Aira Bermudez's "kaldagan" video gets 20M views on Tiktok; noticed by Rosie O'Donnell

by Rose Garcia
Sep 4, 2021
Aira Bermudez, 37, has taken Tiktok by storm with her dance version of the River Kaldagan challenge. Even Hollywood star Rosie O'Donnell notices her video.
PHOTO/S: @airabermudez on Instagram

Viral at napansin na rin ng local and Hollywood stars ang TikTok video ni Aira Bermudez.

Umabot na sa mahigit 20 million views at 2 million likes ang kanyang River Kaldagan challenge, kunsaan ang kantang “Like a River” ng Bishop Briggs ang ginawan niya ng version.

Sa Pilipinas, ang version ni Aira ang may pinakamaraming views sa Tiktok ng challenge na ito.

@airabermudez

Kaldag ???? (dc: ctto) ##fypage

? RIVER KALDAGAN CHALLENGE - Jeremiah Custodio

Kuwento ni Aira nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 30, 2021 sa pamamagitan ng Zoom, hindi niya inakala na sobrang maghi-hit ang ini-upload na video sa TikTok.

Aniya, “Yun nga po, not expected kasi yung suot ko po rito, e, talagang naka-gray sweat pants lang ako rito at naka-loose ako na shirts na white. Sa isip ko po kasi noong ginawa ko itong video, may mai-post lang ako.

"Noong ini-upload ko siya, hindi pa siya nag-trend no’ng first day, second day, pero yung mga Filipino followers ko, may mga nagko-comment na ay grabe, ang ganda-ganda nga raw ng video.

Continue reading below ↓

“Tapos nagulat na lang ako na may nagko-comment na sa ibang bansa, usap-usapan na siya, dire-diretso na ang nangyari,” masayang pahayag ni Aira.

Marami Tiktok post about River Kaldagan challenge, pero ang version ni Aira ang nag-trending at ginawan ng duet kahit ng mga celebrities.

Ano sa tingin niya ang dahilan na yung version niya ang nag-trending?

“Very hardcore kasi ang choreography, as in kaldagan,” saad niya.

Ayon sa tagalog.pinoydictionary.net, kaldagan means "to move along with bumps."

Dugtong ni Aira, “Well siguro kaya po magaling akong kumaldag dahil laking Sexbomb po ako. Overused po ang hips ko sa ganyan, masyadong loose. Yun siguro ang isa sa dahilan kaya nabigyan ko ng justice ang choreography.”

@knightandye

##duet with @airabermudez

? RIVER KALDAGAN CHALLENGE - Jeremiah Custodio

DADDY AIRA

Nang dahil sa get-up niya, ang bansag sa kanya ay "Daddy."

Sabi ng 37-year-old celebrity, “Some of the comments na nabasa ko, natutuwa sila na hindi ko kailangang mag-reveal ng katawan para lang mapansin ako do’n sa dance na ginawa ko. 'Tapos, mga ninety percent, mga girls, naging lesbian daw sila the way ko na-handle yung dance wearing gray sweat pants and loose shirts lang. Parang tawag nila sa akin, ‘Daddy.’

Continue reading below ↓

“Daddy ang tawag nila sa aking lahat. Yung mga boys naman na gumawa ng duet ko, ang tawag sa akin ‘Mama.’ Nakakataba po ng puso.”

Bukod sa pagiging viral ng kanyang video, masaya si Aira sa pagkakataong maipakita ang kanyang talent.

Dugtong pa niya, “Sobrang sarap po ng feeling especially sa mga nagki-create at may talent at gusto naming ipakita sa lahat.

“It feels good po to be appreciated naman talaga. Yun naman po ang reward sa amin, and I’m happy na naisi-share ko ang talents ko until now kahit na may pandemic.”

Sa local artists, isa si Pokwang sa nakipag-duet sa Tiktok niya, at nagsabi pa raw ito sa kanya bago ginawa ang naturang video.

“Natuwa kasi si Mama Pokwang,” nakangiting sabi ni Aira.

“Sabi niya, 'Idu-duet koi‘yan ha.' Nagpaalam pa siya. Kasi nakita niya yung gumawa na sobrang havey. Nag-trend sa Tiktok yun, iyong ginugulpi ko na may effect.”

Continue reading below ↓

Mag taga-ibang bansa, pati na rin ang superstar sa Tiktok na isang South Korean na may mahigit 25 million followers, ang nakipag-duet din sa version niya.

Nakipag-duet at tinag rin siya ng American comedienne na si Rosie O’Donell.

“Actually nabasa ko yun paggising ko. Ang sarap ng feeling ng mga ganyan, paggising mo, ‘Uy, alam mo ba na nag-duet si Rosie O’Donell sa iyo?’ Siyempre, kagigising ko lang po. So may I google, Rosie O’Donell, talaga ba?! Hinanap ko na agad yung duet sa akin. Natabunan pala siya. Kasi everyday po, ang daming notification sa akin na sobrang happy ako na mag-open.

Continue reading below ↓

“Nakita ko si Rosie O’Donell, shinare ko nga agad sa manager ko, ‘Nay, ang sarap ng feeling! Kinikilig ako!’ Pag gano’n naman po kasi, hindi lumalaki ang ulo ko. Kinikilig lang at mas ginaganahan pa.”

@rosie

##duet with @airabermudez tried to do this n pulled 3 muscles - ##old

? RIVER KALDAGAN CHALLENGE - Jeremiah Custodio

Ang manager ni Aira ay si Rams David ng Artist Circle.

May mensahe ng pasasalamat si Aira sa lahat ng nag-view, gumawa ng duet, at nagpa-trend sa kanyang TikTok post.

“Thank you so much sa lahat ng patuloy na naniniwala at nagmamahal sa akin,” sabi niya.

“At sa lahat ng naka-appreciate ng aking dance video. Kasi nang dahil sa inyo, mas lalo kong gustong i-push ang sarili ko to create more. Para po mas mapasaya ko kayong lahat.

"At hindi po ako titigil ng paggiling para sa inyo."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aira Bermudez, 37, has taken Tiktok by storm with her dance version of the River Kaldagan challenge. Even Hollywood star Rosie O'Donnell notices her video.
PHOTO/S: @airabermudez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results