Ang sikreto sa tagumpay ni Ricky Lee

by KC Cordero
Dec 19, 2021
Ricky Lee with his two books
Naglabas ng dalawang libro ang premyadong writer na si Ricky para balikan ang naging pundasyon ng kanyang pagiging film writer—ang pagsusulat ng maiikling kuwento at mga nobela.

Nagkaroon ng virtual launching ang dalawang libro ng premyadong writer na si Ricky Lee noong December 14, 2021. Ang mga ito ay ang Servando Magdamag at iba pang Maiikling Kuwento at Si Amapola.

Sa panayam sa kanya ng CNN Philippines matapos ang launching, ipinaliwanag ni Ricky kung bakit siya naglabas ng mga libro.

Photo of Ricky Lee

Continue reading below ↓

Aniya, “It’s a collection of short stories that I wrote before I entered the movies.

“Kokonti ang nakakaalam na bago ako nagtagal sa pagsusulat ng screenplay sa pelikula ay nagsimula muna ako sa pagsusulat ng short stories.”

Nabanggit niya na ang titular story na "Servando Magdamag" ay isinalin sa film ng direktor na si Lav Diaz.

Ani Ricky ay nasa editing process na ito ngayon. Nagbigay rin siya ng gist tungkol sa kuwento.

“Yung 'Servando Magdamag,' tungkol sa anak ng isang asendero. Na-trap siya doon sa patuloy na opression ng kanyang angkan.

“It’s a history of violence na tuluy-tuloy na sinusundan ng kanyang angkan na hindi siya makatakas.

“This is a short story that I wrote that won the Palanca in 1971 as a student in UP.”

Cover photo of Servando Magdamag

Continue reading below ↓

Karamihan aniya sa short stories na nasa koleksiyon ay sinulat niya noong panahon ng martial law—kaya ang mga tema ay tumutukoy sa mga sitwasyon sa nasabing panahon.

“Like there’s a short story called ‘Kabilang Sa Mga Nawawala’ na tungkol sa isang teenager na biglang naging invisible.

“Hindi siya nakikita at hindi naririnig ng mga tao. Sa journey niya, looking for his body, he found out na he is a desaparecido pala. Anak siya ng mga aktibista at dinukot siya.

“So, it’s really political, pero may magic realism naman na aspect and very hip. Teenager yung protagonist.”

Naglagay rin siya ng mga personal notes kung bakit niya sinulat ang mga kuwento.

NASA LITERATURE ANG UGAT NG KANYANG PAGSUSULAT

Sa sobrang tagal ni Ricky bilang scriptwriter, ngayon lang daw niya na-realize na ang roots niya ay nasa literature, "Which is short story writing in the past then novel writing.”

Paglilinaw pa niya, “And yet, mas malaking portion ng buhay ko, e, nai-devote ko writing for films.

Continue reading below ↓

"Pero yung foundation ko pala ng writing for film, nakatuntong siya sa pagsusulat ko ng literature.”

Ang dalawang libro aniya ang paraan niya ng pagsasabi sa mga tao na, “Dito ako nanggaling. Ito yung roots ko.”

Cover photo of Si Amapola

Ang isa pa niyang libro na Si Amapola ay isinalin naman bilang graphic novel ng comics creator na si Mannix Abrera.

Continue reading below ↓

“I wrote that after I was already writing scripts. I wrote it in 2011.

“It’s a political satire, at tungkol siya sa isang baklang manananggal na may multiple personalities who was destined to save the Philippines.

“It’s set 10 days before the elections of 2012.”

At dahil lumabas ang graphic novel version nito ilang buwan bago ang 2022 elections, ani Ricky, “It’s funny coincidence.”

SIKRETO SA TAGUMPAY

Sa panayam ay natanong si Ricky kung ano ang kanyang sikreto na sa kabila ng ilang dekadang nagdaan, mga awards na natanggap, ay heto siya, patuloy na nagsusulat, at relevant pa rin ang mga istorya.

Mabilis niyang sagot, “Gusto kong magkuwento, e!”

Dagdag pa niya, “Pag hindi ako nagkuwento, walang saysay ang buhay. Parang hindi ako nabubuhay.

“Parang feeling ko, kung ibon ka, dapat kumakanta ka. Kung doktor ka, nanggagamot ka. Kung mahusay kang magluto, dapat nagluluto ka.

“And so, kung gusto mong magkuwento and may feeling ka na, ‘Marunong naman akong magkuwento, mahusay naman akong magkuwento,’ I think dapat kang magkuwento hanggang mamatay ka.

Continue reading below ↓

"Otherwise, hindi mo natupad yung kung ano ka. So wala akong nakikitang reason except, writer ako, I write.”

DAPAT SUNDIN ANG PANGARAP

Nagdaraos din ng writing workshops si Ricky kung saan bukod sa paglinang sa kakayahan ng mga aspiring writers ay binibigyan din niya ang mga ito ng payo para magtagumpay.

Diin niya, “I always tell them na lahat tayo nagsimula sa wala.”

Madalas umano siyang maka-encounter ng gustong magsulat, pero iniisip nito na wala itong talent, walang confidence at walang nakikitang opportunities.

Ibinahagi niya ang kanyang mga naging dilemma noong nagsisimula pa lang siya.

Aniya, “Ang meron lang ako noon ay yung dreams ko. And noon, noong bata pa ako hanggang lumalaki ako sa Daet [Camarines], parang I was bursting with dreams.

"Na parang puputok sa dibdib ko na, ‘Ano ang gagawin ko dito? Ang dami-dami kong pangarap, matutupad ba ito?’”

Lahat aniyang gustong magsulat ay nagsisimula sa mga ganoong tanong at pagdududa sa sarili.

Continue reading below ↓

“But, in the end, matutupad at matutupad iyan, e. Magsisikap ka lang.

“Sa akin, it’s all hard work. I’ve always been working hard para ma-achieve ang dream na iyon.

“Lumayas ako sa Bicol kasi gusto kong magkaroon ng mas bright na future. Gusto kong magsulat. Gusto kong makapag-aral dito sa Maynila.

“So, lumayas ako, nagsolo ako dito sa Maynila, nagtrabaho ako ng kung anu-anong trabaho.

"But all the time, I was writing. On the side, I kept writing and writing and writing...”

Hindi rin siya nagpatalo sa frustrations, “Maski na ma-reject. Maski na walang mapag-publish-an.

"Basta kahit na ano ang mangyari I just kept writing and writing and writing—just to feel na yun ang gusto kong gawin, e. Yun ang dream ko, e.

“So, i think kung yun ang dream mo, it doesn’t matter kung reject, magkabagsak-bagsak. Go for it.”

Sa mga interesado sa kanyang mga libro, maaaring mag-inquire sa Ricky Lee Official Facebook page.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglabas ng dalawang libro ang premyadong writer na si Ricky para balikan ang naging pundasyon ng kanyang pagiging film writer—ang pagsusulat ng maiikling kuwento at mga nobela.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results