Munting barung-barong na obra ni artist Nhoda Muñoz, masyadong true to life!

by KC Cordero
Dec 17, 2021
Nhoda Muñoz with his miniature art piece
Mula sa pagiging tattoo artist ay nagsimulang lumikha si Nhoda Muñoz ng miniature art pieces, na kasalukuyan niyang pinagkakakitaan.

Isang tattoo artist si Jayson Muñoz, kilala bilang Nhoda, ng Mabalacat, Pampanga.

Mas matunog ang kanyang pangalan ngayon dahil sa kanyang mga likhang miniature art pieces.

Kamakailan ay nag-viral ang obra maestra niyang Galaw sa Tubig nang mai-share ito ng Facebook Page na ACE of ART, isang grupo na binubuo ng mga Pinoy artists at iba pang art enthusiasts.

Nhoda Muñoz with his miniature art piece

Continue reading below ↓

Kamangha-mangha ang pagiging makatotohanan ng miniature art na barung-barong na yari mula sa mga materyales na pinulot niya kung saan-saan.

Nakapanayam si Nhoda ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 15, 2021 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Pagbabahagi niya, bilang isang artist ay marami siyang kayang gawin bukod sa pagta-tattoo.

“Kaya ko pong mag-drawing ng kahit ano, magpinta, mga crafts o kaya ay mga DIY [do-it-yourself].

“Last December 2020 lang po ako nag-start gumawa ng miniature art pieces.”

NAGiNG OBSESSION ang MINIATURE ARTS

Ayon kay Nhoda, pagta-tattoo ang talagang bread and butter niya.

Pero dahil malikot ang kanyang isipan, tumawid siya papunta sa ibang medium, at naging obsession ang miniature arts.

“Iniisip kong mabuti ang mga detalye.”

Kaya naman kinailangan niyang literal na maghalungkat sa mga tambakan ng basura at mga junk shops mahanap lang ang kailangan niyang materyales.

Aniya, “Maraming oras din ang nagagamit ko sa paghahanap ng recycled materials para sa bubuuing piyesa.”

Continue reading below ↓

Aminado siyang mahirap gumawa ng miniature art.

“Kung paano ko makukuhang realistic gaya halimbawa ng mga yero. Pero nakakaisip naman ako ng sariling paraan para gawin ito.”

Nhoda Muñoz collecting garbage

KUMIKITA NA SA KANYANG CRAFTS

Masaya namang ikinuwento ni Nhoda na sulit ang kanyang ginagawa dahil may mga nagpa-patronize na ng kanyang mga likha.

Continue reading below ↓

Marami raw ang nagandahan sa kanyang Galaw sa Tubig, at marami na ring nagtatanong magkano ang pagawa.

Aniya, “Kumikita ako sa tuwing may nagpapagawa sa akin po.”

Nhoda Muñoz with his miniature art piece

Para rin lumawak ang kanyang market base, sumali siya sa mga art groups gaya ng Ace and Art, Miniature Enthusiasts, at Philippines Urban Diorama.

Continue reading below ↓

Plano rin niyang lumahok sa mga art exhibits at art competitions.

May YouTube channel din siya, ang Nhoda Muñoz, at Facebook page na Nhoda’s Craft para mapalakas ang kanyang online presence.

WISH NIYA: MAWALA SA IMAHE NG PILIPINAS ANG BARUNG-BARONG

Nai-feature na si Nhoda ng mainstream media sa Pilipinas.

Madalas ding mai-share ng mga netizens ang kanyang mga likha.

Kung pagbuo man ng mga miniature arts na naglalarawan ng kahirapan ng ating mga bansa ang tema ng mga ginagawa ni Nhoda, makahulugan ang mensahe na nais niyang iparating sa lahat.

Aniya, “Gusto ko lang namang isigaw gamit ang mga artwork ko na Pinoy ako, na ako po ito...”

Pangarap din niyang makita ang Pilipinas na maunlad na maunlad na.

“Kapag successful na ang ating bansa, magsisilbing replicas na lang ng Philippine urban diorama ang mga creation ko.

“Wala na ang mga barung-barong, malalakas at malulusog ang mga Pinoy, at hindi ikakahiya ang kulay ng ating balat.

Continue reading below ↓

“Tiwala lang sa Panginoon, balang araw mangyayari yun.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula sa pagiging tattoo artist ay nagsimulang lumikha si Nhoda Muñoz ng miniature art pieces, na kasalukuyan niyang pinagkakakitaan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results