Senator Risa Hontiveros babalikan ang first love kahit lola na siya

by KC Cordero
Aug 17, 2021
Babalikan ni Senator Risa Hontiveros sa pagiging aktibo sa teatro at musika kapag wala na siya sa pulitika. Photos courtesy of Sen. Risa Hontiveros's IG

Bago nakilala si Risa Hontiveros sa larangan ng pulitiko ay pinasok muna nito ang mundo ng teatro.

Sa ginanap na Summit Sandwich Sessions noong July 21, 2021 kung saan special guest si ang senadora, tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagganap niya bilang isa sa Von Trapp children sa Repertory Philippines’ 1980 staging ng The Sound of Music.

Matatandaang noong November 15, 2020, ay nag-upload pa si Senator Risa sa YouTube ng kanilang virtual reunion at inawit nila ang “Paraiso” ni Maestro Ryan Cayabyab bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Day of the Poor.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Senator Risa, “Yes, now we are more regularly in touch again.

“Lalo na pagkatapos naming mag-cover ng 'Paraiso' ng Smokey Mountain last year na World Day of the Poor o pobre, mas regularly in touch na kami.

“May chat group kami. Kaming walo na gumanap. Ang pangalan ng aming group ay Von Trapp siblings.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, wala rin silang pinalalampas na okasyon na hindi kinukumusta ang isa’t isa.

“Nagbabatian kami tuwing may birthday, Pasko... Moral support kay Menchu Lauchengco noong nag-conceptualize at nag-direct siya ng isang online concert ni Miss Nadine Lustre.

“'Tapos nitong huli, noong namatay si Tita Baby Barredo, si Celia Diaz Laurel, so nagbabalitaan din kami tungkol doon.”

Si Barredo ay co-founder ng Repertory Philippines habang si Laurel ay isang theater stage icon.

TEATRO AT MUSIKA ANG FIRST LOVE

Nang tanungin naman siya kung bakit hindi nagtuluy-tuloy sa showbiz, ayon sa senadora, “Actually never ko namang inisip na mag-showbiz. Pero pinangarap ko talagang mag-theatre and music.

“Yun actually ang first love ko bago ko naging love ang aktibismo.”

Gayunpaman, hindi rin umano siya nakapagdire-diretso sa teatro.

“The summer after ng The Sound of Music kung saan kami nagsama-samang lahat, e, parang ano, na-ambush na ako ng aktibismo.”

Continue reading below ↓

Simula rin noon aniya ng senadora ay na-expose na siya sa mga bagay na dapat ipaglaban kaya nai-give up na rin niya ang kanyang pangarap.

Kuwento niya, “Yung summer na iyon, doon ako dinala ni Mommy sa symposium ng Nuclear Free Philippines Coalition.”

May kasunod na sana siyang audition noon after ng Sound of Music.

“Actually that summer naghahanda na akong mag-audition para sa South Pacific, e.

“Yun ang susunod na musical ng Repertory Philippines. Pero hindi na ako nakapag-audition.”

OPEN KAHIT SA LOLA ROLES

Bagamat hindi na umano mawawala sa kanya ang pagiging aktibista, ayon kay Senator Risa ay alam niyang deep in her heart na darating ang time na muli siyang aarte at kakanta sa entablado.

Aniya, “Pag wala na ako sa pulitika—pero life-long activist pa rin—babalik talaga ako sa teatro at musika.

“Kahit lola roles na, haha! So, balak ko na lang, babalikan ko talaga siya.

"Yung mga first love, binabalikan.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Babalikan ni Senator Risa Hontiveros sa pagiging aktibo sa teatro at musika kapag wala na siya sa pulitika. Photos courtesy of Sen. Risa Hontiveros's IG
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results