Aklat tungkol sa Marawi siege, nominado sa prestihiyosong international award

by KC Cordero
Jan 7, 2022
Marawi Siege: Stories from the Frontlines by Carmela Fonbuena, and a photo of Marawi siege aftermath
Naglalarawan ang aklat na "Marawi Siege: Stories from the Frontlines" ni Carmela Fonbuena ng detalyado at iba’t ibang point of view tungkol sa pagsiklab ng gulo sa Marawi City.

Kinikilala ngayon sa international stage ang kuwento ng Marawi Siege.

Kabilang ang aklat na Marawi Siege: Stories from the Frontlines sa limang nominado para sa special prize for war correspondents category ng Witold Pilecki International Book Award.

Ang may akda ng aklat ay ang beteranong mamamahayag na si Carmela Fonbuena, na kasalukuyang executive director ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ).

Marawi Siege: Stories from the Frontlines printed version cover

Continue reading below ↓

Ang Witold Pilecki International Book Award ay batay sa pangalan ng sundalong Polish na kusang nagpahuli sa mga sundalo ng Germany noong World War II para makapasok sa Auschwitz concentration camp at makakuha ng mga impormasyon.

Kinikilala ng Pilecki award special prize ang mga aklat na may reliable information tungkol sa nagaganap na military conflicts o mga lugar kung saan ang dignidad ng mga tao ay nalalagay sa panganib.

Ang Marawi Siege: Stories from the Frontlines ay detalyadong kuwento tungkol sa mga naganap sa Marawi City noong 2017.

Tinalakay rin dito ang long-term peace process sa Mindanao.

Marawi Siege: Stories from the Frontlines author Carmela Fonbuena

Continue reading below ↓

Nang sumiklab ang gulo sa Marawi noong May 23, 2017, isa si Carmela sa mga unang mamamahayag na nagpunta roon para mag-cover ng mga kaganapan bilang reporter ng Rappler.

Mataman niyang sinubaybayan ang gulo hanggang matapos ito noong October 2017.

SALAYSAY NG MGA SAKSI

Bahagi ng nilalaman ng aklat ni Carmela ang salaysay ng mga opisyal mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), mga lokal na opisyal ng Marawi, Moro Islamic Liberation Front (MILF), Maute Group combatants, at mga sibilyan.

Pinagtagni-tagni niya ang mga naganap sa Marawi na naging sanhi ng gulo at nag-iwan ng larawan ng karahasan, pagkamatay ng mahigit 1,000 katao, at pagkawala ng tirahan ng libu-libo nating kababayan roon.

Higit sa lahat, ang dating maunlad na lungsod ay nagmistulang isang higanteng guho.

Ani Carmela sa panayam sa kanya ni Marisse Panaligan ng GMA News Online noong November 10, 2021, “I tried to present the narratives based on the perspective of the narrator talaga, e. And that’s an acknowledgment na talagang iba-iba ang appreciation of the events.

Continue reading below ↓

“It also shows na iba talaga ’yung pagtingin ni military at saka ni civilian on the very same day inside the Marawi siege.”

IBA’T IBANG POINT OF VIEW

Ipinaliwanag ni Carmela na sinulat niya ang aklat para mapalaganap ang pagkakaroon ng mas malawak na pag-unawa sa pagitan ng iba’t ibang naging bahagi ng gulo sa Marawi.

Aniya, “When you talk about Marawi siege and you talk to a specific group of people, say you talk to the Marawi residents, they’ll tell you so many stories. And then you talk to the soldiers, they’ll tell you so many stories.

“But they saw very different wars because they’re only talking about it from their perspectives.”

Makatutulong aniya ang kanyang aklat kung mas mauunawaang mabuti ng bawat panig ang isa’t isa.

“Ultimately, in preventing these conflicts, there needs to be cooperation between all these sectors involved. But then you listen to them talk about the Marawi siege, there’s hate, there’s anger, there’s all of these emotions, there’s a lot of questions that needed to be answered.

Continue reading below ↓

“So the book was an attempt to put them together.”

EPEKTO NG CONFLICT SA MGA RESIDENTE

Layunin din ng kanyang aklat na kontrahin ang, ayon kay Carmela, “dangerous narratives” na nagpapalaganap ng “biases” o kaya ay “generalizations” laban sa ilang grupo ng mga tao.

Halimbawa nito ang pagbubunton ng sisi sa mga residente ng Marawi dahil pinayagan ng mga ito na makapasok ang mga grupong konektado sa ISIS sa kanilang lungsod.

A scene after the Marawi City was liberated

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Carmela, “These narratives kasi are not helpful. So we have to counter that by telling the stories of the people.

“We shouldn’t really forget who suffers most from these conflicts and it’s the people talaga. The book showed that, but there should be more stories about how these conflicts impact the residents.”

NOMINASYON ISA NANG REWARD

Noong November 17, 2021, inihayag na ng Pilecki Institute ang mga nagwagi.

Sa kategorya kung saan nominated ang aklat ni Carmela, ang tinanghal na winner ay ang British journalist na si Christina Lamb para sa akda nito na Our Bodies Their Battlefield: What War Does to Women.

Tumanggap si Christina ng commemorative statuette at cash prize na PLN 75,000 (PHP947,000).

Ayon naman kay Carmela, masaya na siya sa nominasyon ng kanyang aklat.

"The nomination by itself I think is a reward already. I feel that my goal in writing the book was accomplished because it was recognized na it is helpful in warning people of future threats."

Continue reading below ↓

Marawi Siege: Stories from the Frontlines cover for digital edition

Sa kanyang Facebook post noong November 16, 2021, sinabi ni Carmela na ang Marawi Siege: Stories from the Frontlines ay pinondohan ng Australian Embassy at ng German foundation na Friedrich Ebert Stiftung.

Ang aklat ay may introduction mula sa batikang mamamahayag na si Marites Vitug. Ang cover photo naman ay kuha ni Bobby Espinosa Lagsa at idinisenyo ni Emil Mercado.

Continue reading below ↓

Available ang Marawi Siege: Stories from the Frontlines sa Fully Booked outlets. Maari ring mag-download ng digital version sa Kindle.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglalarawan ang aklat na "Marawi Siege: Stories from the Frontlines" ni Carmela Fonbuena ng detalyado at iba’t ibang point of view tungkol sa pagsiklab ng gulo sa Marawi City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results