Ilocana lola, nag-donate ng lote para ma-preserve ang Inabel weaving tradition

by KC Cordero
Mar 29, 2022
Lola Magdalena Gamayo and the samples of her inabel.
Kabilang na si Lola Magdalena Gamayo sa tourist attractions sa Ilocos Norte kung saan karamihan sa mga bisita sa lugar ay isinasama sa kanilang itinerary ang panonood kung paano siya maghabi ng inabel fabric.

Ginawang donasyon ni Lola Magdalena Gamayo, 97, isang Ilocana master weaver ng Lumbaan, Pinili, Ilocos Norte, ang bahagi ng loteng pag-aari ng kanyang pamilya sa provincial government.

Layunin lang ni Lola Magdalena sa abot pa ng kanyang makakaya na matiyak ang pagpapatuloy ng Inabel, isang tradisyonal na paraan ng habing Ilocano.

Lola Magdalena Gamayo weaving.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang “national living treasure” si Lola Magdalena na expert sa paghahabi. Recipient siya ng 2012 Gawad ng Manlilikha ng Bayan (GAMABA) Award.

Lola Magdalena Gamayo's award

Sa pamamagitan ng isang provincial resolution na sinertipikahang urgent ni Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Manotoc, inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan noong March 28, 2022, ang proposed conditional deed of donation ng 290-square-meter lot na pag-aari ni Lola Magdalena para sa Ilocos Norte government.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napagkasunduan ng dalawang panig na ang lote ay gagamitin bilang permanent weaving center, na ang layunin ay mapreserba at mapalakas pa ang production ng inabel.

Lola Magdalena Gamayo teaching a young abel

Itatayo rito ang isang weaving center na popondohan ng PHP10 million. Magsisilbi itong learning site para sa mga “abel” (weavers) at exhibit center para sa mga habing Ilocano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Layunin ng proyekto na matulungan ang mga inabel weavers. Makikinabang din dito ang micro, small, and medium entrepreneurs sa lalawigan.

Ipinagmamalaki ng bayan ng pinili si Lola Magdalena na patuloy na ipinapasa ang kanyang weaving skills sa mga batang maghahabi.

Nagsimula siyang maghabi sa edad na 16.

Samples of Lola Magdalena Gamayo's inabel.

Ang kanyang mga habi ay matibay at kayang tumagal nang mahigit 30 taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya rin ang nagsimula ng mga habing may contemporary patterns na hindi lang limitado sa conventional Ilocano textile weaves.

Kabilang na rin si Lola Magdalena sa tourist attractions sa Ilocos Norte dahil karamihan sa mga bisita sa lugar ay isinasama sa kanilang itinerary ang panonood kung paano siya maghabi.

Samantala, isa ang journalist na si Niña Corpuz (photo below), na may dugong Ilocano, sa mga proud supporters ng mga habi ni Lola Magdalena.

Journalist Niña Corpuz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang na si Lola Magdalena Gamayo sa tourist attractions sa Ilocos Norte kung saan karamihan sa mga bisita sa lugar ay isinasama sa kanilang itinerary ang panonood kung paano siya maghabi ng inabel fabric.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results