"Pero yung shoot po namin, five days lang. Natapos kami by January 2.

"Late January po kami ng-start [ng rehearsals] for Juego de Peligro.

"Up to now, nagre-rehearse pa po kami, madami pa pong adjustments."



WORKING WITH VETERANS AND NEWBIES. Ang Juego de Peligro ay isang adaptation mula sa classic French epistolary novel Les Liaisons Dangereuses ni Pierre Chordelos de Lacios.

Bilang pelikulang Hollywood, naging popular adaptation din ng nobela ang Dangerous Liaisons (1988) ni Stephen Frears na pinagbidahan nina Glenn Close, John Malkovich, at Michelle Pfeiffer.

Tumutukoy ang kuwento sa tunggalian sa pag-ibig ng mga magkakaibang uri sa lipunan, na ang matataas at makapangyarihang naghaharing uri ay nagmamanipula sa damdamin at pag-iibigan ng "mas mababang" uri na nasa ilalim ng kanilang kapangyarihan.

Ang Filipino Theater adaptation ay mula sa panulat ni Elmer Gatchalian at sa direksiyon ni Tuxs Rutaquio.

Kasamang gumaganap ni LJ Reyes sa Juego de Peligro sina Shamaine Centenera Buencamino at Arnold Reyes, sa papel ng makapangyarihang sina Senyora Margarita at Senor Vicente. Kasama rin sa play sina Vin Abrenica and Lharbie Policarpio, bilang alternates sa papel ni Daniel, isang Indio.

Bukod sa kanila, mayroon ding theater actors na kilala sa nasabing larangan, na gaganap sa mahahalagang papel, tulad nina Adrienne Vergara, ang birheng si Cecilia na iibig kay Daniel; at Jonathan Tadioan ng Tanghalang Pilipino Actors Company.

Paano nag-adjust si LJ Reyes sa mga pangangailangan ng tanghalan?

"Alam ko naman po yung difference nila [film/TV at theater], bilang medium.

"Pero, siyempre, ikaw na po yung gagalaw, minsan hindi ka pa sanay.

"Ang nangyari, nung start ng rehearsals, first day, ino-observe ko talaga sila, lalo na si Ms. Shamaine... kung paano sila during rehearsals; tapos, kapag nakasalang na kami, tinitingnan ko yung galaw nila.

"Nagtatanong din po ako kay Direk Tuxs, sabi ko, 'Direk, sabihin mo lang sa akin kung mayroon akong maling ginagawa, kasi first time ko talaga...'"



ADJUSTING TO HER CHARACTER SENORA TERESA. Bilang isang Spanish Señora Teresa noong ika-19 na siglo, isang konserbatibo at relihiyosang babae ang character na gagampanan ni LJ.

Marami siyang highly dramatic moments, especially with Arnold Reyes, who plays the manipulative Señor Vicente.

Sa pagsasadula ng ilang piling tagpo (excerpts), bago ganapin ang presscon, naipakita ni LJ Reyes ang sample ng pagganap sa entablado na buong husay niyang ginampanan, kasama si Arnold.

Ibang iba ang pag-atake niya, bilang aktres, gamit ang iba't ibang bahagi ng katawan.

"Although yung character ko, hindi siya masyadong puwedeng gumalaw," LJ shared.

Mataas din ang kanyang boses, mula sa pagda-dialogue nang malumanay hanggang sa pagsigaw; mula sa mga impit na pagdaing hanggang sa pagpalahaw ng iyak at hagulgol.

"Masalita [ang character]... medyo tricky nga po talaga ang batuhan namin ng salita ni Arnold.

"So, medyo challenging for the both of us," wika rin ni LJ.

Dagdag ni LJ, "Madali namang kilalanin ang character ko, e.

"Hindi siya very foreign sa akin. Ang talagang kailangang aralin lang... iba kasi yung panahon niya.

"So, kung ano yung culture that time, talagang nagre-research kami.

"Senora Teresa is very conservative and has high moral values.

"So, ang loob ko, parang sumasabog parati. Ganoon yung pakiramdam.

"I mean, hindi siya physical o loud. Yung emotions ko, more of parang sasabog lagi ang dibdib; tuwing papasok ako [sa eksena], medyo mabigat yung emotions.

"Kaya challenging talaga siya sa akin."




ON PAULO AVELINO AND SON, AKI. Iimbitahan ba ni LJ na manood ng una niyang dula ang ex-boyfriend na si Paulo Avelino?

"Ahhh... hindi na siguro!" natawa nang bahagya si LJ.

Bakit naman? Isn't she proud of the play and want to share the experience with Paulo?

"Hindi naman... hindi naman kami masyadong nag-uusap," matapat na saad ng aktres.

"We only talk when it's concerning the child," sabi pa ni LJ.

She's referring to their son, Ethan Akio (nicknamed Aki), four years old.

Nang kumustahin ng PEP si Aki kay LJ ay natuwa uli ang actress-mom.

"Very good... very good! He's doing good!" sambit ni LJ.

Ayon pa sa kanya, nasa prep school na si Aki, at may yaya ito, na katulong niya sa pag-aalaga.

Sa kaabalahan niya bilang aktres, sa magkakaibang medium, nakakamanghang natutugunan ni LJ Reyes ang lahat ng pangangailangan ng kanyang career (with a new contract signed recently, with GMA Network) at pagpapalaki sa anak, bilang single parent.

"Thank you, Lord... time management lang," huling sambit ni LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN