Pinoy, muling bumida sa Disney Christmas advertorial 2021

4 days ago
Filipino Disney advert
This year's Christmas advertorial from Disney is a sequel to "Lola" (inset), which highlighted Filipino traditions across generations such as the importance of Christmas and value of family.
PHOTO/S: YouTube (Disney UK)

Muling nasa spotlight ang Pinoy sa pinakabagong Disney Christmas advertorial 2021.

Ito ay sequel ng “Lola,” na advertorial ng giant media corporation noong 2020.

Noong nakaraang taon, ipinakita ng "Lola" ang Christmas tradition ng mga Pilipino sa kuwento ng mag-lolang Pilipino na naninirahan sa U.S.

Naging bida rin ang parol na simbolo ng Kapaskuhan sa Pilipinas.

Filipino Disney Christmas

Continue reading below ↓

SEQUEL IN THE 2021 ADVERT

“The Stepdad” ang title ng ini-release na video noong November 3.

Lumaki na ang babaeng apo na bida sa "Lola" at nagkaroon ng dalawang anak.

Umikot ang istorya sa pagkakaroon ng bagong partner ng apo, na siyang naging stepdad.

Ipinakita rito kung paano sinikap ng stepdad na mapalapit at makuha ang loob ng kanyang dalawang stepchildren, na hindi pa rin mabura sa kanilang alaala ang kanilang biological father.

Itinampok din sa video ang pamilya ng stepdad.

Nagnining din ang parol.

Pinoy Disney advert

Continue reading below ↓

At press time, may 1.2 million views na ang video sa YouTube.

Nagpapakita rin ito ng suporta sa Make-A-Wish Foundation, na hinihikayat ang mga batang may sakit na tuparin ng kanilang mga pangarap bilang bahagi ng kanilang healing.

Sinabayan naman ang video ng kantang “Love Runs Deeper,” isang original song ng American singer na si Gregory Porter.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This year's Christmas advertorial from Disney is a sequel to "Lola" (inset), which highlighted Filipino traditions across generations such as the importance of Christmas and value of family.
PHOTO/S: YouTube (Disney UK)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results