Cecile Guidote Alvarez's Resiliart Earthsaving event gathers animators, media leaders, artists

by Julie E. Bonifacio
Dec 5, 2021
Cecile Guidote Alvarez
Cecile Guidote Alvarez on Resiliart Earthsaving event: "The Philippines is continuing the global movement not by force or arms or missiles, but through the persuasive power of arts and media."
PHOTO/S: https://manilasdgevent.info

Aktibo pa rin sa pagtataguyod sa larangan ng theater and arts ang tinaguriang "cultural caregiver" na si Cecile Guidote Alvarez.

Kamakailan ay pormal niyang inilunsad ang Resiliart Earthsaving event, na siyang pinakabago niyang project bilang direktor ng Sustainable Development Goal (SDG). Ginanap ang launch sa Cafe Ylang Ylang restaurant sa Manila Hotel.

Gaganapin until December 10, 2021 ang event na itataon sa United Nations Human Rights Week. Tampok dito ang Art Camp, festival of performances, forum, at workshops para sa vulnerable communities, gaya ng prisoners, persons with disabilities, rehabilitation center drug dependents, refugees, at displaced indigenous communities. May outreach program din.

Noong May 2020 pa ito naka-schedule, pero tatlong beses na-reschedule dahil sa COVID-19.

Maging si Alvarez ay naging COVID-19-positive early this year.

Pahayag ni Alvarez, "The Philippines is continuing the global movement not by force or arms or missiles, but through the persuasive power of arts and media.

"So if we communicate this and highlight to the world the inclusive, effective, cultural communications inter-face, inter-cultural of continents of working together, and really helping to stop violence against crime on Mother Earth."

Continue reading below ↓

Kasama ng ng Earthsavers, which has been honored by UNESCO, pangungunahan ng kanyang team ang kauna-unahang event sa buong mundo na kikilala sa capability ng mga persons with disability, indigenous youth, at out-of-school youth.

"How can they be transformed into productive and responsible citizens using the art as effective values life-long learning. Yun po ang nakikita natin sa buong mundo."

Katuwang din nila ang Department of Education (DepEd) at ang academe.

Sa pagpatuloy ni Alvarez, "And we are very glad that we have as sub-partner, academic partner, Philippine Normal University.

"We were also told by DepEd through its Undersecretary for Partnership that they are really going to be fully supportive of this. Ito ang tinatawag nilang renewed program because of the new law for creative industry, Malikhaing Programa Para sa Kabataan. And that's where we are providing partnership."

Tungkol naman sa pagtaon ng event sa United Nations Human Rights Week, ani Alvarez, "Because what we are all fighting is equality, uh, opportunities, respect for cultural diversities, but unifying as one global community.

Continue reading below ↓

"And that's what we are going to allow the world to see. Galing sa Pilipinas. And if they think Greece started the Olympic Games, they have to remember that Philippines which started this global cultural movement not by force but by heart and media."

Bukod sa pagiging direktor ng SGD, si Alvarez ay founder ng PETA (Philippine Educational Theatre Association) at executive director ng NCCA (National Commission for Culture and the Arts).

Mapapanood ang live broadcast ng festival at forum sa LINK na ito.

ABOUT RESILIART EARTHSAVING EVENT

Ang Resiliart Earthsaving event ay organized by the Earthsavers UNESCO Artist for Peace and the Philippine Center of the International Theater Institute Social Change Network.

The event actualizes the roadmap identified in the May 2018 Manila Declaration for the Launch of the International Peace and Climate Justice Movement: Not by Force but by Art, under UNESCO Patronage.

Pinagtibay ang kasunduang ito ng November 2018 Cartagena de Indias SSCC Conference and at the December 2018 Katowice COP 24 through an international citizens art exhibition at the ART's PLANET.

Continue reading below ↓

Ayon kay SDG director Alvarez, nag-grant ng funds at support ang Senate of the Philippines, sa pangunguna ni Senator Tito Sotto, gayundin ang City Government of Manila, Office of Mayor Isko Domagoso, ang NCCA headed by Chairman Nick Lizaso at si former Senator na ngayo'y Manila Hotel president na si Joey Lina.

Present naman sa ginanap na launch ng Resiliart Earthsaving event si Manila Councilor Numero Lim, ang representative from Colombia na si Victor Sebek, at ang mga magko-conduct ng iba't ibang workshops, art camp, forum, outreach program, at festival of performances.

Magsasagawa ng workshop ang beteranong aktor na si Frank Rivera at ang kilalang manunulat sa comics industry na si Joe Lad Santos.

Si Joe Lad ay naging malapit na kaibigan ng comics novelist and artist na naging direktor sa pelikula na si Carlo Caparas. And through Direk Carlo, naging malapit din si Joe Lad sa yumaong misis ng direktor na si Donna Villa.

Continue reading below ↓

Simula noong pumanaw si Donna, hindi na naging aktibo sa showbiz si Direk Carlo. Sa Cebu na raw mas pinili ni Direk Carlo ang mamalagi kesa sa Manila.

At the same time, si Direk Carlo na rin daw ang nag-aasikaso ng mga pag-aaring naiwan ni Donna sa Cebu at Negros.

Until now, hindi pa rin daw nakaka-move on si Direk Carlo sa pagyao ni Donna, at wala pa rin sa isip ni Direk Carlo ang bumalik sa paggawa ng pelikula.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cecile Guidote Alvarez on Resiliart Earthsaving event: "The Philippines is continuing the global movement not by force or arms or missiles, but through the persuasive power of arts and media."
PHOTO/S: https://manilasdgevent.info
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results