Lance Raymundo to play Hesukristo in Lenten play

Lance Raymundo says he has become a better actor after surviving an accident a year ago: "Aspiring actor ako, napaka-tragic naman na mawalan ka ng mukha. Without that spiritual guidance siguro nahirapan din akong mag-cope... sa dami ng pinagdaanan ko, feeling ko mas malaki ang maibibigay ko as an actor."


Second life para kay Lance Raymundo ang pagkakaligtas niya sa isang freak accident noong March 19, 2014, kung saan nabagsakan ng 80 lbs. barbell ang mukha nito habang nagbubuhat sa isang gym.

Matagal-tagal namalagi sa ospital si Lance matapos sumailalim sa ilang reconstructive surgeries.

Hindi man naibalik ang dating niyang anyo ay mas bumagay naman kay Lance ang bago nitong hitsura.

Bilang pasasalamat sa himalang pagkakaligtas niya sa grabeng aksidente, na mismong siya ay hindi makapaniwala, gaganap siya bilang si Hesukristo sa stage play na Senakulo 2015.

Pahayag niya, “There is no talk of fee, and I’m not expecting… I will do this for free.

“It’s my payback kasi, to be honest, my passion in show business is TV and movies.

"Actually, nahirapan ako sa stage kasi 'di naman sanay tayo na everyday practice.

"Sa TV, study your lines… after one day, that’s over.

"This is a very different genre but I’m willing to make the sacrifice, kasi 'di ito showbiz move.

"This is a spiritual move at gusto kong magpasalamat."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lance sa rehearsal ng Senakulo 2015 noong March 4, sa Twin Oaks Place, sa Greenfield District, Mandaluyong City.


BETTER ACTOR. Ayon kay Lance, dapat ay siya rin ang gaganap sa stage play na ito noong 2014, pero hindi natuloy dahil nga sa nangyaring aksidente sa kanya.

“The accident happened two weeks before the Senakulo.

"Luckily, nakahanap sila ng artista na nakaganap, si Jojo Ragera, he’s a theater actor.

"I was very thankful to Jojo because he was able to do the role na wala ako."

Dagdag pa niya, "This is my very first time to do the role of Christ and I’m very honored to do it.

"Especially now na sa dami ng pinagdaanan ko, feeling ko mas malaki ang maibibigay ko as an actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My reason for accepting role is I wanna be inspiring to others.

"But, I guess, in my own humble way, my accident story has inspired many lives on a larger scale because of the television coverage, lahat ng suporta ninyo.

"Hindi lang sa mainit na entablado na-inspire ang mga tao, but people from around the world have been touched positively and I’m very humbled by that.

"Now, a year later, the fact that I’m still alive, I guess it’s a signal na yung 'di ko nagawa last year, which is portraying this, it’s my time to do it now."


PREPARATIONS. Paano niya pinaghandaan ang role bilang Hesukristo?

Aniya, “It’s just a lot of internalization and a lot of prayers din.

"Kasi itong role na ito is not an ordinary role, hindi ito fictional character na puwede mong laruin.

"This Being once existed, He’s the reason why we’re all here.

"It’s a huge responsibility.

"Nakakatakot, nakakanerbiyos, pero nakaka-inspire.

“Hindi siya musical, [pero] may two songs and these are all my song numbers.

"May mga key points sa buhay ni Hesukristo… I think for some variety and spice ginawang kanta [ng direktor].”


SPIRITUALLY GUIDED. Sabi pa ni Lance, “Well, the whole 2014 and 2015 really changed my life.

"'Di ba, nag-rehearse ako ng two months bago ako naaksidente?

"Sa two months na yun, marami akong mga naunawaang mga ideologies ni Kristo and that helped me survive the accident.

"I’m just a regular guy, siyempre aspiring actor ako, napaka-tragic naman na mawalan ka ng mukha.

"Without that spiritual guidance, siguro nahirapan din akong mag-cope.

"I was spiritually prepared kasi nangyari ang aksidente two months [after] I began studying it, nag-iba ang pananaw ko.

"Yung pag-deal ko sa problema was guided, kaya ako nandito.

“And I’m thankful kay Mom and Dad kasi maganda ang pagpapalaki din nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos combined pa with new faith, talagang it made me a better person.”

Nagpapasalamat din si Lance kay Lou Veloso, ang direktor/producer ng Senakulo 2015, at sa grupo nito, sa pamunuan ng Greenfield na buung-buo ang suporta at pagtulong na ibinigay para sa stage play na ito.

Sabi pa niya, "Itong sponsored ng Greenfield is on March 29, Palm Sunday, 7 P.M. and it’s open to the public, you don’t have to buy tickets.

"Just come to Greenfield, the stage is open, malaki siya, napakalaki niya.

"We will tour the show, mayroon kami sa San Juan on March 28, March 30 sa Pagsanjan, March 31 sa Pila, Laguna, and April 1 sa Sta. Ana.

"Hanggang Holy Wednesday kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN