Jerom Canlas uncovers sexual harassment in theater industry to protect brother Elijah Canlas

by Jerry Olea
Jun 24, 2022
jerom canlas student's handbook
PHOTO/S: Jerry Olea / Virgin Labfest

Sapul ang toxic culture at power trip ng mga awtoridad sa dulang Student’s Handbook na itinanghal noong Hunyo 18, 2022, Sabado, sa Set C ng Virgin Labfest 17: Hinga sa Tanghalang Huseng Batute ng Cultural Center of the Philippines.

Ang istorya ay naganap noong Pebrero 2020 sa OSA (Office of Student’s Affairs) ng Colegio de San Pedro de Verona.

Ipinatawag ni Fr. Oks (Jojo Cayabyab) ang mga estudyanteng sina Benjo (Jerom Canlas), Claire (Marynor Madamesila), Rick (Earvin Estioco), at Peps (Gabo Tolentino) dahil sa kanilang violations sa mga patakaran ng paaralan.

Lahad ni Jerom, “Talagang I think, relevant din sa panahon ngayon lalo na sa estado ng bansa after the elections.

“Feeling ko, lahat tayo, nakaranas na ng konting pagiging pasaway nung high school tayo, di ba?

“Nakakatawa rin siya. Pero yung role ko, si Benjo, aktibista siya. So, parang… yun yung ipinaglalaban niya talaga.

“Nag-ano siya against kay Father, kahit na nakakatakot si Father. Ramdam na ramdam yung takot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero sa huli naman, I think nag-stand siya on his own. At nakaano siya na mag-revolt ang ibang estudyante laban dun sa rules na hindi naman nagme-make sense.

“Parang ang unfair. I think, applicable din yun sa sitwasyon natin ngayon.”

QUESTIONING THE AUTHORITY

Naninindigan si Jerom sa kanyang paniniwala sa pulitika at lipunan, kaya raw siguro siya napiling i-cast ng direktor na si Erika Estacio.

Iyong karakter niyang si Benjamin o Benjo na kinuwestiyon ang pagdidikta ng authority sa school ay sumaling sa personal na buhay ni Jerom.

“Opo, meron. Meron po definitely. Ako mismo, naka-experience na ako ng maraming mga people of power, na andun yung fear mo na sasabihin mo ba sa kanila yung gusto mong sabihin?” pag-amin ng aktor.

“Kahit na i-insist nila na tama sila? So, mahirap yun. Kasi, pag bata ka, di ba, parang… ‘Ay, hello po!’ Ganun lang tayo.

“Pero minsan, kailangan mo lang i-assert yung ano mo, and I think, yun ang sinasabi ng dula namin.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kumusta ang rehearsals nila ng Student’s Handbook?

Maayos ba ang sitwasyon sa VLF 17 kung saan festival directors sina Marco Viaña at Tess Jamias? Walang harassment o exploitation?

“Wala po. Masuwerte po ako, kasi, yung mga kasama ko sa dula… safe space po talaga,” malumanay na sambit ni Jerom.

“I think, yun yung pino-foster namin after yung last year… well, ahh, yung may isang festival director na nagpakamatay.

“And you know, I was closely associated with him, and that issue. Feeling ko, ito rin yung…

“Inisip ko talaga kung babalik ako sa VLF after everything. Pero inisip ko, bakit ko pa iniisip yun, e, gusto ko naman talagang umaarte.

“Gusto ko naman talagang nagpe-perform. Nag-VLF na ako noon, yung Birdcage po noong 2017, na na-Revisit noong 2018. Tahanan ko ito.”

UNSAFE ENVIRONMENT

Meron pa rin bang unsafe environment para sa young theater artists? O napalis na iyon ng COVID-19 pandemic?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung virtual po, I think, mahirap naman na magkaroon ng ganung physical contact, pero ang inaano natin dito ay yung power dynamics kasi ng mga tao,” pagmamatuwid ni Jerom.

“Kahit virtual, kahit anong space man 'yan, talagang ganun yung nangyayari.

“I think kung authoritative ang isang tao at toxic siya at manipulative siya, talagang mangyayari at mangyayari yun, na merong mga ganung tao.

“Pero ngayon, na I think, after everthing that happened last year, after I spoke out, after people supported…

“And the VLF was really, ahh, supporting me and everyone to have a safe place every rehearsals — hindi lang sa health namin physically for COVID et cetera — sobrang strict nila actually.

“Pero at the same, ahhm, emotionally na-guard din kami. At least sa production namin, sobrang saya lang namin na bumalik uli sa entablado.”

SEXUAL HARASSMENT IN THE THEATER INDUSTRY

Maraming natuwa sa pagsisiwalat ni Jerom kaugnay sa sexual abuse sa theater industry, pero meron ding mangilan-ngilan na nagalit. Naramdaman ba niya iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Meron po, ilan na nagalit, na I think mas closer to him,” pag-ayon ni Jerom.

“Pero majority naman of the support was OK. Good naman yung feedback. Kasi, at the end of the day, it was my truth.

“And ahhm, hindi naman sa ano, pero hindi lang ako kasi ang naka-experience, e.

"Kung ako lang, e, di hindi na ako magsasalita. Kasi, nakakatakot yun.

“Ang totoo niyan, it was Gelo [palayaw ng younger brother niyang si Elijah Canlas] who posted first.

“And then I told him na, parang sabi ko, ‘Gelo, huwag ka na muna, ako na lang. Parang mas maganda ako, ahhm,

"OK naman na ako sa career ko. Hindi naman ako naghahabol ng anything. So, OK, ako na lang ang magsasalita.’

“Para rin maprotektahan siya. So, nung nagsalita ako, yun… everybody, may outpour of support.

“Ahhm, yeah, I’m really grateful for people who really supported and really talked to me. The CCP really talked to me, yeah.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umabot ba sa actual harassment iyong naranasan niya sa theater director?

“Technically, ganun na rin po. Kasi, I was living there, he was hugging me. He initiated, ganun,” paliwanag ni Jerom.

“But luckily for me, it didn’t escalate to anything further. Unfortunately for others, who were younger than me, and older than me, may mga ganun. Mas malala.

“So, parang ako, lucky pa ako. Pero at the same time, I’m also a victim… Ahhm, yun nga, mahirap nga actually sabihin, kasi hindi pa siya nare-resolve.

“Actually, na-acknowledge na ng CCP pero hindi pa siya ina-acknowledge ng Philippine High School for the Arts.

“Dine-deny pa rin nila. Hindi nila gustong pag-usapan. So, even within the school, may mga empleyado rin na inirereklamo pero hindi nila sina-sanction.

“Idine-deny nila. I haven’t heard from the school. CCP, actually, si Sir Chris [Millado] talked to me. Si Sir Rod talked to me.”

Si Chris Millado ang artistic director ng CCP, samantalang si Rody Vera ang head ng Writer’s Bloc, Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa COVID-19, nabago ang sitwasyon ng buhay ng lahat. “Madali po nilang ma-sweep under the rug, sa totoo lang,” pagbuntong-hininga ni Jerom.

“Pero I think, collectively, in the industry, ay may ginagawang effort. Because the young people like me, yung generation po namin, and even the older generation would agree that this has to stop.

“The culture has to stop — not just the sexual harassment, not just in the theatre industry, but also in the film industry, any industry actually.

“So, as long as may power dynamics na ganun, at may mga taong ganun, kailangan silang i-hold na accountable.

“And we have to, you know, guard each other. And hold each other accountable, not just in that aspect but also emotionally.

“Di ba, nasisigawan tayo at sa tingin natin, OK lang yun, pero sa totoo lang, parang nakaka-demoralize.

“At yun, it has to stop, and it’s a collective effort.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya yung dula namin ay sobrang akma… Kaya yung last line ng pag-defy ay very kargadung-kargado ako! Ha! Ha! Ha! Ha! Kargadung-kargado talaga ako!”

(Ed's Note: Minabuti ng PEP.ph na hindi banggitin ang pangalan ng tinutukoy na theater director ni Jerom dahil sa sensitibong paksa at bilang paggalang sa alaala ng namayapa.)

FERMATA

Ewan kung nagkataon o sinadya na ang pangalan ng isang karakter sa dulang Fermata (nasa set C ng VLF 17) ay Ben. Ang pangalan ng karakter ni Jerom sa Student’s Handbook ay Benjo, short for Benjamin.

Ang Fermata ay tungkol sa mga kasalanan ng ama ni Ben (Xander Soriano) na musical icon, at pumanaw na. Dinalaw ni Ben ang kaibigang si Alex (Basti Artadi) upang uriratin sa pagmomolestiya ng ama sa mga binatilyong musical artist na tinuruan nito.

Pahayag ni Guelan Luarca sa Director’s Note sa souvenir program ng VLF 17, “Hanggang ngayon, ipinagluluksa ko ang kamatayan ng isang kaibigang abuser pala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dagdag sa pagluluksang iyon ang mga inabuso niya, ang mga survivors, na ilan sa kanila’y mga kaibigan ko rin.

“Kinausap ko ang therapist ko, punong-puno ng galit. Sabi niya sa akin, ‘Di ba, Guelan, sa proseso natin, e, napag-usapan natin ang tungkol sa trauma-informed practices?

“Ang ibig niyang sabihin, ang abuser ay traumatized din. Kinailangan niyang managot sana, ngunit namatay siya bago mangyari iyon.

“Ang mga naiwan niya — mga kaibigan, kapamilya, at biktima — traumatized din. Tulad ko.

“Lahat kami — tayo — traumatized. Ano’ng gagawin? Noong kampanya, nakuha ko ang sagot — “Radikal na pagmamahal.”

“Hindi ako hukom. Isa akong kaibigan. Kayang isilid ng maliit kong puso ang halu-halong galit, poot, pagsisisi, panghihinayang, hinanakit, at malalalim na pagmamahal. “Sa abot ng makakaya ko, ang lahat ng iyon ay nakasilid din sa dulang ito…”

Ang Set C ng VLF 17, kung saan tampok ang Student’s Handbook ni Anthony Kim Vergara, ay itinanghal muli nitong Hunyo 23, Huwebes, 2:00 p.m. at 7:00 p.m., sa Tanghalang Huseng Batute ng CCP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Set D kung saan kasama ang Fermata ni Dustin Celestino ay palabas muli sa Hunyo 24, Biyernes, 2:00 p.m. at 7:00 p.m., sa kaparehong tanghalan.

Ang online streaming ng VLF 17 ay sa Hunyo 30-Hulyo 10 sa Ticket2Me.

Bukas ang PEP.ph sa panig ng ilang mga taong nabanggit sa artikulong ito kaugnay ng mga pahayag ni Jerom Canlas.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea / Virgin Labfest
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results