Meet Floyd Bermejo: Ang photographer ng Philippine eagle sa PHP1,000 banknote

by KC Cordero
May 11, 2022
Floyd Pison Bermejo Floyd Pison Bermejo with his photography gears, and his shot of Philippine eagle.
Bilang miyembro ng Wild Bird Photographers of the Philippines, aminado si Floyd Pison Bermejo na nasa unahan ng kanyang listahan na makunan ng larawan ang Philippine eagle.

Si Floyd Pison Bermejo ang photographer ng larawan ng Philippine eagle na nasa bagong PHP1,000 polymer banknote.

Isa siyang wildlife photographer at professional pilot.

Floyd Pison Bermejo inside an airplane cockpit

Sa panayam kay Floyd ng Manila Bulletin noong May 3, 2022, ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan bilang wildlife photographer at kung paano niya nakunan ng larawan ang Philippine Eagle.

Continue reading below ↓

Walong taon na siyang wildlife photographer.

Floyd Pison Bermejo with his photography gears

“I joined Wild Bird Photographers of the Philippines in 2014. My friends from Negros formed Negros Bird Conservation Society in 2017. In 2018, I joined Robert S Kennedy Bird Conservancy.”

NASA WISHLIST NIYA MAKUNAN NG LARAWAN ANG PHILIPPINE EAGLE

Nahilig si Floyd sa wild bird photography, at simula noong 2014 ay inililista na niya ang mga ibon na nasa kagubatan na gusto niyang makunan ng larawan.

Continue reading below ↓

“The Philippine eagle is at the top of the list. Aside from being our National Bird, the Philippine eagle [Pithecophaga jefferyi] is the largest bird of prey here in our country—and the most beautiful, if I may say so.

“It’s the world’s rarest eagle. No wonder wild bird photographers, both local and foreign, desire to have a photograph of the ‘Haring Ibon’ [Haribon] in the wild.”

Taong 2017 ay bumiyahe siya sa Davao para lang makunan ng larawan ang Philippine eagle.

Naalala ni Floyd ang sinabi sa kanya ng kagrupo tungkol sa ganda ng agila.

“My fellow photographers mentioned that seeing the 'Haribon' in the wild for the first time could mesmerize you with its beauty.

“They added that you’ll be in so much awe that you might end up just staring and forget to use your camera to capture its beauty.”

NAGHANDA PARA SA SHOOT

Ang ginawa ni Floyd ay bumisita muna siya sa Philippine Eagle Center na pinamamahalaan ng Philippine Eagle Foundation para maging pamilyar dito.

Continue reading below ↓

Apat na Philippine Eagle na hindi nakakulong ang nakita niya sa Philippine Eagle Center.

“I stayed with Imbulog because, for me, he is the most photogenic.”

Floyd Pison Bermejo photo of Haribon

Si Imbulog ay isa sa mga captive-bred na Philippine Eagle sa Center.

Nag-research din daw si Floyd tungkol sa behavior ng Philippine eagle.

“I wanted to photograph it with its crest up. I also checked the photos of other photographers for inspiration and to plan how I could present mine differently.

Continue reading below ↓

“I learned that Philippine eagles raise their crests when they are excited. In captivity, they get excited when they see their handlers bringing food.

“So whenever I would notice a handler about to walk in front of the eagle, I would prepare to get the shot that I wanted.”

Mayroon na rin siyang naisip na shot at kung paano ito kukunan.

“For the Philippine eagle, I wanted to portray it as a fierce hunter but at the same time a gentle creature of God. I wanted it to have a crest that is slightly raised, looking a bit down and a little to the right of my lens.”

Dalawang oras niyang kinunan ng mga larawan si Imbulog.

Ani Floyd, “In those moments, I kept looking at his beautiful blue eyes and wondered why someone would harm such a wonderful creature. Why they would ever want to destroy its kingdom?

“It was then that I promised myself to do whatever I can to save our national bird from all kinds of threats. Through my photographs, I hope people would be aware that we have so many marvelous endemic species that need protection from extinction.”

Continue reading below ↓

LIBRENG IPINAGAMIT SA BSP ANG LARAWAN

Ayon kay Floyd, nakita ng mga taga-Bangko Sentral ng Pilipinas ang kanyang mga shots sa Internet, at nakipag-ugnayan ang mga ito sa kanya sa pamamagitan ng Facebook.

“A year ago, they asked me if they could use my photo for a commemorative banknote that will be released sometime in April 2022.”

Hindi pinabayaran ni Floyd sa BSP ang larawan, “I realized that it will be part of history, I gave it for free.”

The new PHP1,000 polymer banknote

Continue reading below ↓

Hindi umano niya maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ngayong immortalized na ang kanyang shot sa Philippine eagle.

“Actually, I still think that I am dreaming. This is a once-in-a-lifetime opportunity and I am so honored.

“I felt more excited when I saw in the news that it would be used in a paper bill for circulation and not just in a commemorative banknote. What a way to spread awareness about our national bird.”

Makikita ang koleksiyon ng wildlife shots ni Floyd sa kanyang Instagram: @nature.priority, website: www.floydpisonbermejo.com, at Facebook page: Nature Priority by Floyd P Bermejo

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang miyembro ng Wild Bird Photographers of the Philippines, aminado si Floyd Pison Bermejo na nasa unahan ng kanyang listahan na makunan ng larawan ang Philippine eagle.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results