Tattoo removal, patok na negosyo kahit magastos at masakit

by KC Cordero
Oct 27, 2022
Tattoo removal procedure
Uso ngayon ang pagpapatanggal ng tattoo, na kalimitan ay pangalan o image ng ex-dyowa. Payo ng mga tattoo artists, isiping mabuti bago magpa-tattoo dahil mas mahal ang magpatanggal at napakasakit na parang binubuhusan ng kumukulong mantika.

Iba’t iba ang dahilan ng mga taong nagpapalagay ng tattoo.

May kaakibat naman itong pagsisisi kapag nais nang ipatanggal.

Hindi kasi ganoon kadali, kahit pa may improvements sa proseso nito.

At bukod sa masakit at mabusisi, magastos pa.

Tattoo artist and her client

Ang pagtatanggal ng tattoo ay isang malaking negosyo ngayon. Kung dati-rati ay nareremedyuhan kapag ayaw na ng isang tao sa kanyang tattoo sa pamamagitan ng pagtatakip lang dito ng panibagong tattoo, ngayon ay puwede na itong mabura.

fd BOOMING INDUSTRY

Simula noong 2019, nag-boom ang tattoo-removal industry sa buong mundo.

Batay sa ulat ng The Guardian noong October 25, 2022, sa nasabing taon ay umabot ang global revenue ng tattoo removal industry sa US$500 million (PHP29.25 bilyon).

Tinatayang aabot ang global market value sa US$800 million (PHP46.89 bilyon) pagsapit ng 2027.

Ang 40% ng market ay nasa North America. Tumataas din ang demand sa Europe.

Kalimitan ay mga celebrity ang nagpapatanggal ng tattoo, ngunit ngayon ay dumarami na rin ang mga karaniwang indibidwal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iisa rin ang dahilan kung bakit nila gustong ipatanggal—regrets kung bakit nagpalagay ng body art “out of impulse.”

Karamihan din ay pangalan o simbolo ng dating partner ang ipina-tattoo, at gusto nang ipatanggal nang sila’y maghiwalay.

Sa survey na ginawa sa U.S. kung saan tatlo sa bawat 10 katao ang may tattoo, 8 percent ang nagsabing nagsisisi sila.

Kung pagbabatayan ang populasyon ngayon ng U.S., nasa limang milyong Americans ang nasabing eight percent na ayaw na sa kanilang body art.

TATTOO REMOVAL TRENDSETTERS

Kabilang sa mga Hollywood stars na nagpatanggal ng kanilang tattoo si Megan Fox, na may Marilyn Monroe sa kanyang kamay; at si Melanie Griffith na may image ng ex-husband Antonio Banderas sa katawan.

Photo of Megan Fox

Naging celebrity trendsetters ang dalawa at nakatulong sa pag-boom ng tattoo removal industry.

Nagpatanggal na rin sina Victoria Beckham, Sylvester Stallone, Colin Farrell, Sarah Hyland, at Kelly Osborne.

Si Kelly ang nagsabing ang pagpapatanggal ay, “It’s 1000000000000 times worse than getting the tattoo!!!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito rin ang reaction ng comedian and actor na si Pete Davidson, “Burning them off is worse than getting them.”

Photo of Pete Davidson

Ipinaalis ni Pete ang image ni Kim Kardashian matapos nilang mag-split nitong August.

Paliwanag ni Dr Jason Emer, isang dermatologist at nagtatanggal ng tattoo sa Hollywood, “This is pretty commonplace with celebrities who are out of a whirlwind romance and perhaps regret the tattoo they got, or are just bored and want a new one to cover some they currently have.”

Pero ayon rin sa doktor, para sa tulad niyang iyon ang propesyon, masaya ang procedure.

Aniya, “It’s almost like an artist cleaning up a canvas. You can see the tattoo react immediately with the laser when it’s being removed.”

Pero matagal aniya ito at magastos. Kaya payo ni Dr. Emer, “So, ensure you love the tattoo before getting it. No one likes having buyer’s remorse.”

PHP35K PER SESSION IN THE U.S.

Ang isang session para maalis ang tattoo ay nasa US$600 (PHP35,097.00).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman kay Dr Osman Bashir Tahir, na may ari ng medical aesthetics clinic sa west London, “The rate of tattoo removal has increased significantly.

“But it does not come without its challenges due to adverse effects such as scarring and dyspigmentation.”

Ang mga nagtatanggal ng tattoo ay gumagamit ng laser removal technology.

Tattoo removal procedure

Dinudurog nito ang ink sa balat at saka hihigupin.

Pero may pagkakataon na hindi lahat ng ink ay nakukuha, lalo na ang yellow and green.

Kadalasan ding may pamamaga sa balat, mga paltos, at skin discoloration.

May mga nagpapalagay ng tattoo para maging fashionable.

Pero sabi nga ni Bianca Torossi, isang Mexican tattoo artist, “But superficial trends change and then they feel that what should have been for life no longer represents them.”

PRICE STARTS AT PHP2K IN MANILA

Samantala, mas affordable sa Manila, kung saan ang rate ang nagsisimula sa PHP2,000 per area per session.

Ang laser procedure ay mas bearable. Ang description ng nakasubok: "Parang lastiko na pinipitik-pitik paulit-ulit."

Pero depende siguro sa tolerance for pain ng isang tao.

Batay kasi sa testimonya ng ilang nakaranas magpatanggal, ang pakiramdam ay parang binubuhusan sa balat ng kumukulong mantika.

Kaya tandaan, kapag nagpaplanong magpa-tattoo, pag-isipang mabuti.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Uso ngayon ang pagpapatanggal ng tattoo, na kalimitan ay pangalan o image ng ex-dyowa. Payo ng mga tattoo artists, isiping mabuti bago magpa-tattoo dahil mas mahal ang magpatanggal at napakasakit na parang binubuhusan ng kumukulong mantika.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results