Pinoy artist wins highest award in international art exhibition in Italy

by Bernie V. Franco
Nov 8, 2021
Michael Villagante wins award
Filipino visual artist Michael Villagante wins the highest award in the recently concluded XIIIth Florence Biennale 2021 in Florence, Italy. Inset is Michael's painting "Pagtahan."
PHOTO/S: The Santingans (Facebook)

Ginawaran ng Lorenzo il Magnifico Award ang Pinoy visual artist na si Michael Garcia Villagante.

Ito ang highest award sa katatapos lamang na XIIIth Florence Biennale 2021, isang international contemporary art exhibition, at ito rin ang unang pagkakataong nakuha ito ng Pilipinas.

Nagtungo si Michael sa Italy at isinabak ang kanyang obra na pinamagatang "Pagtahan."

Tatlong buwan ang inabot bago natapos ni Michael ang obra niyang ito.

Ang painting niya ay nagpapakita ng pinagdadaanan ng mundo ngayong pandemya, at ang pag-asang matatapos din ito.

Michael Villagante painting

Continue reading below ↓

Ang naturang kumpetisyon ay isang international exhibition of contemporary art and design na ginaganap sa Florence every two years.

Tinatayang higit sa 1,000 art works ang naging entries sa kumpetisyon, na nilahukan ng 500 exhibitors mula sa higit 70 countries.

Ngayong 2021, ginanap ang art competition sa Fortezza da Bassco sa Florence noong October 23-31, 2021.

Ang Florence Biennale ay itinuturing na major international contemporary art and design exhibition sa Florence.

Bukod sa painting, may iba-iba ring artistic categories, gaya ng sculpture, mixed media, ceramic art, textile art, fabric art, jewelry art, at marami pang iba.

Ang sinumang magwawagi sa bawat category ay ginagawaran ng Lorenzo il Magnifico Award.

Samantala, bumuhos naman ang pagbati ng mga kaibigan at netizens sa Facebook page ni Michael, na taga-Caloocan City.

michael villagante

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino visual artist Michael Villagante wins the highest award in the recently concluded XIIIth Florence Biennale 2021 in Florence, Italy. Inset is Michael's painting "Pagtahan."
PHOTO/S: The Santingans (Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results