Mark Bautista gearing up for stage version of Bituing Walang Ningning

Mark Bautista will reprise the role of Christopher de Leon in the stage version of Bituing Walang Ningning.

 
 



Naghahanda na sa ngayon si Mark Bautista para sa bagong musical play na kanyang gagawin, ang Bituing Walang Ningning. Base ito sa pelikulang pinagbidahan ni Sharon Cuneta noong 1985.

??Next week ang pictorial namin. Nasa proseso kami ng paghahanap sa magpu-portray ng role ni Dorina," ani Mark.


Sa original 1985 movie, ang role ng aspiring singer na si Dorina ay ginampanan ng Megastar na si Sharon. Ang kanyang rival singer na si Lavinia ay ginampanan naman ni Cherie Gil.

??This coming May ito. Sa Resorts World ang venue.

??Si Cris Villonco, siya ang gaganap na Lavinia. Ako naman si Nico [ang papel ni Christopher de Leon sa pelikula].



SEARCH FOR NEW VIVA STAR. Kuwento pa ni Mark, ??Tapos ??yong magpo-portray ng Dorina, hinahanap pa nga namin through auditions.

??Alam mo ang kaibahan nito sa ibang musical na ginawa ko before? kasi para siyang naging reality show na musical.

??First time sa Pilipinas na ang lead role ay? parang nagpapa-contest si Boss Vic [del Rosario ng Viva Films] kung sino ang makukuha niyang bago at gagawin na naman niyang parang another star ng Viva.

??So exciting siya na parang? wow, sino kaya ang makukuha?

??And ??yong Dorina role is really that important. Kasi sa kanya nakasentro ang istorya.

??So? exciting! At saka Tagalog na naman.

??First time kong gumawa ng tagalong na straight play. Na? konti lang ??yong kanta.

??Musical na konti lang ??yong kanta. Tapos may concert ako ng April 17, sa Resorts World pa rin.

??Sarah [Geronimo] will be there. And? surprise guests na lang ??yong iba."

BOOMING CAREER. Happy daw si Mark sa takbo ng career niya ngayon. Bukod sa musical play na Bituing walang Ningning, magsisimula na rin daw siyang mag-record ng kanyang bagong album.

??Pop album siya. Next week ako mag-start ng recording para rito.

??Actually sunod-sunod nga, e. May album, may concert, may musical play.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??Tapos may gagawin din akong movie. Horror film siya actually.

??Wala pang title. And hindi pa ako puwedeng magbigay ng details about it. ??This is under Viva Films.

??Nakagawa na rin ako ngh horror film dati. ??Yong Sundo under GMA Films.

??May gagawin din akong isang episode ng Magpakailanman next week.

"??Yong story ng buhay ni Bunot, ??yong YouTube sensation na parang Michael Bolton ??yong boses na naka-shirtless lagi sa video.??

Sabi pa niya, "Iniisip ko na bihira ang ganitong opportunity na ibinibigay sa akin.

??Kapag nagkamali pa ako rito or hindi ko naibigay ??yong best ko, puwede akong hindi na naman makakuha ng mga gano??ng klaseng projects.

??So ginagawa ko siyang inspirasyon, ??yong mga gano??n.

"Pati na rin ??yong mga pagkakamali ko and the lessons I learned from it.??

BUSY 2015. Maganda talaga ang pasok ng Year of The Wooden Sheep para sa kanya. Kaya nai-inspire daw siyang lalo na pagbutihin ang trabaho.

??Yes!?? nangiting pagsang-ayon ni Mark. ??Itong 2015? the best!??

Noong February 22, ay nakasamang kumanta ni Mark ang mga personalidad ng GMA News and Public Affairs na sina Love Anover, Susan Enriquez, at Mariz Umali. Ito ay sa segment na "Paborito" ng Sunday All Stars.

??Actually, nabitin nga kami,?? nakangiting sabi ng Kapuso actor-singer.

??Parang ang iksi-iksi lang ng part namin. Pero nakakagulat kasi marunong silang lahat kumanta at mag-perform.

??Sabi ko? aba, naghanda! Pinaghandaan!?? sabay tawa ni Mark.

Nag-enjoy daw silang lahat sa nabanggit na segment. Lalo na raw nga si Mark.

??Ang sarap! Lalo na at matagal na akong hindi nakapag-'Paborito.'

??Kaya parang? uy, ang saya! Tapos sila [Mariz, Love, at Susan] ang kasama.

Na nakikita mo lang sila sa news tapos ngayon kumakanta sila kasabay mo.

??Sobrang parang malaking event ??yon sa kanila, nakakatuwa kasi parang bihira nga lang ??yong kumakanta sila sa TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??No??ng rehearsal namin, kinakabahan daw sila. Pero no??ng kumanta na kami, parang wala naman sa kanila.

??Sanay na sanay sila. Feeling ko nag-videoke muna sila nang ilang gabi bago ??yong 'Paborito'!

??Nag-practice muna!?? tawa na naman niya.

ZERO LOVE LIFE. Isa si Mark sa mga celebrities na dumalo sa nakaraang wedding nina Heart Evangelista at Senator Chis Escudero na ginanap sa Balesin Island. Ito na raw bale ang naging parang Valentine??s Day celebration niya.

??February 14 kami dumating do??n. Tapos February 15 ??yong wedding mismo.??

Sino ang nakasama niyang pumunta roon?

??Sister ko,?? matipid na sagot na lang ng actor-singer.

Matagal na panahon nang walang balita sa kanyang lovelife. Zero pa rin?

??Wala nga, e. Dry na dry ano??? sabay ngiti niya.

??E? wala, e. Wala akong mahanap.

??Wala pa. Wala pa sa ngayon so parang nagkataon na parang sobrang ang daming trabahong dumarating.

"Kaya sabi ko? wow. Ii-enjoy ko ito!??

Parang naging pihikan na siya sa pagpili ng liligawan o sunod niyang magiging girlfriend?

??Hindi naman choosy. Kasi minsan hindi mo naman pinipili, dumarating na lang talaga.

??So kung ano ??yong dumating na pabor ka o okey naman sa ??yo? e baka iyon na ??yon talaga.??

"'Di ba mas inspiring sa isang singer o artist na gaya niya kapag may special someone?

??Yes! Totoo ??yan, pero? wala, e.??

Saan siya humuhugot ng inspiration sa ngayon?

??Ang dami. Aside sa pamilya ko, sa trabaho ko, sa mga nangyayari sa career ko.??


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN