Lea Salonga returns to Broadway for Allegiance, which will also feature George Takei of Star Trek fame

Tony Award-winning actress and The Voice of the Philippines coach Lea Salonga returns to Broadway for the October 6 restaging of Allegiance. The musical, which was topbilled by Lea during in 2012, revolves around Japanese-Americans being imprisoned in internment camps in the United States during the 1940s.



Opisyal nang in-announce ng Tony Award-winning actress at The Voice of the Philippines coach na si Lea Salonga ang muling pagbabalik niya sa Broadway via the new musical titled Allegiance.

Sa October 6, 2015 magaganap ang preview ng naturang musical sa Longacre Theatre on 220 West 48th Street in Broadway in New York City.

Ang grand opening nito ay sa November 8, 2015.

Unang itinanghal ang Allegiance sa Old Globe Theatre in San Diego, California noong September 2012 at nakatanggap ito ng mga glowing reviews.

Ginampanan ni Lea ang papel bilang si Kei Mimura sa musical na ito.

Ang unang paglabas ni Lea sa Broadway ay noong 1991 nang kunin siyang gumanap ulit bilang Kim sa Ms. Saigon.

Sa muling pagganap niya as Kim ay nagwagi siya ng maraming awards including the Tony, Drama Desk, Outer Critics Circle at Theatre World.

Ang sumunod na Broadway stint ni Lea ay noong 1993 sa musical na Les Miserables kunsaan ginampanan niya ang role bilang Eponine.

Ang huling paglabas naman ni Lea sa Broadway ay noong 2002 sa musical na The Flower Drum Song.

CAST. Makakasama ni Lea sa bagong musical na ito sina George Takei at Telly Leung who both play the role of the young and old Sam Kimura.

Nakilala si George Takei, na isang active member ng LGBT community, dahil sa kanyang pagganap bilang si Hikaru Sulu sa classic cult sci-fi series na Star Trek mula 1966 hanggang 1969.

Lumabas din siya sa film versions nito na Star Trek: The Motion Picture (1979); Star Trek: The Wrath of Khan (1982); Star Trek: The Search For Spock (1984); Star Trek: The Voyage Home (1986); Star Trek: The Final Frontier (1989) at Star Trek: The Undiscovered Country (1991).

Naging active si George sa pag-voice ng characters sa mga animated films tulad ng Mulan, Mulan II, Scooby Doo and the Sword of the Samurai Ghost, Futurama: Bender??s Game, Free Birds, Strange Frame at Axel: The Biggest Little Hero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Allegiance ay ang ikalawang beses pa lang na lalabas sa stage production si George. Ang kauna-unahan niyang stage play ay ang The Year of the Dragon na ginawa niya noong 1974.

Si Telly Leung naman ay isang American actor, singer at songwriter.

Una niyang nakatrabaho si Lea sa Broadway musical na The Flower Drum Song in 2002. Since then ay lumabas na siya sa iba??t ibang musicals tulad ng Pacific Overtures, Wicked, Rent at Godspell.

Sa telebisyon, lumabas din siya sa series na Glee mula 2010-2011.

STORY. Allegiance is based on a book by Marc Acito at inspired ito mula sa tunay na kuwento ng childhood ni George Takei noong panahon ng Japanese-American war.

The story, set during the Japanese American internment of World War II, follows the Kimura family in the weeks and years following the attack on Pearl Harbor, as they are relocated from their farm in Salinas, California to the Heart Mountain internment camp in the rural plains of Wyoming.

??Allegiance tells the epic multi-generational tale of deep family loyalty, romance, humor, optimism and unparalleled heroism in the face of fear and prejudice against Japanese-Americans during World War II and beyond,?? ayon pa kay Takei.

Ongoing ngayon sa Los Angeles, California ang auditions for additional roles para sa Allegiance.

Sa isang tweet ni Lea, ini-expect daw niyang maraming Asian-Americans ang mag-o-audition para mapasama sa bagong Broadway musical na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN