Garrett Bolden off to Guam to join Miss Saigon cast

by Rommel Gonzales
3 days ago
Garrett Bolden
Garrett Bolden flies to Guam for a month-long series of rehearsals for a special performance of the iconic and award-winning international stage musical Miss Saigon to be staged in September.

Wala sa plano ni Garrett Bolden ang mapasama sa cast ng Miss Saigon.

Kuwento ni Garrett sa Zoom mediacon na ipinatawag ng GMA Music para sa kanya nitong nakaraang Martes, August 2, 2022, ni hindi niya planong mag-audition para sa iconic at award-winning international musical play.

Aniya, “Nagkataon po na a friend of mine, sinabi po niya sa akin na, ‘There’s an audition, do you do theater?’ which is something na bago po sa akin.

“Although I did theater before, that was high school days. Pero yung talagang experience po on a professional level, this is going to be my first."

Ikinuwento rin ni Garrett ang naging audition process.

Pagtuloy niya, “So what I did, nag-send po ako ng audition video. And then after a few months, they called me back and there was a more intensive audition process.

"And then nitong last month lang po, they finally told me, ‘Yeah, you’re going to do the role! Can you come to Guam and perform with us?' Sa Miss Saigon production po in Guam."

Continue reading below ↓

Gaganap si Garrett sa Miss Saigon bilang si John Thomas na isang American GI soldier.

Kahapon, August 5, ang lipad ni Garrett patungong Guam, at buong buwan ng Agosto ang kanilang rehearsals.

Sa unang linggo ng September ang umpisa ng kanilang play. Ayon kay Garrett, one week lang muna tatakbo ang kanilang performance dahil ito ay isang special Miss Saigon franchise.

garrett will miss all-out sundays

Dahil aalis ng bansa si Garrett, tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sino ang mga mami-miss niya habang siya ay nasa Guam.

Sagot ni Garrett, “Of course, mami-miss ko po ang family ko, mami-miss ko po yung mga bandmates ko.”

Miyembro ng Accento Band si Garrett bago pa man siya sumali sa The Clash. Hanggang ngayon ay may regular gigs pa rin sila sa Olongapo at sa Resorts World Manila.

Dagdag ng singer, “And I’ll miss the AOS barkada, yung mga kasama ko po sa All-Out Sundays.

Continue reading below ↓

"And yung mga fans ko po, mami-miss ko po silang lahat siyempre.”

Inamin naman ni Garrett na may mga pagkakataon na nagdalawang-isip siya kung tatanggapin ba niya ang Miss Saigon project.

Bukod sa mapapalayo siya sa Pilipinas, may mga trabahong mawawala sa kanya dito sa ating bansa, lalo na sa GMA Network.

Pag-amin niya, “Maraming times po, paulit-ulit na nagre-recur, ‘Naku, paano ako kapag umalis ako?’

"Siyempre baka parang, hindi na ako makita, siyempre hindi na ako makikita sa TV, hindi na ako makakapag-ano sa All-Out Sundays, iniisip ko baka pagbalik ko wala ng work.

“Pero sabi ko nga po e, parang it’s something that I have to experience and nakita ko naman po yung full support sa akin ng GMA and ng mga kasama ko sa All-Out Sundays.”

preparing for miss saigon

Ang Miss Saigon stint ni Garrett ang pinakaunang beses na magtatrabaho siya sa theater industry ng ibang bansa.

Continue reading below ↓

Paano niya ito pinaghahandaan?

“Iyon po, physically, mentally, I’m preparing myself. I always read and study my scripts.

"And as much as possible po, trying not to get sick kasi it’s one thing na mahirap kalabanin kapag iyon ang tumama,” at natawa si Garrett.

Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Garrett sa kanyang paghahanda para sa Miss Saigon.

Aniya, “I’m excited po to do rehearsals, to meet the other cast, and to exchange lines with the other cast.

“Pero I’m really nervous din. Siguro po yung pag nag-start na yung magpe-perform kayo, kung yung preparation ko po e madadala ko ba kung pag mismong nasa stage na kami.

“Pero medyo may confidence naman po talaga na, sabi ko nga po, I really have to do this and I know I can do it.”

Marami-rami na ring Filipino artists ang naging bahagi ng Miss Saigon. May pressure ba kay Garrett na pantayan o lampasan ang mga na-achieve nila?

Continue reading below ↓

Pag-amin ni Garrett, ibang klaseng pressure ang nararamdaman niya.

Paliwanag niya, "Parang sa kanila po, hindi ko naman naisip yun.

"Pero ang naisip ko po is kung magagampanan ko po nang maayos itong trabaho ko. Iyon po yung pressure sa akin.

"Ang lagi ko pong dasal is sana po ay magampanan ko as John yung role talaga na John, and at the same time incorporating kung sino rin po si Garrett.

"Iyon po yung pinaka-pressure sa akin.”

Sino ba si Garrett Bolden na ipapakita niya sa mga manonood sa kanya sa Miss Saigon?

“Siyempre ipapakita ko po na kung paano ako minahal ng mga Kapuso, ise-share ko po yun sa mga taga-Guam.

"Kasi marami rin po tayong mga Filipino friends and Kapuso na nasa Guam. I know it’s an island, pero a lot of Filipinos are there.

"So I’m really going to show who Garrett is and hopefully tanggapin din po nila ako,” panalangin niya.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Garrett Bolden flies to Guam for a month-long series of rehearsals for a special performance of the iconic and award-winning international stage musical Miss Saigon to be staged in September.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results