Watch Now

TikTok PH Awards 2022: SB19, BINI, BGYO, MNL48 win TikTok PPOP Group of the Year

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 20, 2022
SB19, BGYO, BINI,MNL48
P-Pop groups SB19, BGYO, BINI, and MNL48 named TikTok PPOP of the Year at the TikTok Philippines Awards 2022 held Saturday, August 20, 2022.
PHOTO/S: SB19/BGYO/BINI/MNL48 INSTAGRAM

Nasungkit ng Pinoy P-Pop groups na SB19, BINI, BGYO, at MNL48 ang TikTok PPOP Group of the Year sa 2nd TikTok Philippines Awards.

Dinaig nila ang labing-pito pang P-Pop groups na kasama sa listahan ng mga nominado.

Kabilang na rito ang 1st one, Ver5sus, Alamat, Calista, Dione, G22, Kaia, Litz, 4th Impact, Yara, Ppop Gen, Presshit play, R rules, SB New Gen,Vxon, Daydream, at XOXO.

Ginanap ang TikTok Philippines Awards 2022 noong August 13 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City. Pero ngayong Sabado ng gabi, August 20, lang inanunsiyo nang live ang winners.

Halos hindi makapaniwala ang BINI sa kanilang pagkapanalo, na ayon sa kanila ay pangarap lang nila dati na ngayon ay naisakatuparan na.

Saad ng grupo sa kanilang acceptance speech, “Grabe naman po ito. Alam niyo po, isa lamang po ito sa mga pangarap po namin at grabe po pala, ganito po pala yung feeling na humarap kami sa maraming tao… not to perform, pero para tanggapin po yung award na ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat din sila sa pamunuan ng ABS-CBN, Star Music, at sa kanilang fans sa patuloy na suporta at paniniwala sa kanilang talento.

Masaya at proud ding tinanggap ng MNL48 ang kanilang tropeyo na, ayon sa kanila, ay inaalay nila sa buong P-Pop community.

Bilang pioneer ng P-Pop, nagpapasalamat sila sa pagtanggap at pagtangkilik ng mga Pilipino sa P-Pop groups at idols.

Maliban sa TikTok PPOP Group of the Year, ilang mga kilalang content creator pa ang pinarangalan.

Narito ang ibang mga nanalo sa TikTok Philippines Awards 2022:

  • Creator of the Year: Esnyr Ranollo
  • TikTok Celebrity of the Year: Vice Ganda and Joshua Garcia
  • TikTok Livestreamer of the Year: Yanyan de Jesus and Mona Gonzales
  • TikTok Rising Star of the Year: Roce Ordoñez and Pau Pelaez
  • TikTok Popular Creator of the Year: Esnyr Ranollo and Arshie Larga

SPECIAL AWARDS

  • Top Entertainment Award: Netflix
  • Top Media Publisher Award: KMJS (Kapuso Mo Jessica Soho)
  • Top Beauty & Fashion Creator Award: Pau Pelaez
  • Top Foodie Creator Award: Chef Hazel
  • Top Education Creator Award: Raymor Cuevas
  • Top Gaming Creator Award: Myrtle Gail
  • Top Esports Personality Award: dubstepvlr
  • Top Sports Creator Award: Daniel Bernas
  • Top Fitness Creator Award: brenthlete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang kilalang personalidad din ang present sa TikTok Awards Philippines 2022.

Kabilang sa special guest performers sina Darren Espanto, Zephanie Dimaranan, Miguel Tanfelix, Awra Briguela, Kenneth San Jose, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Rob Daniel, Niana Guerero,Natalia Guerero, Jed Madela, Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Adie, at Morissette.

READ MORE:

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
P-Pop groups SB19, BGYO, BINI, and MNL48 named TikTok PPOP of the Year at the TikTok Philippines Awards 2022 held Saturday, August 20, 2022.
PHOTO/S: SB19/BGYO/BINI/MNL48 INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results